Kabanata 11 Leaving

16.6K 494 75
                                    

Andreana's POV

Napadaing ako ng biglang hilain ni Kuya Cronus ang aking buhok at sapilitan akong pinatingala para magtagpo ang mga mata naming dalawa.

Ramdam ko ang galit nya base sa pagtagis ng kaniyang mga bagang at tila nagliliyab niyang mga mata.

Gamit ang kaliwang kamay nito ay mariin nitong pinisil ang aking pisngi habang nakahawak parin ang isang kamay nito sa aking buhok. Napa-igik ako dahil sa labis nyang paghawak sa aking pisngi.

"Talagang ang lakas ng loob mong sabihin na mahal mo ang babaeng iyon. Hindi kana nahiya, itinuturing kang prinsesa ng bahay na ito pero pumapatol ka sa kapwa mo babae." May halong pangungutya sa kaniyang mga sinasabi.

Hindi ko alam na napaka big deal nito sa kanila. Ang buong akala ko ay matatanggap nila dahil nasa makabagong panahon na tayo at natural na na may mga taong nagkakagusto sa pareho nilang kasarian. Pero mali ako, sadyang may mga tao parin na hindi tanggap ang mga tulad namin.

Nagmahal lang naman ako, anong mali doon? Sigurado rin akong hindi masamang tao  si Carmel gaya ng sinasabi nila. Ako ang lubos na nakakakilala sa kaniya.

"Wala akong dapat ikahiya dahil iyon ang totoo kong nararamdaman." Lakas loob kong sabi sa kaniya.

" Totoong nararamdaman? Kailan mo pa nalaman na totoo iyang nararamdaman mo? Masyado ka na bang  maraming experience sa mga lalaking nagdaan sa buhay mo!!? Ha!!? Sumagot ka!!!?"

Napapikit ako dahil mas lalo kong nararamda,an ang sakit sa aking anit dahil sa pagkakahatak niya sa aking buhok at maging sa pagpisil ng kaniyang  kamay sa aking pisngi.

" Ilang lalake ang nakatikim, diyan sa katawan mo!!? Ilang lalake na ang nakahalikan mo!!? Nagsawa kana ba sa lalake kaya babae naman ang pinapatulan mo!!? "

Halos umusok ang ilong ni Kuya Cronus sa sobrang galit. Para ako nitong kakainin ng buhay pero wala akong ideya sa mga pinagsasabi niya. Kailan man ay wala akong naging karelasyon na lalake maliban kay Carmel. At mas lalong wala akong ideya sa sinasabi niyang mga lalake ko. Ano bang pinagsasabi niya.

"Ouch!!Kuya nasasaktan ako..!" Daing ko dahil mahihpit parin ang jawak niya sa aking buhok. Masyadong brutal itong si Kuya Cronus pero mas matindi magalit si Kuya Cronux.

"Talagang masasaktan ka kapag hindi ka umamin!! Talagang ikaw ba ang babae dun sa sex video na nakita namin!!!? Umamin ka!!"

Mas lalo akong naguguluhan sa mga pinagsasabi ni Kuya Cronus. Anong sex video!? Wala akong alam sa sinasabi niya.

"Kuya wala akong alam sa sinasabi mong sex video, at mas lalong wala akong lalake!! Ouch!!" Naiiyak na ako dahil sa ginagawa sa akin ni Kuya Cronus.  Hindi niya ba naiisio na isa lamang akong mahinang babae na madling masaktan ng pisikal!?

" Shut up!!! Do you think you can fool me!!?  At sa tingin mo rin ba maniniwala ako sayo lalo na at may nililihim ka sa akin na pakikipag relasyon mo!!!? Hindi ko alam kung gaano ako ngayon kagalit sa ginawa mo!!! "

Pasalampak niya akong binitawan kaya napaupo ako sa sahig. Humagulgol ako dahil wala talaga akong kalaban-laban sa kanilang dalawa. Para akong isang dahon ng makahiya na madaling tumitiklop kapag nasasagi. Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko.

"Bro....marahil na patunayan na may karelasyon syang kapwa niya babae pero hindi natin alam kung totoo rin bang may nakarelsayon din syang mga lalake at kung siya ba talaga ang nasa sex video."

Napatigil ako sa pag-iyak ng marinig ko ang mga sinabi ni Kuya Cronux. Bahagya ko siyang sinulyapan at nakasandal lang ito sa gilid ng pader habang nakatupi ang mga braso sa harap ng kaniyang dib-dib.

Claiming and Sharing  (Deathrone #4) Blaze Cronus ,  Blade Cronux  DeathroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon