Sampu

8 0 0
                                    

Let me know your thoughts. Thank you so much!

Happy Reading!

Sampu

PAREHO kaming tahimik ni Larkin. Kanina ko pa rin siya napapansin na panay  ang buntong hininga. Kagaya ko ay nakaupo na rin ito sa couch ngayon.

Kakaupo lang nito actually. Pagkatapos ng paglalakas loob kong hawakan ng mahigpit ang kamay niya ay matagal niya akong iniwan dito sa sala nila. Umakyat ito sa kuwarto nito at nagkulong doon ng mahigpit isang oras.

Habang nakaupo ako dito sa sala ay samut saring posibleng gawin ang tumatakbo sa isip ko. Una na doon ay umalis na at iwan siya. I was tempted to walk out and forget those silly  plans I had in my mind before I went here. Determinado akong tulungan siya. Iyon ang nasa isip ko kanina ngunit ng inagaw nito ang kamay mula sa pagkakahawak ko ay napaisip ako....maybe I'm not the right person who could help him.

Even If I wanted to.

Sa tuwing nabubuo na ang pasya kong umalis, mayroon namang pumipigil sa utak na bakit hindi ko subukan muna? na hintayin si Larkin ng ilang minuto pa.

I waited for couple minutes that turned to couple of hours.

Siguro nga ngayong araw malakas talaga ako kay Lord dahil nakita ko si Larkin na dahan dahang bumaba ng hagdan nila. Magulo pa rin ang buhok at halata ang frustrasyon sa mga mata nito. At nang mapagawi ang tingin nito dito sa sala ay unti unting nanlaki ang mga mata nito na para bang napaka imposible na nandito pa rin ako pagkatapos ng ginawa niya.

"You're still here.." hindi ito makapaniwala.

Tipid akong ngumiti. "Gusto kitang maging kaibigan, Larkin." nahihiya ngunit  lakas loob kong sabi.

Matagal niya akong tinitigan. Hanggang sa bagsak ang balikat na umupo ito sa sofa katabi ko.

At ngayon, ilang minuto na ang nakaraan ay panay pa rin ang pagbuntong hininga nito.

"Why are you really here?" Napatingin ako sa kanya ng marinig ko na siyang nagtanong.

Umayos ako ng upo. "Yung totoo?" bumaling ako sa kanya. He is looking at me....still miserable. Huminga ako ng malalim. "Hindi ko rin alam, hindi ko rin maintindihan bakit pa rin ako nandito...pero isa lang ang sigurado ako..." I looked at him straight in his lonely eyes. "I don't want you to feel alone. So, I'm offering myself to be your friend." Hilaw akong ngumiti at napakamot ng ulo. "Kahit one sided friendship lang, basta hindi ka lang mag-isa. Okay na sa akin." 

Hindi ko siya narinig na nagsalita at nanatili lang na nakatingin sa akin.

I offered him a smile. Hoping he'll give me his, too. But I know, it is so impossible now.

Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay narinig kong nagtanong ulit ito. "Masakit pa ba?" Patukoy sa nasaktan kong paa.

Bilang sagot ay ginalaw galaw ko ang nasaktan na paa. "Makirot pero okay naman. Malayo 'to sa bituka." Tumayo ako para ipakita na maayos naman ang paa ko. "See? hindi na..." sabi ko sabay tingin sa kanya.

"Puwedeng nagsisinungaling ka lang na hindi masakit pero ang totoo, masakit naman talaga.."

Bumuntong hininga ako. " Hindi na nga..."  Humarap ako sa kanya. "Stop being negative, Larkin."

Sarkasmo itong tumawa. "Why are you so positive?"

Mas lalo ko siyang tiningnan sa mga mata. "Because..." Huminga ako ng malalim. "Masyadong komplikado at magulo ang mundo. The world needs more positive people to balance things out. Dahil kung lahat na lang tao katulad mo....baka mapaaga ang paggunaw ng mundo."

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon