Labing tatlo

9 0 0
                                    

Labing Tatlo

Habang naglalakad kami ay pansin ko ang pananahimik nito. Malapit na kami sa subdivision ng mapagpasyahan kong huminto sa paglalakad.

"Haliya.." gulat at tila nagising ito mula sa malalim na pag iisip. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang oras. Mag-aala sais pa lang naman ng umaga.

Tiningnan ko siya. "Gusto mong kumain?" sabay turo ko sa fast food chain na nasa gilid naming dalawa. Sinundan naman nito iyon ng tingin

"Ahm..it's still close." he said.

"No..no! I mean..hindi dito. Doon sa may Glorietta." Kaagad kong paglilinaw. "Ahmm..gusto mo?" pag aalangan na tanong ko ulit.

Nakita ko ang ginawang paglunok nito. "You can say no, Larkin. If you don't like."  kaagad na sabi ko.

He looked at me. Ngayon ay nakakabit na naman ang facemask nito. Tinanggal niya iyon kanina pero habang pauwi kami ay bigla niya itong isinuot. I noticed too that people keep glaring at him...siguro hindi makapaniwala na nasa labas ng bahay si Larkin at hindi nagkukulong sa loob ng bahay nila.

Some girls are looking at him too. Nagbubulungan at halata ang pagkakilig..but for Larkin..iba ata ang pagka-interpret niya.

He thinks people were looking at him because of his upperlip scar. Kung kaya naman kanina ay pasimple nitong sinuot ulit ang facemask sa mukha.

"Okay.." Rinig kong pagpayag nito.

Napatitig ako. "Okay? Okay na pumapayag ka?" paninigurado ko.

Tumango ito. "Yes..kasama naman kita."





"AKO NA ang oorder para sa atin?" tanong ko nang makahanap kami ng lamesa. Napagpasyahan naming dalawa na dito na lamang sa may Mcdo kumain. Masyadong malayo naman kung tatawid pa kami papuntang palengke pa kung saan mayroon pang isang fastfood chain na bukas na sa ganitong oras.

"No..let me." ngunit ay salita nito. Sabay tayo.

"Sigurado ka?" tanong ko pa.

Nakita ko ang kaseryosohan sa mukha nito. "Yes,so..anong gusto mo?"

Sa huli ay tumango na rin at sinabi ko ang order ko sa kanya.

Mabuti na lang ay dito lang kami sa unang palapag napiling pumuwesto. Ngayon ay kitang kita ko siya habang tahimik na nakapila. Ginamit ko naman iyon na pagkakataon para i-chat si Mama na kasama ko si Larkin at dito na kami sa Mcdo mag uumagahan. Pagkatapos kong mag-text ay tumingin ulit ako sa pila kung nasaan si Larkin. Nag uumpisang humaba iyon at medyo malayo pa bago ito maka-order. May isang costumer na may kausap sa cellphone ang hindi kaagad nakausad sa pila. Costumer bago si Larkin.

I noticed too, Larkin never said anything to the lady who's still chatting to whoever in her phone and not minding if she is not in line anymore. Ang nangyari tuloy ay nasingitan ito ng hindi napapansin. Ang masama pa ay tingin ko si Larkin lang ang nakakita niyon at hindi ang iba pang nandoon sa pila na kasama nito. Tiningnan kong muli si Larkin na tahimik pa rin na nakamasid. But when I looked down, I saw his fist bawling.

Kaagad akong tumayo. Kaagad na hinanap ang security guard para pakitingnan ang lamesa namin. Pinakiusapan ko na pakibantayan saglit. Mabuti na lang din ay pumayag.

"Salamat po." pasasalamat ko. Kaagad akong naglakad papunta sa kinaroroonan ni Larkin.

Pagkadating ko doon ay mabilis kong kinuha ang atensyon ni Larkin. Maayos na ulit ang pila ngunit nakasingit na yung lalaki. The guy looked at us and smirked.

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon