Kabanata 25 Conflict

9.1K 268 20
                                    

Andreana's POV

Naguguluhan talaga ako sa nangyayari  sa paligid ko, o mas tamang sabihin na naguguluhan ako kina Mommy at kay Cronus.

Ito ang unang pagkakataon na makita kong lantad na lantad ang pagkahumaling ni Mommy kay Dad at ito rin ang unang pagkakataon na makita kong maygalit si Cronus sa kambal niya.

At mas lalong nakapag papagulo sa akin ang kadahilanang buntis daw ako at nakunan.

Pakiramdam ko ibang tao ang nasa harap ko at may kakaiba sa sa paligid ko. Hindi ito yung normal na sitwasyon, parang planado.....

" Tignan mo nga naman kapag pinagaagawan ka ng dalawang tao, puro gulo ang nangyayari sa pamilyang ito"

Napatingin ako sa nagsalita at nakita kong si Mommy pala iyon na nakasandal sa may gilid ng pintuan nitong kuwarto ko.

Nakabalik na pala ako sa mansyon matapos kong madischarge sa hospital, muli ko ng nakita ang mga kapatid ko or should I say mga taong mahalaga sa akin lalo na ang mga itinuturing kong Kuya at kapatid.

Mainit parin ang pagtanggap nila sa akin , pakiramdam ko ang gaan aa pakiramdam kapag tanggap ng pamilya ko ang sitwasyon at relasyon namin ng kambal.

Well....maliban nalang kay Mommy at parang patungo narin doon si Cronus na talagang weird...

"Mommy...nandyan po pala kayo.." pilit na ngiti kong sabi.

"Natural eh bahay ko din ito at nakikitira kalang naman diba?" Mapangkutya niyang sabi at nakapameywang itong naglakad papunta sa puwesto ko.

"Mom...galit parin po ba kayo sa akin...?" Lakas loob kong tanong sa kaniya, nais ko kasing malaman ang saloobin nito.

"Alangan naman matuwa ako sayo!? Eh pinagsasabong mo si Cronux at Aid-Cronus eh!" Singhal nito na namali pa ang huling sinabi nito.

Napayuko ako , naguguhuluhan man pero ang sinabi niyang nagaaway ang kambal dahil sa akin ay tila piniliga ang puso ko. Hindi ko maatim na makita silang nagaaway ng dahil sa akin. Mas natatakot ako sa kaisipang iyon kumpara sa takot na nararamdaman ko sa kambal noon kapag may nakapagkasunduan silang bagay patungkol sa akin noong mga panahong wala pa kaming relasyon.

" Alam mo Andreana , mas mabuti pang pumili ka nalang ng isa sa kanila, or much better if you choose Cronus over Cronux,  since may gusto akong ipakilala para kay Cronux at mas bagay ka kay Aid- I mean Cronus iton ay kung gusto mong matanggap talaga kita.."

Iyon lang ang sinabi nito tsaka limusan ng aking silid. May kung anong kirot akong nararamdaman sa aking dibdib aa sinabi ni Mommy. Ayokong mamili sa kanilang dalawa, pareho ko silang mahal,  at ayoko ring isioing na may ibang babaeng ipapakilala sa kanila.

Lumabas ako ng aking silid, gusto kong makausap si Cronus at Cronux uoang matigil na ang alitan nilang dalawa. Gusto kong magkabati na sila uoang hindi na ako, kami mqhiraoan sa sitwasyong ito.

Hinanap ko sila sa buong mansyon, wala dito ang mga kapatid nila dahil inaasikaso ng mga ito ang patungkol sa pagkalat ng mga memes at isyu sa social media, ang iba naman ay busy sa organisasyong hinahawakan nila.

Sa kakahanap ko ay nakarating ako sa opisina nila Dad, kakatukin ko sana ito ngunit bahagyang nakabukas ang pintuan ng opisina ni Dad.

"CRONUS!! STOP IT!!" Rinig kong galit na sigaw ni Dad so loob, bahagya akong sumilip. Napatakip ako sa aking bibig ng makitang nakaupo sa sahig si Cronux at putok ang labi nito habang matalim na nakatingin sa kanya si Cronus.

"No Dad!! Buo na ang pasya ko! Hindi na ako sumasangayon na paghatian namin si Andreana! Nakakadiri!!" Sigaw nito sa kapatid.

"Look who's talking,  diba ikaw pa nga nag suggest sa ganitong set up? Diba ikaw pa nga kumimbinsi sa akin na paghatian nalang nating ang babaeng pareho nating mahal para hindi tayo mag away pa!!? " Galit din nitong sigaw sa kambal.

Claiming and Sharing  (Deathrone #4) Blaze Cronus ,  Blade Cronux  DeathroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon