Isa

35 1 3
                                    

Isa

No one knew I had a huge crush with Larkin. Sa eskwelahan ay iniingatan ko talaga na walang makapansin. Even Lauvi, who is been my bestfriend since I can't remember, didn't have any idea how much I adored Larkin.

Larkin has been my constant subject for my daydreams.

Sa bawat paglabas ng bahay. Walang araw na hindi ko sinisilip ang bakuran nila. Sa bawat pagwawalis ng garden namin....walang araw na hindi ko binabati ng magandang umaga ang Mama niya.

Sa bawat okasyon sa bahay, hindi ko nakakalimutan na hindi sila bigyan ng kahit na anong handa na mayroon kami.

Ngunit sa bawat pagkakataon na iyon...ni, isa, hindi kami nagkakatagpo.

Palagi itong nasa kuwarto o kaya wala sa bahay nila.

Sabagay tuwing may pasok ko lang siya nakikita. Kapag bakasyon ay sabi ng Mama niya ay umuuwi daw si Larkin sa Batangas - kung saan nakatira ang daddy nito.

"Haliya, huwag ka nang mag suot ng roller blades papuntang simbahan. Mag sandals ka na lang. " paalala ni Mama pagkatapos niyang iabot sa akin ang isang tasang kape.

Humikab ako. "Thanks 'Ma."

"Hindi naman siguro maninita si Lord kung magro-roller skate ako papunta sa San Agustin--Joke lang." Bawi ko kaagad sa biro ko. Masama kasi akong tiningnan ni Mama.

Uminom ako ng kape.

"Basta Haliya. Maglakad ka na lang." Pinal na sabi ni Mama.

Wala naman akong magagawa. Kapag sinabi niyang hindi. Hindi talaga puwede.

"O sha! Babalik na muna ako sa pagtulog. Alas tres y media pa lang ng umaga. Inaantok pa 'ko. Nga pala..."

Tumingin ako kay Mama. Kinuha nito ang wallet. Pagkatapos ay may iniabot sa akin na isang daan.

"Bili ka uli ng bibingka. Gusto 'yon ni Papa mo."

Mabilis kong kinuha iyon at inilagay sa bulsa ko.

"Sige na...dalian mo na diyan. Kanina pa kumampana sa simbahan."

Sa sinabing iyon ni Mama ay doon ko tinapos ang pagkakape ko. Kumagat ako ng isang pandesal. Nang maubos ay mabilis na akong nag-tooth brush.

"Simba na 'ko Ma...Pa.." bulong kong paalam sa kanila ng sumilip ako ng kuwarto nila.

Nagthumbs up si Papa. Si Mama ay mabilis namang nakatulog at hindi na narinig ang pagpapaalam ko.

Pagkarating ko sa pintuan ay sinuot ang isang pares kong kulay puting slides na sandals at lumabas na.

Sumalubong sa akin ang mas malamig na gabi.

December na nga talaga.

Tiningnan ko ang oras sa relo ko. 3:45 am.

Mas mabilis akong naglakad para makarating na sa simbahan.

Bago ako umalis sa Subdivision ay kumaway muna ako sa guard na nandoon.

Iilan lang ang dumadaan na sasakyan ng ganitong oras. Mas marami ang naglalakad na tiyak na magsisimba rin.

Mas inayos ko ang pagkakahawak sa mahabang puting damit ko na susuotin mamaya sa misa.

Isa akong Commentator slash Lector sa simbahan ng San Agustin dito sa Baliwag.

Eighteen ako ngayon. Nagsimula akong sumali magbasa para sa misa noong sixteen pa lang ako.

Si Mama ko kasi ay part rin ng simbahan. Siya pati si Tita Letty na kaibigan niya...taga kolekta ng donasyon tuwing offertory. At dahil lagi akong kasa-kasama ni Mama sa misa simula bata pa lang ay na-engganyo siyang isali na rin ako sa mga activities noon sa simbahan. Katulad ng pagku-choir.

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon