ANDREANA'S POV
" Daddy Zerred...." mahina at gulat kong usal sa kaniya. Parang gusto ko ng lumubog saa kinatatayuan ko o di kaya'y kainin na lang sana ako ng lupa sa sobrang kahihiyan ko.
Ang akala ko ay hindi na magkukrus ang landas namin dahil nga sa kahihiyang ibinigay ko sa kaniya. Pero mas lalo ko pa yatang dinagdagan ang kasalanan ko dahil siguradong alam na niya kung ano ang nangyayari sa pagitan naming tatlo.
Huhusgahan na naman niya kaya ako? Papagalitan? O baka naman ipatapon na ako ni Daddy Zerred sa Bermuda triangle. Anong gagawin ko? Magpapaliwanag ba ako? Pero anong sasabihin ko? Na may namamagitan sa amin ng kambal niyang anak?
Hindi ko na alam kung ano ang unang gagawin. Marami ang katanungan sa aking isip pero hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin ko. Nasaan na ba kasi ang kambal at ako ang na hot seat dito!!?
" Fix your self, your coming with me" yun lang ang sinabi niya at umalis na sa harap ko.
Nagmadali naman akong pumasok sa loob ng banyo kahit oa na iika-ika ako sa paglalakad. Naligo, nagsipilyo bago nagsuot ng puting T-shirt at black jeans. Isinuot ko rin ang puti kong sneakers. Sinuklay ko ang aking buhok at hinayaan lang itong basa. Bago ako nagmamadaling bumaba sa takot magalit sa akin si Daddy.
Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa at tila malalim ang iniisip. Tumikhim ako para kunin ang atensyon nito. Nagawi ang tingin nito sa akin. Tumango ito bago sumenspyas na sumunod sa akin.
Napansin ko na tila wala yata sa paligid si Fedelyn. Himala at hindi ito pakalat kalat sa buong ka kabahayan. Hindi ko rin nakita ang kambal kaya malamang ay pumasok na ang mga ito sa trabaho.
Sana lang ay di sila magalit kapag nalaman nila na sumama ako kay Dad ng hindi nagpapaalam sa kanila. At sana lang din ay hindi ako husgahan agad ni Dad sa naiisip niya patungkol sa kambal niyang anak.
Huminto kami sa harap ng mamahaling limousine, iminuwestra niya akong mauna ng sumakay na agad ko namang ginawa. Bago siya pumasok at tumabi sa akin.
Nagsimulang umandar itong sinasakyan namin pero hindi ko parin alam kung saan ba kami pupunta. Sobrang tahimik dito sa loob ng limousine dahil walang nais magsalita hangang sa hindi na ako nakatiis at ako na ang bumasag sa katahimikan.
"Uummm.., Daddy Zerred...sa-saan po tayo pupunta?" Kinakabahan ko pang tanong .
Hindi siya sumagot sa tanong ko pero malamim ang kaniyang iniisip dahil malayo ang tingin nito. Hanggang sa nagsalita narin siya.
"Your having an affair with my two sons at the same time, do you?" Pangungumpirma nito sa akin.
Para akong nabingi sa katanungan nito sa akin. Nanginginig ang kamay ko at hindi makatingin sa kaniya ng diretso. Hindi ko alam kung papano ko sasagutin ang katanungan niya sa akin. Kung Yes ba dahil pumayag na akong may mangyari sa amin o dikaya'y No dahil napilitan lang naman akong sumama at pakisamahan sila?
"Silence means Yes" kumpirma nito. Tumingin ako sa labas nitong bintaan ng limousine, inipon konlakas ng loob ko para magsalita na.
"They told me, when the first time we met, I already became their woman. At first I don't want them in my life. Masyado nilang kinokontrol ang buhay ko, ang lahat ng desisyon ko. At kahit ang kalayaan ko. Ang akala ko ay dahil gusto lang nila magkaroon ng perpektong babaeng kapatid. Dahil hindi ito basta-basta simpleng pamilya lang, kinakailangan nila ng magandang reputasyon. Pero sa isang iglap lang ay biglang nagbago lahat, hindinpala kapatid ang turing nila sa akin. Higit pa doon ang nais nila. Kaya mas lalo ko silang kinamuhian. Marami akong iniisip, isa naron ay kung ano nalang ang sasabihin ng ibang tao sa amin. Kung ano nalang mangyayari sa magandang reputasyon ng Deathrone. Pero paulit ulit nilang sinasabi na wala silang pakialam, dahil MAHAL daw nila ako. "
BINABASA MO ANG
Claiming and Sharing (Deathrone #4) Blaze Cronus , Blade Cronux Deathrone
General FictionJairah, isang prinsesa sa isang tribo na naghahangad na masilayan ang modernong panahon at makalaya kahit isang saglit. dahil sa isa syang prinsesa ay lagi lamang sya sa nakakulong sa kanilang tirahan ni hindi man lang naranasang makatapak sa lupa...