Pito

9 0 0
                                    


Pito

Matagal akong tumambay sa patio ng simbahan bago ko napagpasyahan na umalis na. Gulo pa rin ang isip ay sa may unahan ako ng gate dumaan - katapat ng Glorietta.

May mga nagtitinda doon ng mga rosaries, mga nobena o kung ano ano pa. May mga nagtitinda rin ng iba't ibang hugis na mga kandila.

Ngunit bago pa ako makatawid papuntang Glorietta ay may pumarada sa tapat ko na isang  kotse. Mas tumingin ako sa semi-tinted na bintana nito.

Hindi rin naman nagtagal ay bumukas iyon.

"Tita Yolly?" May pagtataka ay tawag ko sa pangalan nang maaninag ko na kung sino ang nagmamaneho.

Umandar ito ng kaunti para makapag-hazzard sa may gilid. Pedestrian lane kasi ang hinituan nito. Tawiran ng mga dumadaan.

Wala sa sarili na naglakad ako sa kinaroroonan ng kotse. Kaagad kong nakita si tita na may nahihiyang tingin sa akin. "Haliya..."

Mas lumapit ako. "B-bakit po?"

Nakita ko ang paghinga nito ng malalim. "Puwede ba kitang makausap?" Tita Yolly's eyes were full of hope when she asked me that.

Umihip ang panghapon na hangin. Maingay ang mga motorsiklo na dumadaan at marami na rin ang tumatawid mula sa Glorietta papuntang simbahan. Hawak hawak ko ang dulo ng aking buhok at inilagay ko iyon sa kabilang balikat.

Tumango ako. "Sige po."

Tila nakahinga ito ng maluwag. "Salamat! Salamat!"

Mabilis nitong binuksan ang pintuan sa may passenger seat. Kaagad akong sumakay.

Pagkapasok ko sa loob ay maingat kong isinuot ang seatbelt sa katawan ko.

"Pasensya ka na, masyado na kitang naabala....pangako mabilis lang ito. Iuuwi kita kaagad sainyo..." sabi pa ni tita.

"Okay lang po...w-wala din naman po akong gagawin ngayong hapon." Salita ko naman. Kahit pa pakiramdam ko ay awkward ito para sa aming dalawa ni tita dahil sa nangyari kanina sa bahay nila.

Saglit itong tumingin sa gawi ko at tumingin na rin sa harapan para makapag-focus sa pagmamaneho. "Salamat talaga, Haliya..." 

Nagbaba ako ng mukha dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang pasasalamat  na iyon galing kay Tita. This seems a big deal to her.

Nag-drive ito papuntang 'A Square.' Isa sa mga bagong bukas na puntahan dito sa Baliuag. Lagpas lang ng kaunti sa SM.

"Okay lang ba sa'yo na dito tayo mag usap?" Tanong ni Tita habang palapit kami sa naturang building.

"Okay lang po. Kung saan niyo po gusto...."

Nang makapag-park ay kaagad kaming bumaba  at sabay na pumunta sa building. Umakyat kami sa ikalawang palapag - sa may Bavarian Coffee.

Sabay kaming pumasok sa loob. Sa pagpasok namin ay may nakita akong mga estudyante na taga-BU. Hindi ko alam kung kilala nila ako ngunit ang pagsunod ng tingin nila sa aming dalawa ni Tita ay parang naiintriga.

Hanggang sa makaupo kami ay nandoon pa rin ang mga tingin nila.

Mas lalo akong nagbaba ng tingin.

"Haliya, anong gusto mo?" Tanong ni tita sa akin.

Nagtaas ako ng tingin. "P-po?"

Tita was already looking at me. Pinisil nito ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. "Let them stare." She even said.

I looked around again. Some people were still looking. Hindi ko alam bakit sila tumitingin sa akin. Dahil pa rin ba ito sa issue ko kay Lex o kila Elis at Lauvi? O baka naman dahil kasama ko ang mama ni Larkin?

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon