Dalawampu't lima

5 0 0
                                    


Dalawampu't lima

I flinched when the school nurse touch my wound with the cotton ball.

"Sorry po.." hinging paumanhin ko kaagad.

Ngumiti naman ito at tumango. "It"s okay. Sigurado ka wala ka ng nararamdaman na pagkahilo o kung ano pa man?" tanong nito sa akin habang dahan dahan ulit inilalapat ang bulak sa sugat ko.

Umiling ako. "Wala po."

Mayamaya ay humahangos na pumasok si Mama.

"Ma?" nagtatakang tanong ko.

Ngunit imbes na sagutin ako kaagad ay kaagad itong lumapit sa kinaroroonan kong kama at sinuri ang sugat sa aking noo. "Walang ibang masakit sa'yo anak? Hindi ka ba nahihilo?" sunod sunod na tanong ni mama sa akin. Mga tanong na katulad din sa mga tanong sa akin ng nurse.

Tumingin pa si Mama sa nurse. "Kumusta ho ang sugat ng anak ko? Kailangan ko ho ba siyang ipa-check sa ospital?" sunod sunod din na tanong ni Mama.

Sumagot ang school nurse. "Base naman po sa sugat niya nu'ng tiningnan ko...wala naman pong concussion. Wala rin hong hilo o kahit na ano pang nararamdaman si Haliya...kaya no need na po. Pero nasa sainyo pa rin po mommy kung ipapa-check niyo rin sa ospital." mahabang sagot ng nurse.

Mayamaya ay nagpaalam na rin ang nurse. "Gamutin ko lang din po si Hernandez, nasa Guidance room pa."

Humigpit ang hawak sa kamay ko ni Mama. "Sige po."

Nang tuluyan ng makaalis ang nurse ay si mama ang nagtuloy sa paglilinis ng sugat ko. And in some reason I feel shame about of what happened to me.

"Ang sabi ng teacher mo, excused ka bukas..." napatingin ako kay mama ng magsalita ito. Hindi ito tumitingin sa akin at tanging sa sugat ko lang naka-focus ang mga mata nito.

Dahan dahan akong tumango. 

"Sino po ang tumawag sainyo, Ma?" maingat kong tanong.

Naramdaman ko ang kaagad na paghinto ni Mama. "Yung eskwelahan mismo."

Nagbaba ako ng mukha. "Gano'n po ba..."

"Bakit kung hindi? Wala kang balak na sabihin sa akin?" may bahid na galit ang boses ni Mama.

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag -iling ko.

Nakita kong itinapon nito ang ginamit na bulak sa malapit na trashcan. Bumuntong hininga si Mama. "I know when you're lying." sabi lang nito.

Inalalayan ako ni Mama. "Uwi na tayo..."

Sumunod ako sa lahat ng sinasabi ni Mama hanggang sa makarating kami sa labas ng eskwelahan. At sa paglalakad namin ay hindi ko nakita si Avah o kaya si Larkin.

Nasa guidance pa rin ba sila?

Pumara si Mama ng tricycle. Nang makahanap ay kaagad niya akong inalalayan para makapasok sa loob.

Habang nasa loob kami ay hawak hawak nito ang kamay ko. Her thumb caress my thumb. Ang kabilang palad nito ay nakapatong din sa magkahawak naming kamay.

My mother got upset. But her touch...never change.

Dahan dahan akong sumandal kay mama. I let my head rest to her shoulder. "I am sorry, mama.." sabi ko.

At kahit maingay ang tunog ng tricycle..alam kong narinig iyon ng nanay ko dahil mas lalong humigpit ang hawak nito sa kamay ko.






Pagkarating namin sa bahay ay tulog si Papa sa kwarto.

"Hindi ko sinabi sa Papa mo." salita ni Mama na tila nabasa nito ang nasa isip ko habang nakasilip sa labas ng kwarto nila.

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon