Dalawa

24 0 0
                                    


Dalawa

Nang makapanghali ay nagmamadali akong umuwi. Nag-text kasi si Ale na kailangan na nitong umuwi ng San Rafael dahil papasok na ng tahian ang nanay niya at walang titingin sa bunso niyang kapatid.

Ang sabi ko nga sa pamangkin. Well...advice din ni Mama na mag aral ulit. Wala pa ngang kalahati ng taon sa pagiging first high school ay huminto na ito sa pagpasok sa eskwelahan.

Mas gusto niya iyong pagala-gala lang sa buong Baliwag o kaya gagala sa San Rafael - kuntento na siya doon.

Inayos ko ang pagkakasuot ng roller blades sa paa ko. Nang maayos na ay nagsimula na akong mag skate palabas ng campus.

Ngunit bago pa man ako makalabas ay nakasalubong ko ang grupo nila Lex.

Wala sa sariling napairap ako sa hangin. Balak ko na sanang lagpasan kaya lang ay tinawag naman ako nito at kapag hindi ako pumunta agad sa kanya ay may maiisip na naman itong kalokohan para sa akin mamaya o bukas.

Labag sa kalooban akong lumapit sa kanila. I saw her laugh at me while looking at her friends.

"Ano naman?" Walang gana kong tanong sa kanya.

Kunwari itong nalungkot. "Bakit ganyan ang mukha mo? Are you not happy to see me?" Tanong nito kapagkuwan ay nakakainis na tumawa.

Hindi ko na iyon pinansin at hinintay na lang ang sasabihin niya sa akin para matapos na ito at makauwi na ako.

Sa tagal na naging kaklase ko ito sa San Benildo noong first and second year highschool ako ay alam ko na ang ugali nito.

She will always insult me and making point how poor I am. Reason? Kasi hindi ko natapos ang highschool ko noon sa San Benildo at lumipat na ako sa Ponce para doon mag third and fourth year highschool.

Medyo hindi na rin kasi malaki ang pinapadala noon ni Papa sa amin. Iyon pala nagpapagamot na doon sa Riyadh.

Hindi lang sinasabi kay Mama.

Wala naman akong nakitang mali kung sa Ponce ako nag aral noon. Alam ko naman ang dahilan at kailangan talagang mag-adjust para sa mga gastusin namin ni Mama. Naiintindihan ko.

Kaya kang itong si Lexinne hindi ata maunawaan ang salitang 'mahirap' at 'nagtitipid.'

Sabagay nanay niya ay principal sa San Benildo. Tatay niya, engineer.

"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko na lang.

Lumapit ito sa akin at pumuwesto sa likod ko. Kinatok ng mahina ang helmet na suot suot ko.

"Wala naman. Namiss kita e."

Kung hindi lang ako tinuruan ni Mama ng pasensya at pagtitimpi at kung hindi ko lang sinapuso ang homily ni Father kanina baka nakatikim na siya ng pitik sa bibig mula sa akin.

Naknakan ng plastik!

"Kung mangti-trip ka lang..wala akong time. Kailangan ko nang umuwi." Kalmado kong sabi dito at pumihit na para lagpasan sila.

Ngunit nakakailang hakbang palang ako ay narinig ko ang sinabi nito.

"I know you don't have enough money for your tuition this semester, Haliya."

Lumingon ako sa kanya. Paanong nalaman niya?

She smiled when she saw me stopped and looked at her. A smile of victory.

Nangingiti ay lumapit ito sa akin at sa likod niya ay nakasunod ang tatlo niyang alipores na may kaparehong ngiti.

"I have my ways. Utangera yang nanay mo kaya nagbalak siyang mangutang kay mommy. Your mom is so desperate so you can still go to school. Bakit hindi ka na lang kasi huminto at magtrabaho para mapakinabangan ka naman? Magtanim ka ng mga halaman o kaya magbungkal ng lupa? Hindi ba iyon naman ang gusto mo? Siguro yon din ang secret mo bakit na-achieve yang sunog mong balat?"

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon