SPECIAL CHAPTER: New Era

7.8K 148 7
                                    

9 months later.....

THIRD PERSON'S POV

Binalot ni Andreana ng mahigpit ang kanyang sarili ng makapal na jacket.

Malamig kasi ang klima dito sa Italy, sa ngayon ay nakatira sya sa isa sa mga mansion ng pamilya ng Deathrone dito sa bansang Italy.

Napagpasyahan nyang bumalik na sa loob ng kanyang tinitirahan. Hindi parin sya sanay sa malamig na klima dito Lalo na ngayong winter season pa naman.

Nagpalit muna sya ng pambahay bago nya naisipang bisitahin sa kuwarto ang minamahal.

Pagpasok nya sa loob ay inilagay nya ang mga bulaklak na ipina-deliver nya kanina sa Isang mamahaling vase na katabi ng hinihigaan ni Cronus.

Matapos nito ay umupo sya sa tabi nito at pinagmasdan ito.

Bagamat wala na ang ibang mga aparatus na nakakabit dito ay nanatili paring walang malay ang lalaki.

Naalala nya nung araw na halos mag-agaw buhay na ito, Akala nya ay pati ito ay kukunin na Rin sa kanya.

Subalit nagmakaawa sya, halos tawagin nya lahat ng santo ng mga araw na iyon.

Laking pasasalamat nya at bumalik naman sa normal ang heart rate nito.

Hindi nya kakayanin kung pati ito ay mawawala sa kanya. Maraming mahal nya na sa buhay ang iniwan sya kaya halos araw-araw ay walang tigil syang nagdarasal na sana ay magising na ito.

" Babe....I missed you so much, you....please comeback to me..."

Ito ang araw-araw nyang unusual sa lalaki. Kahit ilang taon pa nya itong Gawin ay hindi sya magsasawa na makiusap dito na bumalik sa kanya.

Pinahid nya ang luha na lumandas sa kanyang mata. Ngunit napadako ang kanyang tingin sa shelves ng drawer malapit sa puwesto nya.

Binuksan nya ito at kinuha Ang Isang sobre na may laman na sulat. Sulat ito mula sa kanyang kapatid na si Rose.

Natanggap nya ito mula kay Rishi. Bagamat hindi sila nagkausap noong dumalaw sya sa kanilang mansyon sa Pilipinas ay iniabot lang nito ang sobre sa kanya bago umalis ng wala man lang sinasabi.

Hindi ito gaanong palaimik sa kanila maliban kay Zane.
Naiintindihan naman nila ito dahil kahit hindi nito Sabihin ay alam nilang sinisisi nito ang sarili.

Hindi lang sa pagbagsak ng Dollhouse, kundi pati narin sa pagkamatay ng ilan sa mga tauhan nito at sa nangyari sa kambal.

Nang dahil sa pagtitiwala nya sa Isang tao ay maraming naging sakripisyo. Hindi nito natanggap na sya na nagmamanipula ng damdamin at isip ng iba ay magagawang manipulahin din ng taong itinuring nyang parang kapatid.

Para itong napaso sa sarili nitong apoy. Hindi nya naman nya ito sinisisi o maging ng pamilya nya pero nirerespeto naman nila ito kapag nais nitong mapag-isa.

Hindi lang maiwasan ni Rishi mairita o di kaya ay bigyan ng weirdong tingin si Ivory. Ang babaeng kabaligtaran nito.

Ibinuklat nya ang laman ng sulat at muli ay binasa ang laman ng liham ng kapatid.

Andreana, alam kong sa Oras na matanggap mo ang liham na ito ay maaring wala na ako sa mundong ito. Alam ko na hindi ako masyadong naglalabaa ng emosyon sayo pero masaya ako...masayang-masaya ako na kahit papano ay mayroon pa akong kapatid. Na hindi ako nag iisa at nariyan ka pa. Kung alam mo lang kung gaanong kita nais yakapin, kung paano kita kagustong damayan sa lahat ng problema mo. Ngunit sa tuwing naalala ko kung papano kunin sa akin ang mga taong malapit sa buhay ko ay nagkakaroon ako ng takot na baka pati ikaw ay kunin din sa akin kapag naging malapit ako sayo...
Maraming salamat dahil nagawa mo parin akong tanggapin kahit na anak lamang ako sa labas. Gusto ko Mang magbago at magpatawad ngunit tuluyang ng nalamon ng Galit at hinagpis Ang puso ko. Masyado ng malamim Ang hukay na ginagawa ko upang makaahon pang muli, ikaw na sana ang bahala sa anak ko, sana ay maprotektahan mo sya gaya ng ginawa ko.

Claiming and Sharing  (Deathrone #4) Blaze Cronus ,  Blade Cronux  DeathroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon