Dalawampu't walo

11 0 0
                                    


Dalawampu't walo

Hindi na muling bumalik si Larkin.

Lumipas ang isang linggo na naging dalawa ngunit ni anino nito ay hindi ko na muling nakita pa. Isang linggo na rin nitong hindi sinasagot ang mga chats ko kahit ang tuwing videocall sana namin ay hindi na rin nangyari pa ulit. Noong unang mga araw ay sobra sobra ang pag aalala ko na kahit ang personal na pagtawag ay kay tita Yolly ay ginawa ko na.

Tita only said to me that Larkin is doing fine. Regular naman daw itong pumupunta sa psychologist. The after my second call to her, ay nagkalakas ako ng loob na itanong na kung bakit hindi na tunatawag si Larkin sa akin. Imagined my nervous at that time. Alam kong masama pa rin ang loob sa akin ni tita at hindi pa man ako nakakahingi ng paumanhin sa mga nasabi ko ay....ito na naman ako at nagtatanong tungkol kay Larkin.

I can still recall how tired was tita's voice over the phone.

"Haliya....baka ito talaga ang mas makakabuti para sainyong dalawa?" pagod ang boses na sabi ni tita. "I know you won't believe me when I tell you right now na dumating sa point na kinulit ko si Larkin bakit wala na siyang planong bumalik dyan sa Baliwag?"

Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko habang nakatingin sa saradong bintana ng kwarto ni Larkin. "A-ano pong sagot niya?"

Huminga ulit ng malalim si tita na para bang kahit siya ay ayaw niyang malaman ko ang sinabi ng anak niya. "Haliya...."

"Please po tita.."may pagmamakaawa ko na.  "Hindi ho ako mapapalagay hangga't hindi ko ho nalalaman bakit ayaw na niyang bumalik dito. Ang sabi niya babalik siya. Ang sabi niya tatawag siya o kaya chat..bakit ho.."  mariin akong pumikit. "Bakit ho...biglang hindi na.." 

Hindi ko kaagad narinig ang sagot ni tita. Saglit itong natahimik.

"He said...he said there's no reason to go back there. He realized, nandito pala ang buhay na gusto niya." mabilis na salita ni tita. "I'm sorry Haliya..." hinging paumanhin rin nito kasunod niyon.

And since that night...wala na nga akong narinig mula kay Larkin o kay tita.

Ang sabi rin ni Mama. Doon daw muna nagki-clinic si tita. Sa ngayon ay tumatanggap lang daw muna ito ng online consultation sa mga pasyente niya dito sa Baliwag. Kapag ka on-call naman ay saglit na saglit lang sa bahay nito; Kinabukasan ay bumabalik na ulit sa Batangas.

Pabagsak akong humiga sa kama. Wala sa loob na kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang Facebook. Nag-iiscroll ako sa newsfeed nang makita ko na naman ang isang live performance. My mind is telling me not to mind it. At hanapin na ang dapat hanapin ngunit talagang ang mga mata ko at mga daliri ko pati ang dalawang tenga ako ay sinusuway ang aking isip....

Pinapakinggan ko na naman. Ilang beses na ba na ganito lagi? Na lagi ang ending ay natatapos ko ang buong performance nila...

I paused. Again. Doon sa may nakangiting mukha ni Larkin. Habang pinagmamasdan ko siya bumabalik ang sinabi sa akin ni Tita Yolly. Siguro nga talagang doon ay masaya na siya. Kitang kita naman sa malaking ngiti niya habang nasa harap ng piano.

I unpause again. Habang iniinterview siya ay parang hindi ito nawalan ng self confidence dati. Sa ikli ng panahon natutunan na niyang makapag-adjust.

Pinindot ko ang power button at tumagilid ng higa. Eto na naman ang paninikip ng dibdib ko....

I am happy for him. That's the truth. Pero kapag ka ganitong sitwasyon...katulad na lang ngayon. Hindi ko maiwasang malungkot. Sana sinabi niya sa akin muna. Sana hindi ako nag iintay sa pagbalik niya.

Mahihinang katok ang nagpatigil sa pag-iisip ko. Mabilis akong bumangon. "Ma...bukas naman 'yong pinto." sabi ko nanatiling nakatalikod. Umusog ako sa dulo ng kama ko at hinahinap ng mga paa ko ang pangbahay kong tsinelas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon