Labing siyam

7 1 0
                                    

Maligayang Pagbabasa! 💜



Labing siyam

Mabilis na kumalat ang balita. Kahit sa labas ng EWU, at sa iba pang mga eskwelahan ay umabot na rin doon ang nangyari noong nakaraang araw. At sa mga araw na iyon, pare-parehong tingin ang mga ang nakikita ko.

Mas binilisan ko ang pagtakbo gamit ang suot suot na roller skates. Nagpaikot-ikot ako sa buong parking lot.

Lumipas ang ilang minuto ganoon lang ang ginawa ko. Hindi ako humihinto o nagdahan-dahan man lang. I just keep on spinning my whole body while following the rhythm of sounds of the surroundings.

Nang mapagod ay naging dahan dahan hanggang naging lakad ang aking paandar. Lumapit na ako kay Larkin na ngayon ay nakatingin na sa akin na may kaagad na ngiti sa labi nang makita ako.

Maliit akong kumaway. At nang makalapit na ako ay kaagad itong umusog para bigyan ako ng espasyo para makaupo kahit pa...sa mahabang semento na pinag uupuan ay ito lang ang tanging nakaupo.

I sat beside him. He gave me my aquaflask. Kaagad kong binuksan iyon at ininom ang laman. Dahil sa ginawa at sa init ng panahon..na-appreciate ko ang lamig ng tubig na ngayon ay dumadaloy sa lalamunan ko.

Nang matapos ay nagpunas ako ng labi at tinakpang muli ang inumin. Inilibot ko ang tingin. Kaming dalawa lang ang tao dito sa hindi pa bukas na parking lot sa tabi ng A-plaza.

Natigil lang ang paglilibot ng mata ko ng makita ko ang puting maliit na tuwalya na ngayon ay iniaabot naman ni Larkin. Napangiti ay kaagad kong kinuha iyon at pinunas sa aking noo.

"Thank you, Nic." pagpapasalamat ko habang nagpupunas pa rin ng pawis. Tumango naman ito at nagpatuloy na sa pagtutugtog ulit ng gitara dito sa tabi ko.

He just strumming the string...expertly. Hindi ito kumakanta ngunit ang himig na itinutugtog nito ay pamilyar sa akin.

"Darling , let's run...run from it all..."

Mahinang pagkanta ko. Mahinang sinasabayan ang pagtugtog nito.

He looked at me. Offered me again his little smile. Napangiti ako at tumingin sa aming harapan.

Ito ang kanta na narinig kong kinakanta niya noon. Isa sa mga unang gabi kung saan kapag may malalim akong naiisip, ang boses at ang pagtugtog nito ng gitara ang una kong naririnig. And from my window....I know in myself, I already escaped from my thoughts while listening to his music.

Mas umusog ako palapit pa kay Larkin. Unti unti kong isinandal ang aking ulo sa balikat nito. Naramdaman kong natigil ito ngunit kaagad ding nagpatuloy sa pagtugtog...ako naman ay nagpahinga lang at komportableng nakikinig.

Inaamin ko..sa nakalipas na mga araw. Marami akong naririnig. May kayang ilabas sa kabilang tenga...may ibang hindi. Mga salitang minsan kahit ayaw mo...tumatagos sa dibdib.

Ang laban ko lang ay alam ko sa sarili ko na ang lahat ng mga naririnig ko ay hindi totoo. At kahit papaano ay maganda naman ang kinalabasan ng lahat.

Lexinne finally stopped. Hindi na niya ako hinaharang kung saan saan. Tumigil na lang ito at hindi na ako pinapansin na parang hindi ako nag-i-exist.

"People won't stop talking awful words, Haliya."

Mula sa malalim na pag iisip tila nagising ang diwa ko nang marinig kong nagsalita si Larkin sa tabi ko.

Napatingin ako sa kanya. "Ha?"

Inilapag nito ang gitara sa gilid. Ngayon ay katulad ko kanina..nakatingin na rin siya sa harapan.

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon