Kabanata 5 Cat fight

17.6K 507 25
                                    


Andreana / Jairah's POV

Kanina pa ako naiirita sa babaeng ito. Hindi ko maintindihan ang pagka bitchy nito. Mabuti na lang at medyo inspired ako dahil malapit lang sa table namin sila Carmel na kausap ang attorney niya. Paminsan minsan ay sumusulyap ako sa kaniya at ganun din siya.

"I really can't believe that I finally met you. Totoo nga ang sabi nila about diyan sa mata mo. Para kang pusa, meow!"pagkatapos ay humalakhak ito na prang sobrang nakakatawa ang sinabi niya. Panay rin ang tingin sa amin ng mga customers dahil aa lakas ng bunganga ng manok na ito.

" Alam mo ba na gusto ka rin makilala ng pinsan kong si Zika, matagal na kasi naming gustong makilala ang kapatid na babae nitong boyfriend ko  " Kanina pa siya talak ng talak samantalang kami ni Kuya Cronus ay tahimik lang na kumakain. Hanggang sa maubos na naming pareho ang aming kinakain ay kanina pa salita ng salita ang isang ito na parang hindi mauubusan ng kuwento.

Sa gitna ng pagkukuwento nito ay biglang tumunog ang cellphone ni Kuya, sinenyasan niyang tumahimik si Corona pero inirapan lang siya nito mabuti at hindi na pansin ni Kuya.

"Tsk!! I thought it was already done!!?" Pagalit na sabi ni Kuya at heto na naman yung madilim at nakakatakot niyang awra.

"Damn!!" Halos mabasag ang  Cellphone ni Kuya dahil sa higpit ng pagkakahawa niya rito,na parang ano mang oras ay masisira na ito matapos niya patayin ang tawag.

" We need to go, meron kasing emergency na kailangan kong puntahan."  Tumayo na si Kuya Cronus at susunod na sana ako sa kqniya pero biglang nagsalita itong katabi oong may pulang buhok

" Wait! Baka pwedeng mag stay muna dito yung baby sister mo. You know, girl bonding muna kami. Don't worry I'll take care of her naman eh. Hindi ko siya pababayaan. Kahit sandali lang" Pangungumbinsi nito kay Kuya Cronus na sinabayan pa niya ng pangnguso. Mukha naman siyang pato na nagkatawang tao ngayon.  Pero parang kaduda duda ang sinasabi niya lalo na dun da girl bonding na iyon.

Napatingin pa sa akin si Kuya Cronus, at muling tumingin kay Corona. Tsaka ito malakas na nagpakawala ng buntong hininga.

"Fine! But I will tell Cronux to fetch you at 1:30 PM. Behave very accordingly and don't talk to any fvcking man or else you know what will happen" pagbabanta nito bago umalis.

Mukhang importante siguro iyon dahil nagmamadali talaga ito ngayon. Napatingin naman ako kay Corona na ngayon ay may tinitipa sa kaniyang cellphone. Mukhang may ka text

Pagkatapos non ay bigla siyang humarap sa akin and I felt something change towards her.  Parang medyo naging kontrabida yung aura niya.

" Ano ka ba talaga ni Cronus?! " mataray niyang tanong at nakataas pa ang isa niyang kilay.

" Umm, kapatid niya ako, bakit ba? " pabalik kong tanong sa kaniya.

" Kapatid?  Sure kang yun lang ang relasyon niyong dalawa? O baka naman may iba pa?" May pagdududs da mga salita niya.

"Oo, kapatid niya ako, teka ano pa bang ibang relasyon ang tinutukoy mo? " hindi ko mapigilan ang medyo mainis sa kaniya.

" Tsk, I just wanna know. At para sa kaalaman mo, Kasama ako ni Cronus sa Europe and panay ang bukam bibig niya sa iyo. " may pagseselod akong nahihimigan sa kaniya.

Ano ba kasi ang gustong palabasin ng babaeng ito? Na may namamagitan sa amin ni Kuya Cronus,  for pete's sake!! Kapatid ko siya. Not by blood pero kapatid na ang turing ko sa kaniya although I hate him and his twin most of the time dahil panay pakialam sa buhay ko.

" Kapatid ko siya at wala na kaming ibang relasyon bukod don!!" depensa ko sa kaniya at medyo napalakas ang boses ko.

"Pwede ba wag kang galit! Akala mo naman kung sino ka eh sa pagkakaalam ko ang kapatid na babae nila ay isa naman palang ampon. Tsk, act as a real Deathrone naman girl. Hindi yung para kang taong bundok!"

Claiming and Sharing  (Deathrone #4) Blaze Cronus ,  Blade Cronux  DeathroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon