Apat

10 0 0
                                    


Apat

Ngunit ang plano nitong paglalakad ay hindi natuloy. Nasa may gate palang kami ng simbahan ni San Agustin ay nakita na namin si Tita Yolly na sakay ng kotse nito at nag-aalalang bumaba para salubungin kami.

"Sinabi sa akin ni Marinel ang nangyari. Ano ba kasing nangyari? Jusko! Halina kayo! Dadalhin ko kayo sa Castro!" Natataranta at nag aalalang tanong nito sa amin. Mabilis na binuksan ni tita ang pintuan ng kotse at pinasakay kaming dalawa.

"Naku! Pa'no kasi 'yang si Haliya ginagamit na naman 'yang de-gulong niyang sapatos. Hayun nabunggo ang anak mo. Hindi kasi tumitingin kapag tumatawid!"

"Pinang-aaraw-araw kasi ang katangahan ng negra na 'yan! Nakakaperwisyo ng kapwa!"

Kulang na lang ay hilingin ko na sana maging invisible na lang ako at mawala ng parang bula dahil sa sobrang kahihiyan. Nahihiya ako kay tita pati kay Larkin na ngayon ay rinig na rinig ang mga pinagsasabi ng mga tao.

Nakita kong sumakay si Tita Yolly. Mabilis itong lumingon sa likod kung nasaan kami. Napailing na lang. Kapagkuwan ay inabot nito ang kamay ni Larkin na ngayon ay katabi ko. Nakita kong hinaplos ni tita ang kamao ni Larkin na ngayon ay nakakuyom.

"Calm down. Aalis na tayo. Isasara ko na ang bintana. Kalma na.." puno ng hinahon na pagsasalita ni Tita Yolly sa anak. Kasabay niyon ay ang pagsara ng mga bintana at ang pagtunog ng bawat lock.

Iyon lang ay pinaandar na nito ang sasakyan.

"Tita Yolly, pasensya na po talaga." Nagbaba ako ng mukha. "Totoo po na hindi ko napansin si L-Larkin na dumaan sa harapan ko. Pasensya na po." Nahihiya ay paghingi ko ng tawad.

"Haliya..." tawag nito sa pangalan ko. Unti unti akong nag-angat ng tingin.

"Po..." ani ko.

Nagkatingnan kami sa rearview mirror ng sasakyan nito. "Okay lang. Pero sa susunod, huwag mo nang gagamitin 'yang roller blades mo kapag tatawid o kaya dadaan ka kung saan maraming dumadaan na mga kotse. At doon pa talaga sa tapat ng Savemore? Maraming motor, kotse at mga tricycle ang mabilis na dumadaan doon. Minsan akala mo mga hari ng kalsada, hindi humihinto kahit may pedestrian lane. Eh malapit lang sa school zone 'yon e! Paano kung hindi lang 'yan ang inabot niyo?
At ikaw naman Larkin...anak...hindi mo naman ugali na sumingit kapag may taong nauuna sa'yo sa paglalakad. Bakit siningitan mo si Haliya?" Mahabang pagpalatak nito at tanong kay Larkin.

Wala akong narinig na sagot mula kay Larkin.

Ako ang nagsalita. "Tita, pasensya na po talaga. Wala pong kasalanan si Larkin. Hindi ko lang po talaga siya nakita..."

Nakita kong bumuntong hininga ito. "Puwede ka mag roller blades kapag nasa park o kaya nasa walang mga sasakyan ka. Para walang ganyan. Tingnan niyo ngayon mga braso ninyong dalawa? Nag uumpisa ng mamaga."

Sabay kaming napatingin ni Larkin sa braso namin. Oo nga, tama si tita. Ngayon ko na lang din naramdaman ang sakit na para bang binugbog ang kaliwang braso ko. Samantalang yung kay Larkin ay yung kanan naman ang namamaga.

"I'm sorry, Larkin." Sobrang hina kong pagso-sorry. Sinadya ko talaga na kami lang dalawa ang nakakarinig.

Hindi ito nagsalita ngunit tumango naman. That made me feel ease. Atleast hindi siya sobrang galit dahil sa ginawa ko.

"Larkin, remove your mask now. Kami na lang naman ni Haliya ang kasama mo." Rinig kong utos ni Tita Yolly sa anak.

Segundo lang ang tinagal ng tanggalin nito ang mask na nakatabing sa ilong at bibig nito.

Hindi ko maiwasang hindi ito pagmasdan mula sa aking gilid.

Larkin is a brunette. His hair is long and wavy, medium length, na aabot lang sa kalahati ng leeg nito ang haba. His face is inverted triangular with sharp jaw. Dreamy caramel colored eyes. Deep set. Nusian nose. Thin lips.

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon