Andreana's POV
Tahimik akong kumakain at humihigop ng kape dito sa kuwartong inuupahan namin ngayon ng nakatatandang kapatid ko. Habang sya ay busy sa pakikipag usap sa hawak nyang cellphone gamit ang wikang hindi ko maintindihan. Nagsasalita kasi yata ng hapon ang kapatid ko, katunog kasi. Tila may kaaway ito habvang pabalik-balik na naglalakad sa harap ko. Kulang nalang mabutas yung sahig na nilalakaran nya.
Hinatiran kami nung babae na si Miste ng agahan, kasama narin kasi ito sa binayaran namin. Simpleng Daing , kamatis at pulang itlog ang ulam namin na tinernuhan ng kanin at kape, pero masarap naman kahit na hindi ito ang tipikal na agahan na kinakain ko.
Aayain ko sanang kumain ang ate kaso baka bugahan ako ng kape nito, umagang-umaga eh pinuputakti ng mura ang bibig nya. Panay sabi ng F@ckSh!t, kulang sa mumog ng holy water si ate.
Matapos ang trenta minutos na pakikipagbangayan ni ate sa kausap nya ay binabaan na nito ng tawag tsaka naman malalim na bumuntong hininga.
" Sino yang kaaway mo?" tanong ko sa kanya.
" It's Rishi" sabi nito sabay hinga ulit ng malalim.
" Sya ba yung leader nyo?"tumango lang ito bilang saot sa aking tanong.
"Bakit naman kayo nag-away? huwag mong sabihin na balak na nya akong ipatodas?' biro ko sabay tawa ng kaunti, pero patay malisya ito at wala namang reaksyon.Halata na may problema talaga , or maybe my jokes are too corny for her kaya hindi mapatawa.
" She wants me to become the next leader of our organization" problemado nitong sabi.
" Ha? bakit gusto nyang i-take over mo ang position nayon? nagkaproblema ba sya?'' naguguluhan kong tanong dito. Oo, alam ko na second in comand si ate gaya ng paliwanag nya sa akin kagabi kaya di malabong sya ang sunod na pumalit dito.
" That Bitch is pregnant right now, and it's againt's the rules, so I need to take over no matter I agree or not." paliwanag nya tsaka hinihilot ang sintido nito.
" OMG! juntis sya, pero ang harsh mo naman sa kanya, baka malay mo may pinag dadaan yung tao, sino ba yung naka buntis sa kanya at ilang taon na basya?" tanong kong muli sa kanya bago ko hinigop ang kape ko.
" She's only 17 yrs old, and the father of her offspring is no other than Zane Sky Deathrone"
Bigla kong naibuga yung kapeng ininom ko kanina, literal na basang-basa ang muklha ng ate dahil magkalapit lang kaming dalawa. Pero wala naman syang reaksyon sa nangyari dahil tila sobrang lalim ng iniisip nito. Gusto ko mangf imingi ng tawad subalit di ko naman magawa dahil ubo ako ng ubo. Pakiramdam ko mamatay na ako sa kakaubo.
Walangya! yung Kuya Zane kong yun na napaka anti-social at mainit lagi ang ulo na parang bulkan na any moment sasabog eh makakabulls eye sa leader ng Dollhouse? Kung mga kuya ko nga eh pahirapan makausap ng mga babae pano nalang kaya ang isang yun? di ka pa nagsasalita nasapak ka.
Ilang beses pa nyang natuhog ang babaeng yun? ambilis naman nilang makaubo, at take note 17 yrs old lang sya at si Kuya Zane eh 3 taon ang tanda sa akin.
Pano nya nakilala yung leader nila? At pano nya naman na buntis yun? Oh come on Andreana, meron ka kayang mommy na halos taon-taon nabubuntis at meron kang tatay na sharp shooter, so kanino paba yon magmamana?
This is a very shocking news! That Ani-social shy type with anger issue person a.k.a Zane nakabuntis? at leader pa ng Dollhouse! lupit mo brother!
Huminga ako ng malalim ng makabawi ako sa aking pag ubo, Dali-dali akong kumuha ng towel at pinunasan ang mukha ng kapatid kong tulala parin at malalim ang iniisip, di man lang ininda yung pagbuga ko ng kape sa kanya.
BINABASA MO ANG
Claiming and Sharing (Deathrone #4) Blaze Cronus , Blade Cronux Deathrone
Ficção GeralJairah, isang prinsesa sa isang tribo na naghahangad na masilayan ang modernong panahon at makalaya kahit isang saglit. dahil sa isa syang prinsesa ay lagi lamang sya sa nakakulong sa kanilang tirahan ni hindi man lang naranasang makatapak sa lupa...