Labing isa

7 0 0
                                    


Labing isa


"Ako na bibili ng samalamig."

Mula sa nagsisimula ng mag-ilaw na patio ng simbahan ay napatingin ako kay Larkin ng magsalita ito.

"Ikaw na?" naninigurado kong tanong. Tumango ito at tipid na ngumiti sa akin. Inilapag nito ang disposable cup sa gilid at kapagkuwan ay tumayo.

Nakapamulsa ay nagsimula itong humakbang ngunit bago tuluyang umalis ay lumingon muna ito sa akin. Sa mga mata nito ay napansin kong may gusto itong itanong.

Mabilis kong nakuha kung ano iyon. "Buko pandan sa akin.." sagot ko. 

His mouth remained open then closed it after. Tumango tango. "Okay...one buko pandan, coming right up!"

Ngumiti ako kapagkuwan ay may kinuha sa bulsa. Dinukot ko doon ang aking maliit na coin purse.

"Ako na.." ngunit ay pigil nito sa akin nang makita ang ginagawa ko.

I looked up at him. "M-may pera pa naman ako.." 

"I know. pero ako naman ang magbabayad para sa iinumin natin."  ngunit ay anito.

Unti unti akong tumango. "Okay," umayos ako ng upo. "Hihintayin kita dito kung ganoon..

Ibinalik nito ulit ang dalawang kamay sa loob ng bulsa ng pantalon hanggang sa nagpaalam ng bibili ng inumin. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas ito ng Patio ng simbahan.

Sa tingin ko ay five thirty na ng hapon. Mukhang lang six thirty dahil karaniwan talaga kapag tag-lamig ang panahon ay maaga rin ang pagdating ng gabi.

Unti unti na ring iniilawan ang ang Christmas light dito sa simbahan at doon sa may Glorietta.

Sa ilang beses kong pagsisimba tuwing madaling araw ay hindi ko man lang namalayan na hindi na sa mismong Plaza ipinuwesto pa ang malaking Christmas Tree.

Nasa gitna na ito ng Glorietta, sa may pinagpupuwestuhan dati ng fountain. Mas pinaganda ang disenyo nito at mas pinarami pa ang ilaw.

Inalis ko ang tingin ko doon at tumingin sa templete ng Birheng Maria. Tumingin pa ako sa unahan..doon ay nakita ko na si Larkin na may dalang dalawang disposable cup.

Umayos ako ng upo.

Kaagad ko siyang nginitian pagkalapit. Mabilis ko ding tinanggap ang samalamig.

"Thank you.." pagpapasalamat ko.

"You look like a sunflower..." but instead he said. Umupo ito sa tabi ko.

Mabuti na lang ay nainom ko muna ang samalamig kundi baka nabilaukan na ako. "Sunflower?" Natatawa pa na paninigurado ko.

Tumango si Larkin. "Yes."  Hindi tumitingin sa gawi ko ay uminom na rin ito ng samalamig.

Napailing na lang.  "And why?" nakataas ang kilay habang natatawa pa rin na tanong ko.  "Wait...alam ko na dahil yellow at brown ang combination ng kulay ng damit ko? O baka dahil sa balat ko?"

"Sort of," mahina nitong salita. Larkin looked at me. "Your skin glows even at this twilight, Haliya. And that is a good compliment." He emphasized. "Your skin glows...no...you are glowing everytime my eyes looked at the whole you. And all people who are seeing your skin in ugliest way are the ones who don't deserve your glow. And I really hope..sana dumating ang araw na makita mo rin na magandang maganda ka---sa paraan na nakikita ko ngayon."

Hindi ako makapagsalita. Bakit siya nagsasalita ng ganyan?

Never in my wildest dream...someone would give me such kind of compliment just like what Larkin did. 

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon