Panimula

84 3 0
                                    

Panimula

Tinitingnan ko ang kakatayo lang malaking Christmas Tree dito sa plaza. Kaninang mga bandang alas sais ng gabi ay sinimulan na itong pailawin.

Simula na ng simbang gabi. Ngunit bago pa man dumating iyon ay maraming nang nakahanay dito sa tabi ng simbahan ng San Agustine na nagtitinda ng puto bumbong, bibingka at ang pinaka paborito ng karamihan...ang bitchu-bitcho.

Bukod sa take outs may mga outdoor stalls na nag aalok din ng dine-in sa mga taon gustong dito mismo kumain. May paunang isang tasa ng mainit na salabat ang inaalok habang hinihintay maluto ang orders.

"Ha? Nandito na sila Kenneth kanina?" Napalingon ako kay Avah ng bigla itong nagsalita.

Tumingin ito sa akin pagkatapos ay busangot na ipinakita sa akin ang cellphone nito.

Nakita ko ang isang myday doon...account nung Kenneth. Nakita kong nagpost ito, dito din mismo sa plaza kaninang hapon base sa oras na inilagay nito doon.

Inis na inilapag ni Avah ang cellphone sa ibabaw ng lamesa. "Akala ko pa naman ngayon sila gagala. Sayang outfit!" Sabay pakita ng suot.

Ang Kenneth na tinutukoy nito ay ang long time crush nito. Simula pa ata nung nasa Ponce kami ay crush na ni Avah yung varsity player na yun na nag aaral sa B.U.

Kumain ako ng isang pirasong bitchu-bitcho. "Ito naman....parang hindi mo nakikita si Kenneth araw araw. Bukas makikita mo rin 'yon." salita ko.

Inirapan niya ako. "Iba kasi 'yon. Naka uniform tayo. Hindi ako nakaporma."

"Ano naman?"

"Syempre...hindi niya makikita na 'in' din ang fashion sense ko." Sagot naman nito.

Umiling ako. "Ewan ko sa'yo. Kung magugustuhan ka. Magugustuhan ka. Naka-uniform ka man o hindi." Katwiran ko.

Hindi na ito sumagot at mas lalong bumusangot ang mukha. Kumuha na rin bitchu-bitcho na nasa isang maliit na kulay brown na paper bag at hawak hawak ko.

Maya maya ay nagsalita na ito. "Matagal pa order mo?"

Sa tanong niya ay doon ako napatingin sa isang stall na binilhan ko ng puto bungbong.

"Hindi pa e. Marami kasing bumibili. Kakarating lang din natin." Sagot ko naman.

Tumingin na rin ito doon sa stall.

"Eh mamaya magsisimba ka?" Tanong ulit nito.

Tumango ako. Taon taon naman kapag dadating na December 16, matik na yun. Lagi kong kasama sila Mama at Papa.

Pero ngayon..mukhang ako na lang ata. Hindi na makakasama si Mama.

"Tibay mo. Maaga pasok natin bukas ha? Baka hindi ka na makatulog niyan." Paalala pa ni Avah.

"Alam ko. Kaya nga maaga akong matutulog ngayon. Bibilhan ko lang si Mama ng puto bungbong."


Natigil lang ang pag uusap namin ng may narinig kaming isang boses. Luminga linga ako para mahanap ko kung saan nanggagaling 'yon.

"Shit! Ang guguwapo! Sino 'yang mga yan?" Biglang naging excited ang boses ni Avah. Tumayo pa ito para matingnan ng mas mabuti.

Ako naman ay nanatili lang na nakaupo. Biglang nag init ang magkabila kong pisngi.

"Si Larkin lang kilala ko diyan e! Mga kaibigan niya ba 'yan?" Rinig kong nagsalita ulit si Avah.

Larkin....ulit kong banggit ng pangalan nito sa isip ko.

Ilang taon na ba simula noong unang beses ko siyang nakita? Ilang taon na rin ng simula kong aminin sa sarili ko na crush ko siya?

Matagal na. Senior high school pa lang ako. Siya naman ay first year college. Pareho kaming sa. B.U nag aaral.

"Hello guys.." tumuon ang tingin ko doon sa lalaking may tattoo sa may braso at nasa gitna. May mic na nakatapat sa bibig nito.

"We're JAuPhil, 56. Ako...." turo nito sa sarili.

"Pati itong tatlong mga ka-banda ko dito sa likod ay napag tripan lang na tumugtog sa inyo ngayong gabi. Okay lang ba?" Rinig kong tanong nito.

May mga narinig akong nag  'oo' mostly ay mga kababaihan. Pati rin si Avah ay naki oo na rin.

Nasa Glorrietta ang mga ito at nasa itaas ng stage. Katapat lang ng plaza kung nasaan kami ni Avah.

I looked at Larkin. As usual he is in his typical silent mode. Tahimik at nakatungko sa harap ng keyboard nito. May bonnet ito sa ulo dahilan kung bakit may iilan na buhok ang nakasilip sa noo at batok nito. Naka puting t-shirt, ripped levi jeans at itim na vans na sapatos.

"Really? thank you!" Tumingin ang lalaking bokalista sa likod at nag-cue na.

Larkin started playing chords on the keyboard and seconds after....the lead vocalist starts singing the first lines.

"To be young and in love

in New York city..."

Naghiyawan ang mga babae. Pati rin si Avah. 

Samantalang ako ay iba ang gusto kong pag alayan ng mga hiyaw ko.

Tiningnan ko si Larkin na nakapikit at tila nasa sariling mundo habang patuloy sa pagpapatutog ng keyboard.

I guess we're both lost.

Siya...sa ginagawa niya. Ako...sa pagtitig sa kanya.

Lahat tao sa buong Glorietta at dito sa Plaza ay nahihipnotismo sa kanta...samantalang ako? nahuhulog sa bawat pagtiklado ng mga daliri,  sa nakapikit na mga mata ni Larkin at....ang ngayong pagtitig niya.

Wait....he is staring at me?
















SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon