Tatlo

13 0 0
                                    


Tatlo

Aantok antok ay hinihintay ko si Lexinne dito sa cafeteria ng University. Humikab ulit ako.

"Grabe...halos dalawang oras lang ata ang tulog ko." Kausap ko sa sarili habang nakatungko ang isang braso sa lamesa at nakasalo ang palad sa baba ko. Humikab ako ng isang beses pa.

Muntik na akong makatulog kung hindi ko pa narinig ang pag-snap ng mga daliri ni Lexinne sa harapan ko.

"Really Haliya?" Nakataas ang kilay ni Lexinne sa akin habang umuupo ito sa tapat ng upuan ko.

"Sorry, nagsimba kasi ako kanina. Maaga din yung first subject ko."

Umirap si Lexinne. "I don't care. So...are you ready for your mission?"

Kumunot ang noo ko. "Alam mo isa sa mga dahilan kung hindi ako nakatulog kagabi bago magsimbang gabi, kakaisip diyan sa plano mo. Lakas mo rin e noh?"

Lexinne just gave me a bored look.

"Again, I don't care."

Umingos ako. "E di okay." Umayos ako ng upo. "Ano ba ipapagawa mo? Yung madali lang ah."

"Grabe ka din maka-demand e no? Hoy! Haliya, tuition fee mo ang nakasalalay dito. And FYI...hindi tayo close. Kaya 'wag mo akong bigyan ng suggestions."

"O e di wala na akong sinabi." Mahina kong salita at tumuwid na lang ng pagkakaupo.

Inirapan na naman ako nito. Maya maya ay pinaglapat nito ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa.

"You know Larkin Martinez right? Of course! who else wouldn't know him? He is popular!" Bulalas pa nito.

Napalunok naman ako. "Oo. B-bakit mo natanong?"

Lexinne bore her chinky eyes on me. Nakangisi na parang may binabalak habang hinahawi ang buhok.

"Because Hannaliya Asuncion...he is your mission you have to accomplish before the next enrollment begins." She said to me.

"A-ano?! Mission?" Tumingin pa ako sa buong cafeteria baka kasi ay may makarinig na iba o mas malala kung si Larkin pa mismo. "Si Larkin? Seryoso ka?"

Mukha pang nasisiyahan ay tumango ito. "Yes."

"Ano ba kasing misyon?" Bakit kasi may ganito pa? Puwede ko namang utangin na lang yung pera na ipapahiram niya sa akin. Makakahanap pa naman ako ng mapag-e-ekstrahan para mabayaran ko siya.

Atsaka sa daming puwedeng ibigay na utos bakit nakasama pa si Larkin? Hay naku talaga!

"Well, I have to see him courting you."  Simpleng sagot nito na halos ikahulog ko sa upuan.

"Seryoso ka diyan? Teka nga Lexinne...nag almusal ka ba ngayong umaga? O kaya nakukumpleto mo naman ba tulog mo gabi gabi? Nakaka sira kasi sa ulo 'yang lumalabas sa bibig mo."

Hindi ako makapaniwala. Sa lahat ng puwedeng ipagawa bakit may kaugnayan pa kay Larkin? At ano daw? Kailangan ligawan ako? Para na rin niyang sinabi na baryahan ko ng purong coins ang isang milyong perang papel niya. Mahirap tapos malabong maging possible.

"Larkin is a very silent guy. Girls try to get his attention--"

"-kahit ikaw 'diba?" Putol ko sa kanya.

Pinanlakihan ako nito ng mata. "Shut the hell up, Haliya. You listen."

"Okay..."

Umayos ito ng upo at nagsalita ulit. "Where were we? Oh! Doon sa lahat ng mga babaeng gustong makuha ang atensyon niya. Obviously, kahit isa..ni isa wala nagtagumpay. Sobrang  tahimik ni Larkin na nakakatakot ng lapitan. Haliya, Larkin is famous. Lalo na ngayon. Sikat na ang banda nila sa buong Metro Manila. Their own renditions of songs from different singers getting more popular. People give time just to stream their songs on spotify, apple music, deezer, or any kinds of music platforms. Trending lagi ang videos nila sa youtube. Interviews everywhere!  Girls went gaga over them!"

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon