Andreana\Jairah's POV
"Good morning mom,good morning Dad" masayang bati ko sa kanila sabay halik sa pisngi nilang dalawa.
"Good morning princess,halika na at kumain kana dito"sabi sa akin ni mommy kaya umupo ako sa tabi nya.
"Princess,you should eat more vegetables and healthy food dahil nangangayayat ka na naman" sabi naman ni Dad kaya napanguso ako sa sinabi nyang 'vegetables'. I hate gulay especially ampalaya dahil ang pait pait.
"Pero Dad,nakakasawa na ang gulay eh"nakanguso kong sabi.Bigla namang sumulpot si kuya Light na may nakaplastar na mapangasar na ngiti sa mukha nya.
"Don't worry Mom,Dad,mamaya ako ang maghahanda ng masarap na pagkain ni Prinsesang pusa"pangaasar sa akin ni kuya na halos ika usok ng ilong ko.
"Dad!si kuya oh!" Sumbong ko kay Daddy dahil inaasar na naman ako ni kuya Light,madalas nya akong tawaging pusa dahil sa magkaiba ang kulay ng mata ko.
"Stop it son" saway ni Dad sa kanya kaya pasimple ko syang dinilaan na kinatawa naman nya. Sa loob ng labing tatlong taon ay masasabi kong naging kumpleto muli ang buhay ko magmula ng ampunin ako nila Daddy Zerred at Mommy Heva na itinuring akong tunay na anak.
Naalala ko pa nga ng iuwi ako ni Daddy dito sa mansyon at sinabing aampunin na nya ako,tuwang tuwa si mommy dahil sa wakas ay meron na raw syang babaeng anak dahil puro lalaki ang anak nya dahil hindi raw marunong gumawa ng babaeng anak si Dad.
Binigay nila sa akin lahat ng pagmamahal na kailangan ko at kailan man hindi sila nawalan ng atensyon sa aming mga anak nila. Patas ang pagmamahal na ibinibigay nila sa amin kahit ako na isang ampon lang ay masasabing kahit kailan ay hindi sila nagkulang sa pagmamahal bilang mga magulang.
Pero kagaya ng mga ibang magulang ay talagang inii-spoiled nila ako,lalo na si mommy na halos kada linggo nalang ako bilhan ng bagong damit. Si Dad naman ay napakastrikto dahil ayaw tumangap ng manliligaw,at kung sino man na lalaki ang nagpapakita ng interest sa akin ay tinututukan nya ng baril.
Gaya ng minsan ay isinama nila ako sa isang event at merong isang binatilyong naglakas loob na lapitan ako para ayain sanang sumayaw pero agad syang tinutukan ni Dad ng baril sa ulo kaya sa huli ay nagtatakbo yung lalaki paalis. Home school nga lang din ako dahil takot daw si Dad na baka kung sino sinong aswang daw ang lumapit sa akin kapag nagaral ako sa iang university na sinang ayunan ko naman, dahil ang totoo hindi pa ako sanay na makihalubilo sa mga modernong tao kaya mas gusto kong hindi nalang lumalabas ng bahay.
Kahit na istrikto si Dad ,kailan man ay hindi sya nagkulang sa akin at alam ko na mahal na mahal nya ako na parang tunay nyang anak kahit na isa syang mafia. Oo alam ko na kung ano sila at tanggap ko naman ito ,bakit naman hindi? Sila nga tinanggap ako sa buhay nila kahit hindi nila ako kaano ano.
"Nga pala Dad nasaan si kuya Heaven? Bakit ang tagal tagal naman yata ng second honeymoon nila ate Ivory?" tanong ko kay Daddy kaya napatigil ito sa pagkain.
"Alam mo naman ang kuya mo,masyadong sinusulit ang bawat sandali na nasosolo nya ang ate Ivory mo. Miss mo na ba sya?" Tumango ako sa tanong ni Dad bilang pagsangayon pero sumabat naman si kuya Light.
"Di totoo yan Dad,dahil kaya nya lang hinahanap si kuya Heaven dahil excited na yan sa pasalubong ni kuya na chocolate na ni-request nya"sumbong ni kuya kaya sinamaan ko sya ng tingin dahil ilalaglag pa ako nito.
Napakislot si kuya Light ng may biglang umakbay sa balikat nya na matitipunong braso. Kita ko ang sunod sunod nyang paglunok kaya napangisi ako dahil dumating na ang kakampi ko.
"Doing it again Light? " malalim at lalaking lalaki ang boses na tanong ni kuya Beast,my favourite kuya😁.Kaya ko sya naging favourite dahil lagi ako nitong pinapaburan at pinagtatanggol sa mga pangaasar ni kuya Light.
"Ah,eh hin-di no,nagjojoke lang na-man ako kay An-drea eh" humalakhak ako dahil pautal utal ang pagsasalita ni kuya Light.
"Tsk" Inasikan lang sya ni kuya Beast at umupo sa tabi ko at ako na dakilang sipsip ay inabutan sya ng kanin at ng paborito nyang chicken square. Nakanguso naman si kuya Light dahil alam nitong sya naman ang pinagtirpan ni kuya Beast.
Sunod namang nag datingan ang iba pang mga kuya ko na sila kuya Sky na nakasimangot nalang palagi, at ang triplets nila Mom at Dad na sina Baby Helios,baby Thyrell at Baby Laloyd nila na naguunahan makatabi si Dad.
Nagsimula nang maging maingay ang hapag,kahit malaki ang pamilya ni Dad ay ok lang dahil masipag naman magtrabaho si dad at masipag din gumawa ng baby kaya panay ang reklamo ni Mom dahil mas dinaragdagan pa daw ni Dad ang populasyon sa Pilipinas pero ang sabi naman ni Dad sinusunod lang nya ang payo ng pari na nagkasal sa kanila noon ang 'humayo kayo at magparami' kaya letiral na nagpaparami ng lahi si Dad kaso puro naman barako. Tsaka kahit ang dami na namin ay masaya naman kami pero minsan hindi mawawala ang asaran sa magkakapatid.
"Hey guys,what's up? Hindi nyo man lang kami hinintay?" Sabay sabay kaming napatingin sa nagsalita at muntik pa akong masamid dahil dumating na sila.... ang twin dragon ng Deathrone.
...sila kuya Blade Cronus Deathrone at Blaze Cronux Deathrone na laging pareho ang damit.
Kung naiinis ako kay kuya Light,ilag naman ako sa kambal na ito sa hindi ko malamang dahilan. Siguro dahil sila yata ang palaging kumokontra kapag may gusto akong gawin. Iba rin sila makatingin sa akin at akala mo ay kakainin nq nila ako ng buhay.
Palagi rin akong tinatayuan ng balahibo kapag nasa malapit sila at pakiramdam ko ay parang sa akin parati nakamasid ang mga mata nilang dalawa. Safe lang ako kapag nandito si kuya Beast o di kaya'y si kuya Heaven dahil sumusuporta ang mga ito sa mga gusto ko pero itong dalawang ito,himala kung sumangayon.
"Look at our princess,parang ang payat muna ah"
"You should eat more princess ,baka makasakit ka nyan"
Sabi nilang dalawa sa akin habang nakatingin derekta sa mga mata ko. Sa kanilang dalawa lang talaga ako hindi komportable dahil sa mga kinikilos nila. Siguro sila Mom at Dad pati narin ang ibang mga kuya ko ay sanay na sa ugali nila ako hindi pa.
Well sa totoo lang ay ang weird nila,sanay silang pinaghahatian ang isang bagay at higit sa lahat ay parati silang magkapareho ng nararamdaman. Kung hindi mo pagmamasdang mabuti ay talagang malilito ka dahil magkamukhang magkamukha sila,pati yata kuko pareho eh. Iba silang dalawa dun sa triplets nila Mom na magkakaiba ng ugali.
"Pst!Pusa,tulo laway mo" pabulong na sabi ni kuya sa akin na narinig ko baman kaya napatingin ako sa kanya ng masama. Hindi naman ako tulo laway ah. Natawa sya sa reaksyon ko kaya pasimple ko sya ng sinipa kaya napadaing sya. Napatingin tuloy silang lahat sa kanya.
"Baby Lightning, are you ok?"tanong ni Mom na naguguluhan,siguro nasaktan talaga ito dahil medyo malakas ang sipa ko sa binti nya.
"Ouch! I thought na ngangalmot ang pusa,sumisipa rin pala, and Mom please,don't call me a baby again because I'm not a baby anymore I'm already a man! Naka move on na ako sa pagiging bunso!!"ngawa nito kaya natawa silang lahat.
Nawala ang ngiti ko sa aking mata ng aksidenteng mapadako ang mata ko sa kambal na nakatingin pala sa akin,hindi masayang ngiti ang makikita sa kanilang labi kundi isang nakakakilabot na ngisi na pakiramdam ko ay tumutukoy sa akin.
______
BlackAngel 🔱
BINABASA MO ANG
Claiming and Sharing (Deathrone #4) Blaze Cronus , Blade Cronux Deathrone
General FictionJairah, isang prinsesa sa isang tribo na naghahangad na masilayan ang modernong panahon at makalaya kahit isang saglit. dahil sa isa syang prinsesa ay lagi lamang sya sa nakakulong sa kanilang tirahan ni hindi man lang naranasang makatapak sa lupa...