Labing dalawa

14 0 0
                                    

Labing dalawa


Otomatikong ngiti ang ibinigay ko kay Larkin ng makita ko siyang lumabas sa gate ng bahay nila. Kumaway naman ako kay Tita Yolly na kasabay nito.

"Good morning, Lia!" masiglang bati sa akin ni Tita Yolly.

"Magandang umaga din po, Tita." bati ko pabalik. Humalik ito sa pisngi ko. Habang si Larkin naman ay magalang na binati rin si Mama.

"Magandang umaga din sa'yo Larkin." sagot ni Mama.

Ngayon ay nasa unahan ang dalawang nanay namin habang kami ni Larkin ay nasa likuran nila. May kalayuan ang distansya namin.

"Good morning." masayang bati sa kanya. Tahimik itong tumango at ngumiti. Hinanap ng kamay nito ang aking kamay ko.

I looked at our hands. Malamig ang simoy ng hangin at alam kong nanlalamig ang mga kamay ko ngunit ng hawakan na iyon ni Larkin ay naging mainit. Pareho kaming nakatingin doon ni Larkin. We both smiled.

Walang nagsasalita sa aming dalawa habang binabaybay namin ang daan papuntang simbahan. Makuliglig ang gabi at tanging ang mga iilang kasama namin sa paglalakad na mahinang nag uusap usap ang tanging naririnig ko.

"So, this is the feeling...." bulong na salita ni Larkin, mayamaya.

"Hmm?"

I saw how he licked his dry lips before answering. "Ito pala ang feeling na naglalakad kapag nagsisimbang gabi...tahimik, malamig ang hangin, ingat na ingat na gumawa ng malakas na ingay ang mga tao habang naglalakad. Pagkatapos...nakaka-excite."

Tumango tango ako. "Nakaka-excite talaga. Kahit pa...alam mo na ang gagawin pagnakarating ka sa simbahan."  I looked at our hands again. It is swaying lightly while we're walking.

"Pero ang nakaka-excite talaga ay yung....yung feeling na nag-paid off lahat ng effort mo simula sa paggising sa umaga hanggang sa makapagsimba ka ng ganito kaaga. Tapos yung feeling na...magaan ang pakiramdam mo buong maghapon kasi alam mong nakapagsimba ka bago pa man lumitaw ang araw. I mean..that's very fulfilling." mahabang salita ko.

Napagtanto ko lang na masyadong mahaba pala ang sinabi ko ng nakita ko ang pagkatanga ni Larkin habang patingin tingin sa akin at sa daanan.

"Sorry, madaldal ako." nahihiyang pag-sosorry ko sa kanya.

Unti unting kumunot ang noo nito. "Why are you saying sorry?"

Ako naman ang napatanga. "H-ha?" lihim akong lumunok. "What I mean is...baka ayaw mo sa madaldal...a-ayun."  Kung hindi lang naka-cast ang isa ko pang kamay ay baka nagkamot na ako ng ulo.

Umiwas ako ng tingin.

Papasok na kami sa gate at tumunog ulit ang kampana sa itaas ng simbahan.

"You can be talkative when you are with me, Haliya. Don't worry , 'kay?"  He said to me. Bago kami pumasok sa loob.

Unti unti akong tumango. "Okay." Napatingin ako sa paligid. Nakita ko si Father Narciso. Kumaway ito sa akin. Napansin siguro ni Larkin iyon kaya ito na ang bumitaw sa kamay ko.

"Hintayin kita doon." anito sabay turo sa isang hilerang upuan kung saan nauna ng maupo sila Mama at Tita Yolly.

"Sige.."

Tumango na ito at tumalikod na. Ako naman ay pumunta na rin sa puwesto kung nasaan si Father. Sa paglalakad ko ay nakita ako ni Mirabela. Kumaway siya sa akin.

"Good morning, Haliya." Bati nito.

"Good morning din sa'yo Mira."

Tumango naman ito at tinawag na ng iba pa nitong kaibigan na kasamahan nito sa choir.  Ako naman ay nag-bless na kay Father.

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon