Labing lima

9 0 0
                                    

Labing lima

"Ama namin sumasalangit ka sambahin ang ngalan mo...." Nang mag-umpisa na ang kanta ng 'Ama Namin.'  ay kusa ng hinanap ng kamay ko ang kamay ni Larkin. We looked into each other and sing the Holy Prayer together.

Bumalik ang tingin namin sa altar...patuloy pa rin kami sa pagkanta. Tenor ang boses ni Larkin at malalim rin. Malinaw ang bawat bigkas ng mga salita at nasa tono lahat. Hindi masyadong malakas ang boses, tamang humahalo lang sa mga iba pang kumakanta. Kung naririnig nga ito ngayon ni Mirabela tiyak na aayain nitong sumali sa choir si Larkin.

Ngayong madaling araw ng Pasko ay kaming dalawa lang ni Larkin ang nakapagsimba. Hindi ko na ginising si Mama. Puwede pa namang magsimba sa hapon kung saka-sakali. Samantalang si tita Yolly naman ay hindi natuloy dahil may nanganak sa Castro Hospital tatlong oras pagkatapos ng Noche Buena. 

Matapos ang kanta ay naupo na kaming dalawa. Patuloy sa pagtugon at pakikinig kay Father. Kung marami kahapon ang nagsimba, mas doble ngayon. Muntik na nga kaming hindi makahanap ng upuan ni Larkin dahil dumami talaga ang mga nagsisimba.

Tumanggap kami ng oschas, lumuhod at nagdasal ng taimtim. May iilang anunsiyo ang Pari para sa oras ng mga misa ngayong araw at nagkaroon pa ng second collection bago natapos ang misa.

"Purihin natin ang Panginoon!"

Malakas na palakpakan ang mga tao. "Merry Christmas!" masiglang bati rin ng Pari.

Kasabay niyon ay ang mabuhay na tugtog ng choir habang kumakanta ng isang pamaskong kanta habang nagsisipalakpan ang mga tao at kanya kanyang batian ng Merry Christmas.

Pumikit ako at taimtim na humiling. Ang sabi kasi ng iilan at matandang kasabihan kapag nakumpleto daw ang siyam na simbang gabi ay puwede ka daw humiling. Noon hindi ko ito ginagawa...ngayon...susubok ako.

Matapos kong ibulong ang aking hiling idinilat ko na ang aking mga mata. Ilang saglit pa akong tumitig sa altar hanggang sa mapagpasyahan ko ng tumayo.

At sa pagtayo ko ay nakita ko si Larkin na tahimik na naghihintay sa akin. May mga tao mang lantaran na ang ginagawang pagtingin sa kanya ngunit tila wala lang iyon para sa kanya. Nakikita ko rin na hindi ito sanay sa mga taong bumabati sa kanya. Hindi nito alam kung tatango o magtatago ng mukha. Sa huli, ay tipid itong tumatango.

Matagal na siguro akong nakatingin kaya napansin na nito.

"Hey.." he said. Mas inayos ang suot na facemask na suot.

Kinuha ko ang kamay niya at inaya ko na itong lumabas.  Patuloy pa rin ang pagkanta ng choir at marami pa rin ang mga tao sa loob ng simbahan. Kung kaya naman ay nakipagsiksikan na kami ni Larkin palabas ng simbahan.

"Ako na bibili ng sampaguita." kaagad nitong sabi ng makalabas na kami.

"Okay.." ani ko.

Lumapit ito sa isa sa mga nagtitinda at bumili. Habang pinagmamasdan ko siya at sinusubukang makipag-usap sa tindera ay napapangiti ako.

Alam ko ang lahat ng ito ay bago para kay Larkin. Hindi ito sanay ngunit nakikita kong gumagawa ito ng effort. Para sa mga taong may BPD, hindi ito madali. But he is making a huge effort to fight the anxiety by trying to interact with people.

Nang makapagbayad na at naibigay na ang sampaguita ay narinig kong nagpasalamat ito. Tumalikod na ito at mabilis akong hinahanap sa mga dumadaang mga tao.

At nang makita niya ako ay alam kong malaki ang ngiti nito sa labi kahit pa may nakaharang na facemask dahil kahit ang mga mata nito ay masaya.

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon