Dalawampu't isa

8 1 0
                                    


Dalawampu't isa

Tanghali na kami nagising ng January one. Halos alas tres ng madaling araw na kami nakatulog dahil na rin sa mga palaro pa na ginawa ng mga tita ko. May sayawan din sa dulo--sa may taas ng balsa. Malawak na labahan iyon ng mga taga dito sa Rampa, sa ibaba niyon ay ang ilog. Kagabi ay nandoon kami ng mga pinsan ko para makisayaw. Nakita ko doon ang mga naging kababata ko noong madalas pa kaming nauuwi dito.

Last night was so fun. Hindi ko inasahan na ganoon kasaya ang magiging Bagong Taon namin dito sa Caingin. This New year is so different than last year. May fireworks din naman kaya lang ay walang palaro noon at hindi ako pumunta sa dulo para makihalubilo. Pagkatapos kong kumain noon ay sa pagkakatanda ko ay natulog na din ako.

"Haliya...."

Mabilis akong bumangon. Sumilip ako sa may hagdan. Nandoon si Mama na nakasilip. Madilim sa may banda namin ni Jen kaya hindi ako maaninang ni Mama kung gising na ba ako.

"Ma..." sagot ko sabay ng dahan dahan na pagbangon.

"Nagising ba kita anak?" tanong ni Mama. Umiling ako. "Hindi po, ma. Saktong gising na po ako ng tumawag kayo." sagot ko.

Naglakad ako papunta sa kanya. Katulad nito ay bumaba na rin ako sa kahoy na hagdan.

"Ganoon ba? Puwede mo ba akong tulungan na paliguan si Papa mo sa balsa?" tanong naman nito.

Kaagad akong tumango. "Sige po, hilamos lang po ako."

Iyon lang ay pumunta na si Mama sa labas kung saan nandoon si Papa. Ako naman ay dumiretso na ng banyo para maghilamos. Nang matapos ay pumunta muna ako kay Papa para mag-good morning. Pagkarating ko doon ay nandoon si Mama na nakaupo sa tabi ni Papa habang sinusubuan ng pandesal si Papa.

"Good morning, 'pa." bati ko. Humalik ako sa pisngi ni Papa. Tumingin din ako kay Mama. "Nag-almusal ka na 'ma?

"Oo nak. Kasabay ko ninang Belen mo kanina." sagot ni Mama.

"Ah..okay po. Kain lang ako. Tapos paliguan na natin si Papa." sabi ko.

Tumango si Mama at pinagpatuloy na ang pagpapakain kay Papa.

Sa lamesa ay may nakita akong apat na pritong itlog, sliced bread at peanut butter. May kaka-init  lang din na spaghetti at palabok. Naglakad ako papunta ng pamingganan. Kumuha ng sariling plato at tinidor pati na rin ng bread knife.

Pagkabalik ko sa lamesa ay nandoon nasa tapat ng lamesa si Jen at Jocelle na parehong nakatulala. Natawa ay bumalik ulit ako sa plate dispenser para ikuha sila ng mga plato at tinidor din.

Nang mailapag ko sa lamesa ang lahat ng bitbit ko ay doon tila sila nagising.

"Good morning," bati ko.

"Good morning..." namamalat pa ang boses na bati ni Jen sa akin. Samantalang si Jocelle naman ay nakakunot lang ang noo. Hindi sumagot.

Umupo ako sa tabi ni Jen. "May topak?" bulong ko kay Jen. Patukoy kay Jocelle.

Tinatamad na tiningnan ni Jen ang pamangkin. "Ewan ko dyan." kinalabit nito si Jocelle. "Oy, wag kang busangot dyan. Bagong taon na Bagong taon e." saway nito.

Ngunit imbes na tumawa ay bigla na lang itong umiyak. Siguro ay masama talaga ang gising. 

Nilapitan ko si Jocelle kaya lang ay hindi pa rin umaawat sa pag-iyak.

"Teka tatawagin ko lang si ate." sabi naman ni Jen sabay tayo.

Hindi rin naman nagtagal ay kasama na ni Jen si Ate Jocellyn, ang nanay ni Jocelle. Kaagad niyang kinarga ang anak at pinatahan.

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon