Dalawampu

10 0 0
                                    


Dalawampu

Maaga kaming umalis kinabukasan nila Mama papuntang Caingin. Today is the last day of the year. Mamayang madaling araw ay sasalubungin na namin ang Bagong Taon.

Bago kami umalis ay tumingin muna ako sa bintana ni Larkin. Nakasara ang bintana ngunit may ilaw nasa loob. Napangiti ako. I guess he's already home.

Tiningnan ko din ang chat ko sa kanya kagabi. Wala itong reply ngunit nakita niya. Hinayaan ko na lang 'yon. Baka mamaya tumawag siya lalo pa at hindi na ako nakapagpaalam na aalis na kami.

"Haliya...yung isang bag ikaw na ang mabitbit, dadalhin ko itong grocery." rinig kong utos ni Mama. Sumasabay ang boses nito sa ingay ng tunog ng tricyle ni Kuya Ryan.

Kaagad kong inilagay sa loob ang sarili kong bag. "Opo!" malakas na sagot ko para marinig ako ni Mama.

Bumalik ako para kuhanin ang sinasabing maleta ni Mama. Nasa bungad na iyon ng porch, sa unang hagdan...sa may bandang itaas.

Iniangat ko ang handle niyon para mahila. At bago ako tumalikod ay tiningnan ko pa muna kung may iba pang bag na nandoon at nang mabitbit na.

Pero wala naman kung kaya ay hinila ko na paibaba ang maleta at kapagkuwan ay isinakay nasa tricycle.

Sa likod ako ni kuya Ryan sasakay. Si Mama at Papa naman sa loob. Nauna na akong umupo doon since bumalik lang si Mama sa bahay para i-lock na ang main door. Bahagya akong sumilip sa loob. Nakita ko doon si Papa na sinisilip rin si Mama mula sa labas.

"Pa.." mahinang pagtawag ko kay Papa. Dahan dahan itong lumingon sa akin.

"Okay ka lang sa puwesto mo? Komportable ka?" nag okay sign pa ako kay Papa. Dahan dahan itong tumango at unti unting itinaas ang kamay para mag-okay sign din pabalik sa akin.

Napangiti ako. Umayos na ako ng upo nang makita ko na si Mama na papunta na dito. Si kuya Ryan naman ay pumuwesto na rin ng upo sa motor.

"Ayos ka lang diyan sa pwesto mo?"

"Anak, kumapit ka ng mabuti ha?"

Sabay na tanong ni Mama at kuya Ryan. Nagthumbs up ako habang umaayos din ng upo.

Iyon lang ay umalis na kami.

Habang nasa biyahe ay wala sa sariling tumingin ako sa loob ng tricycle. Doon ay nakita kong magkahawak kamay si Mama at Papa. Napangiti ako habang tinitingnan ko ang mga kamay nila. Ang kamay ni Mama na mahigpit na nakahawak sa kamay ni Papa habang ang kay Papa naman ay nakapahinga lang. Na para bang kahit hindi niya kayang ihigpit ang pagkakahawak ay panatag siyang hindi iyon bibitawan ni Mama.

Matagal akong nakatingin doon nang mapagpasiyahan kong tumingin na sa harapan. Doon ko napansin na dumadaan na pala kami sa simbahan ni Sto Cristo. Mabilis akong nag-sign of the cross.

Pagkadaan namin doon ay malapit lapit na kami. Hanggang sa huminto na kami sa prutasan na nasa kanan namin. Doon ko lang din napansin na nakaabang na ang dalawang tita ko at ang mga pamangkin ko sa amin.

May sinenyas si kuya Ryan na tumango lang ang tita ko. Kapagkuwan ay lumingon  sa amin.

"Ipapasok ko ho sa looban, Tita Elsi!" malakas na pagkakasabi ni kuya Ryan dahil na rin sa malakas na ingay ng motor.

Tumango si Mama.

Iyon nga ang ginawa ni kuya Ryan.

"Ate Haliya!" napalingon ako sa likod ko dahil nandoon si Ale at Samaw. Tumatakbo habang sinusundan ang umaandar na tricycle.

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon