Dalawampu't pito

7 0 0
                                    

Hindi na-edit. huhu.

Dalawampu't pito

I should've not walked out.

Iyon ang paulit ulit na sinisigaw ng utak ko habang naglalakad pauwi ng bahay.  Nakayuko ako at tinitingnan ang dulo ng sapatos kong suot.

Bumuntong hininga ako at saglit na tumigil at kapagkuwan ay mariing ipinikit ang mga mata. Kung puwede lang sabunutan ang buhok ko na hindi ako pagtitinginan ay ginawa ko na doon pa lang sa loob ng tricycle.

Dapat hindi ako umalis at iniwan si tita Yolly. Ngayon sigurado akong mas sasama ang loob niya sa akin.

Ngunit kung iisipin...kahit papaano tama ang naging desisyon ko.

Tama ang mga naging desisyon ko.

Mula kay Elis hanggang kay Tita Yolly.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nang makarating nasa loob ng gate namin ay may mga naririnig na akong nag uusap. Ngunit hinayaan ko na muna iyon. Kinuha ko ang hose at dinala papunta sa garden nila Grannie.

Nag-promise kasi ako na ako at si Larkin ang salitan na magdidilig ng mga halaman niya habang wala nagbabakasyon sila.

Mabilis akong nagdilig ng mga halaman. Mabilis ko ring inayos ulit ang hose at ibinalik sa sabitan. Hinubad ko ang sapatos ko at dahan dahang binuksan ang pintuan. Habang binubuksan ko iyon ay naririnig ko pa rin ang pag-uusap.

At sa pagpasok ko ay gano'n na lang ang pagkatigil ko nang makita ko si Larkin ay nakikipag-usap at sinusubukan naman ni Papa na sumagot kay Larkin. 

Papa is trying to talk! Hindi man diretso at halatang hindi gaanong naiintindihan ay nakakapagsalita pa rin.

Larkin looked at me. He smiled sweetly.

Dali-dali kong inilapag ang aking bag at tumabi kay papa na hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya.

Buong ingat kong kinuha ang mga palad ni Papa.

"Pa?"  

I swear my voice cracked when I asked that.

I want to hear another sound from him.

Ngayon para akong tanga na sabik na naghihintay na sumagot si Papa.  I am holding his hand as I'm watching him trying to answer me.

My father's lips moved. There's no voice yet and I know he is really trying to say something more than a word 'yes.'

"K...k-aun..ti--"   Papa finally answered. my head bowing too as if it'll help him utter more words. Parang akong isang matanda na tinuturuan sa unang pagkakataon na magsalita ang isang baby.

Papa was muttering words again. Hindi man iyon klaro lahat ngunit nakukuha ko namang intindihin ang iilan.

Si Mama naman ay tahimik lang na nagmamasid. Paminsan minsan ay umaalis ito at may ginagawa sa kusina. Pagkatapos doon ay sisilip ulit dito sa amin.

"Haliya, kumain ka na dito." mayamaya ay tawag na sa akin ni Mama mula sa kusina.

Nang marinig ko iyon ay kaagad kong nilingon si Larkin. "Nagtanghalian ka na?" mahina kong tanong.

Nagkamot ito sa likod ng ulo. "Yeah..actually, Tita Elis invited me."

Hindi ako nagpahalata na nagulat ako sa isinagot niya. Pagkatapos kasi ng mga nangyari noong mga nakaraang araw, hindi na rin ako umasa na babalik sa dati ang pakikitungo ni Mama kay Larkin gawa na rin sa naging desisyon ni Tita Yolly para sa kanya.

"Dito ka kumain sa bahay?" sabi ko na lang.

Tumango ulit ito. "I was in my room...well, at the window exactly. Tita was in your room and she saw me. Nagtanong siya kung nasa bahay ba si mommy. I answered no 'cause she's at work. And she invited me na kumain dito sa inyo."

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon