Andreana's POV
Masama ang tingin na pinupukol ni ate Rose kay kidlat habang yung isang yun eh unbothered sa presensya ng kapatid ko a.k.a right hand kuno ng kalaban namin.
Yes, kalaban.
Dahil may malaking parte ng Dollhouse ang may kinalaman sa mga kaguluhang nararanasan namin ngayon kaya tinuturing silang banta.
Pero dahil sa nangyaring pagbubuntis ng leader nila na nabuntis ng isang deathrone ay ewan ko nalang talaga. Naguguluhan na talaga ako sa nmga nangyayari sa paligid namin. Idagdag mo pa yung si bunsong Deathrone na akala ko eh tahimik at goodboy eh yun pala, tripleng mas malala kay Daddy.
Kala ko talaga pinadala yung sa ibang bansa para mag aral kasi yun naman talga ginagawa nila Dad, halos lahat sila ay nakapag aral sa ibang bansa except sa akin. Team bahay kasi ako eh. Although alam kong isang genius si bunso pero di ko naman ganito kalala na kaya nyang i handle ang ganitong sitwasyon. Para akong nananaginip ng dilat ang dalawa kong mata.
Wala akong ibang naging balita sa kambal, And I can't deny that I truly missed them. But right now, all I can do is to have faith on them. Hindi naman sila magiging Deathrone kung di nila kaya ito diba. Pero sana makasama ko na ulit sila....
" Uyyy.. iniisip nya yung kambal" asar sa akin ng kidlat na ito. Nakaupo kami kasi dito sa sala ng bahay ni Myste . Si Myste lang din ang nagpaiwan dito at di ko makita yung mga kasama nya. Ang sabi naman nya eh may binili lang daw.Pero alam kong kumaripas yun ng takbo ng nagkalabasan na nag baril kanina.
Inirapan ko lang ang nakakaasar na mukha ni Light.
" Alam kong alam mo na ginagawa lahat ng kambal para alisin lahat ng handalang sa landas ninyo." walang ano-ano ay sabi sa kin ni ate na tila may malalim din iniisip. Mabuti naman at tinigilan nya na ang nakamamatay na tingin kay Light.
"I know...I know they will come back to me.." malumanay ngunit may kaunting bahid ng pag-aalala sa akin.
" You really Love them." diretsahang sabi naman ni Light. Tumango lang ako dito at tipid na ngumiti. Hindi ko alam kung poano basta isang araw, paggising ko nalang eh alam kong mahalaga at mahal ko silang dalawa.
" Then I think it's time to get rid of Carmel" tila namutla naman ako sa sinabi ng aking ate.
What the f?! anong get rid of Carmel sinasabi nito?
" Jeez! ate, don't say that. Kahit papano may pinagsamahan din naman kami ni Carmel and I will treasure those times even though Carmel loathed me now....." nalulungkot kong sabi dito.
Pero imbis na makakuha ako ng simpatya kay ate eh tinaasan lang ako ng kilay nito.
" Treasure those times with that witch huh?" nangungutyang sabi nito.
Okey, what the heck is her problem with Carmel at mukhang may galit yata ito. Carmel is a good person, kahit na ang pamilya nito ang dahilan kung bakit nawala ang kakambal ni Daddy. But still! she's different!!
" Your family didn't tell her right?" nakataas na kilay na tanong nito kay Light na dahan-dahang lumalabas na ng pinto nitong bahay. May iniiwasan ba itong siraulong ito?.
" Light? anong di sinasabi sakin? kung yung pagpatay ng pamilya ni Carmel sa kambal ni Daddy alam k-"
" Carmel is the left hand of Rishi. Our leader and soon to be former leader of the DOLLHOUSE!!" putol ni ate Rose sa sinasabi ko.
Natigalgal ako sa mga binitawang salita ng ate patungkol kay kay Carmel. Carmel as a left hand of Rishi? okey I didn't see that comming.
" Wh-what?" yan nalang ang salitang naibigkas ko dahil sa labis na pagkagulat.
BINABASA MO ANG
Claiming and Sharing (Deathrone #4) Blaze Cronus , Blade Cronux Deathrone
Fiksi UmumJairah, isang prinsesa sa isang tribo na naghahangad na masilayan ang modernong panahon at makalaya kahit isang saglit. dahil sa isa syang prinsesa ay lagi lamang sya sa nakakulong sa kanilang tirahan ni hindi man lang naranasang makatapak sa lupa...