THIRD PERSON'S POV
Napamura si Cronux ng makitang natumba si Andreana di kalayuan sa kaniyang puwesto. Agad siyang tumakbo papunta dito para tulungan itong buhatin. Napansin din niya ang mabilis na pagharurot ng isang sasakyan.
Nagmamadali niyang isinakay si Andreana sa kanyang kotse at mabilis itong minaneho papunta sa ospital. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Galit, pag-aalala, at takot.
Galit para sa gumawa nito kay Andreana, pag-aalala na baka malala ang pinsala nito at takot na baka tuluyan ng mawala sa kaniya si Andreana kapag hindi ito naagapan agad.
Napadaing naman si Andreana ng subukan niyang kumilos. Masakit ang binti niya at ang kaniyang balakang.
" Fuck!! Don't move Andreana!! Baka mas lumala ang kalagayan mo!!" Galit na saway ng katabi niyang aligaga sa pagmamaneho ng kanilang sinasakyan.
Palihim namang napairap si Andreana sa ka- OA- han ng kaniyang kuya. Hindi naman siya mamamatay no! Hindi naman ganon kalakas ang pagkakahagip sa kaniya ng kotseng iyon pero sapat na para matumba siya at marahas na bumagsak sa gilid ng kalsada.
Ang pakiramdam niya ay parang napilayan lang siya pero hindi naman yung tipong naghihingalo na siya. Masakit lang talaga ang binti niya at ang kaniyang balakang. Idagdag mo pa ang gutom na nararamdaman niya.
Pero napaisip siya kung sino naman ang walang hiyang muntik ng sumagasa sa kaniya. Nahagip lang siya nito pero hindi parin tama iyon. Imbis na humingi ng sorry ay kumaripas lang ito ng takbo.
Nakarating agad sila ng hospital ng wala pang sampung minuto. Agad syang binuhat ni Cronux at dinala sa loob. Sumigaw pa ito para i- assist sya ng mga doktor at nurse ng naturang hospital.
Nagkagulo pa sa loob dahil nakilala nila kung sino ang binatilyo. Agad nilang namukhaan ito, isang Deathrone Prince kaya hindi magkanda ugaga ang mga doktor sa pagresolba kung ano man ang problema, hindi sa takot silang mawalan ng trabaho, takot silang mapatay nito ng wlaa sa oras.
Agad nilang inasikaso si Andreana na hindi maipinta ang mukha.Matapos ang ginawang pag aasikaso sa kaniya ng mga nurse at doctor ay nasa isang private room na sila ng kaniyang kuya. Gaya ng hula niya, ay hindi naman ganon kalala ang nangyari. Nagkaroon lang ng konting pamamaga ang kanyang binti dahil sa impact ng pagkakasagi sa kaniya. Napalakas lang daw ang pagkakabagsak niya sa semento kaya sumakit ang kaniyanh balakang pero ,mabuti at wala naman siyang natamong pilay o bali ng buto maliban sa mga mumunting gasgas niya sa katawan na nilapatan naman agad ng lunas.
Katatapos lang niyang kumain ay ngayon ay nagpapahinga na lamang siya pero marahas na bumukas ang pinto at iniluwa non ang kuya Cronus niyang punong-puno ng pag-aalala ang mukha. Agad itong lumapit sa kaniya ng magtama ang kanilang mga mata
"Damn!! Princess...are you alright!? May masakit pa ba sa iyo? Tell me who did this and I'm gonna fvcking kill that person!! "
Nagpupuyos sa galit ang kanyang Kuya Cronus, alam niya na pwede nitong totohanin ang kaniyang sinabi na papatay ito. Pero hindi naman ganon kalala ang nangyari sa kaniya para pumatay ito.
"Umm...I'm fine Kuya....,medyo masakit lang ang ginti at balakang ko...so you don't need to kill that person who did this to me. Pwedeng ipakulong nalang natin...." mahina niyang usal.
"NO!!! hindi ako papayag na ganon na lang iyon!!! Pagbabayarin ko ang sino mang hinayupak na may gawa nito sa pag-aari ko!!"
Nangunot ang noo ni Andreana sa huling sinabi ng kaniyang kuya. Mukhang hindi niya yata na intindihan ang ipinahihiwatig nito sa kankyang mga sinabi o baka naman nagkamali lanh siya ng dinig.
BINABASA MO ANG
Claiming and Sharing (Deathrone #4) Blaze Cronus , Blade Cronux Deathrone
Aktuelle LiteraturJairah, isang prinsesa sa isang tribo na naghahangad na masilayan ang modernong panahon at makalaya kahit isang saglit. dahil sa isa syang prinsesa ay lagi lamang sya sa nakakulong sa kanilang tirahan ni hindi man lang naranasang makatapak sa lupa...