Kabanata 2 Her Dirty Little Secret

29.4K 639 75
                                    

This story is very different from my other works. Please,  if you are not comfortable with the scenes you are free to leave....

Two years later....

Andreana/Jairah's POV

" Tandang Akjuba.  Maari nyo po ba ulit na ikuwento sa akin ang tungkol sa dalawang prinsipe na nagmahal sa iisang babae? " malambing kong pakiusap habang sinusuklayan ako ni Tandang Akjuba gamit ang kaniyang mga daliri.

Ito kasi ang isa sa mga paraan niya upang ako'y makatulog ng maaga bukod sa pagkukuwento niya na hindi ko alam kung saan niya nakuha.

"Hindi ba't makailang beses mo ng narinig ang kuwentong iyon? Hindi ka ba nagsasawa? "Tanong nito sa akin.

"Hindi Tandang Akjuba sapagkat ako'y namamangha sa kuwentong iyon. Parati ko ring naiisip na kung meron nga bang totoong prinsesang iniibig pareho ng magkapatid na prinsipe." Natawa ito sa aking sagot.

" Jairah....batid mong isa lamang kathang isip ang kuwentong iyon. Kailan man ay hindi mo pwedeng ibigin ng sabay ang dalawang lalaki. Iisa lamang ang ating puso at ito ay titibok lamang sa iisang tao" paliwaang nito.

"Ngunit bakit si ama ay mayroong maraming asawa? Ibig sabihin ay umiibig din siya sa higit sa isa, hindi ba? " Inosente kong tanong. Dahil sa tribo namin ang isang lalaki ay maaring mag-asawa ng higit sa isa.

"Sapagkat ang pag-aasawa ng higit sa isa ay isang kaugalian na ng ating tribo. Naniniwala kasi tayo na isa ito sa mga paraan upang dumami at hindi mawala ang ating tribo pero hindi ibig sabihin na mahal mo lahat ng iyong asawa. Sa madling salita, ang pag-aasawa ng higit sa isa ng ating tribo ay maihahalintulad sa responsibilidad ng tao na magparami"

Mahabang salaysay ni TandangAkjuba.

"Pero sa tingin mo tandang Akjuba,  sa modernong kabihasnan kaya, maaring umibig ng sabay ang isang tao?" Muling tanong ko.

"Iyan ang bagay na hindi ko kayang sagutin...pero marahil balang araw ay ikaw ang makakasagot sa katanungang iyan....."

"PUSA!!!! Alis na diyan, ang laki-laki ng kuwarto mo pero diyan ka natutulog sa kama ni Kuya Beast" Iminulat ko ang namumungay ko pang mga mata ang hinanap ang taong kanina pa nag rereklamo.

Nahagip ng aking mata si Kuya Lightning na nakapameywang sa gilid ng pinto nitong silid ni Kuya Beast. Nakatulog kasi ako dito  at hindi ko na malayang maghahapon na pala.

Napataas ang kilay ko dahil ano namang masama kung dito ako natutulog eh nagpaalam naman ako kay kuya habang wala siya ay dito ako tatambay.

" Si Kuya Lightning masyadong epal, ingit ka lang kasi ako pwedeng matulog dito ikaw hindi"irap ko sa kaniya.

Maganda kasi ang kuwarto ni kuya Beast, Forest ang theme nito. Pinaghalong gree, yellow green, at dark brown ang buong kuwarto niya. Isali mo pa ang wallpaper niyang forest din. Gusto ko rin ang malambot niyang kama na kulay brown ang kulay ng bedsheets samantalang green naman ang mga unan. Favorite color niya kasi ang green.

" anong ingit? Di hamak na mas maganda naman ang kuwarto ko kaysa dito no"

"Anong maganda eh ang boring kaya ng kulay, grey? Ewww" maarte ko kunwaring sabi.

"Ah basta tumayo ka na diyan at mag ayos-ayos na dahil pupunta tayo sa don sa isang charity event. " huling sabi niya bago umalis.

Nanlaki naman ang mata ko at nagmamadaling tumayo bago pumunta sa saeili kong kuwarto na puro puti. Winter ang theme ng kuwarto ko, ang favourite part ko sa aking napakalaking kuwarto ay ang mini living room na may flat screen tv pa. Hobby ko kasi ang manood kaya ito ang pinakagusto kong parte ng aking kuwarto bukod sa kama at sarili kong banyo.

Claiming and Sharing  (Deathrone #4) Blaze Cronus ,  Blade Cronux  DeathroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon