Andreana's POV
" Ano ba talagang nais gawin ng grupo niyo at bakit niyo kami ginugulo!? " naiinis ko ng tanong aa kasama kong ito pero wala parin akong makuhang matinong sagot.
Katulad kanina ay wala parin itong imik at tahimik lang na minamaneho ang kotse na sinakyan nami. Agad din kasi kaming umalis sa lugar na pinagdalhan niya sa akin. Nanlamig panga ako ng marinig ko ang putok ng baril galing sa silid ng doktorang iyon. Si Ate Rose na ang tumapos sa buhay ng doktorang iyon.
Lumaki ako sa pangangalaga ng mga Deathrone, kaya sanay na ako. Hindi parin ako nito kinibo at patuloy lang na nagmamaneho.
Hindi nalang ako nagtanong dahil masasayang lang ang laway ko sa kaniya. Siya ang kabaliktaran ko. Kung ako ay madaldal at madaling mapangiti, ito naman ay tahimik at kung magsalita naman ng napaka haba ay kung galit o nangiinsulto pa.
Pero sadyang madaldal talaga ako, hindi ko parin mapigilang magtanong nang kung ano-ano dito.
" Mahilig ka ba sa bata?"
Muntik na akong mapasubsob dahil sa biglaang pagpreno nito. Mabuti nakang at naka seat belt ako. Masama ko siyang tinignan pero hindi nito ako pinansin at agad na bumaba ng kotse. Ni hindi manlang nag sorry.
Nakasimangot akong bumaba sa kotse at sinundan ang babaeng yon. Huminto ito sa isang bahay na maydalawang palapag pero hindi ito yung mukhang pangmayaman. May kakulumaan na ito at gawa sa bato ang unang palapag at kahoy naman sa second floor. Walang pintura ang bahay at kinakalawang nadin ang gate.
Kumatok si ate Rose sa gate. Mayamaya pa, lumabas ang isang cute na babae na mukhang bata lang ng ilang taon sa akin. May tattoo ito sa braso. Naka piggy tail ang mahaba at tuwid nitong buhok. Mukha siyang astig na babae pero cute manamit at ang style nito.
"Yesss? What can I do por yo? " nakangiti nitong tanong kaya lumabas ang mapuputing ngipin nito, cute din ang boses nito naparang kikay.
"Kukunin namin yung kuwartong pinaparentahan ninyo" walang emosyong sabi ng kasama ko.
"CHERLALU!!!!! Hoy!! Kaye Flores!!! Bumaba na jan!! May customer na tayo!" Natutuwang sigaw at tawag nito sa kamasa niya yata.
"Hoy! Myste!! Mabuti at may nauto ka diyan at naparentahan niyo yung bulok na bakanteng kuwarto ng bahay nayan! " sigaw ng isang lasengerong umiinom sa may katapat na tindahan.
"Tarandado! Hindi bulok kuwarto namin! Sadyang inaanay lang yang ugali mo Mang Kurekong!! " balik nitong bulyaw sa lalakeng umiinom.
"Aba't pendeha tong babaeng to ha!!"
"Pendeho ka naman!!! Baka gusto mong basagin ko ulit yang mukha mo! " matapang nitong sagot sa lalake at di man lang natinag.
Dito ko lang napansin na nasa squatter area kami. Bakit naman kaya ako naisipang dalhin nito dito.
"Pasok po kayo mga Ma'am, dito po tayo at wag niyong pansinin yang mga tambay na lasengerong iyan" magalang nitong sabi. Tahimik lang na pumasok si ate Rose.
Nginitian ko lang yung babaeng kinausap namin kanina bago sumunod. Binati kami ng isa pang babae na kaedad lang yata nung Myste na kausap namin.
Si Kaye Flores o alyas Kix na simple lang manamit pero mukhang may pagka boyish ang porma at Myste na cute pero astig ang dating.Kasama nila ang tatay at nanay ni Kaye dito sa bahay na mababait din sa amin. Dinala kami ng dalawa sa isang kuwartong tama lang ang laki.
May kama, cabinet, electric fan, kumot, at unan. Doon ko lang din napag alaman na boarding house pala ito. 4,000 pesos ang bayad kasama na ang pagkain, tubig at kuryente.
BINABASA MO ANG
Claiming and Sharing (Deathrone #4) Blaze Cronus , Blade Cronux Deathrone
Художественная прозаJairah, isang prinsesa sa isang tribo na naghahangad na masilayan ang modernong panahon at makalaya kahit isang saglit. dahil sa isa syang prinsesa ay lagi lamang sya sa nakakulong sa kanilang tirahan ni hindi man lang naranasang makatapak sa lupa...