Dalawampu't tatlo

9 1 0
                                    


Isang maikling update ulit. Maligayang pagbabasa!

Dalawampu't tatlo

"Bakit?" hindi ko na napigilan tanungin si Jen. Kanina pa kasi ito patingin tingin sa akin.

Umayos ito ng pagkakaupo. Magkatabi kami ngayon dito sa loob ng van. Pauwi kami galing ng Cavite.

"Kakaiba yung pagiging tahimik mo ngayong araw." diretsahang sagot nito sa tanong ko.

Nagulat ako sa sagot niya. Hindi ako nakasagot kaagad. Ang tanging nagawa ko ay ang tumingin ulit sa labas ng bintana.

Hindi ko rin naman naringgan na nagsalita ulit si Jen. Naging tahimik na rin ito.

As  I look outside, my mind was nowhere. Last night I couldn't sleep. Hanggang sa nagising na rin sila mama para maghanda.

Bumuntong hininga ako.

"Malaki ba problema mo? Kanina ka pa rin bumubuntong hininga dyan..." mayamaya ay salita ulit ni Jen.

That made me looked at my cousin. Curious ang bukas ng mukha nito. "What? Tama ako?"

Umiwas ako ng tingin at sa bintana ulit ako tumingin. Pumangalumbaba. Pero habang ginagawa ko iyon...mas lalo kong gustong sabihin. Kung kaya naman ay tuluyan na akong humarap sa kanya.

Nagulat pa ako dahil nakatingin na siya sa akin na para bang inaasahan na niya.

"Sasabihin mo na?" na eexcite na tanong niya.

Dahan dahan akong umayos ng upo. "Ahm..yeah."

Mas lalong naging excited ito. Pumangalumbaba pa sa arm rest ng upuan. "Okay...go ahead."

"Larkin...ahm, he told me.."

"Anong sinabi niya?"

"He told me...he likes me.." pumikit ako at hindi tiningnan ang magiging reaksyon ni Jen. Ngunit ang akala kong impit na magtitili ay hindi nangyari. So I looked at her. I saw her nodding couple of times.

Eh?

Ibang iba ang reaksyon niya ngayon kumpara noong tinatanong niya ako kung ano ka ba si Larkin. She even assumed that we have a mutual understanding! And now...

"..'yan lang naging reaksyon mo?" hindi ko napagilan tanong.

Nagkibit ito ng balikat. "Ayoko ulit mag assume. Hindi ba ang sinabi mo sa akin dati, na magkaibigan lang kayo. Kaya iniisip ko baka sinabi niya na "he likes you" out of admiration lang. Maybe he means...masarap kang kasama at na appreciate niya iyon. Atsaka..iba iba naman ang ibig sabihin ng salitang 'I like you" diba?" she even quoted the word I like you. "Unless sinabi niyang, he likes you romantically." dugtong pa nito.

"Hindi... hindi...hindi.." kaagad na sagot ko. Umayos ako ng upo at tumingin sa harapan.

"Iyon naman pala e..."

Well Jen was right. Larkin didn't exactly clarified what he meant last night. Ako lang ata ang nag pa-exaggerate ng lahat.

"Pero Haliya...."

Wala sa sariling tumingin ako sa kanya mula sa harapan habang ang kuko ko ay nasa labi ko. "Hmm?"

Tinitigan akong mabuti ni Jen. "Mas mabuting linawin mo kay Larkin kung ano ba ang ibig sabihin ng sinabi niya. Sa huli, wala naman ibang makakapagpaliwanag sayo kundi siya lang."

"May pasok ka na bukas 'nak?" tanong sa akin ni Mama. Nandito kami ngayon sa Pulilan. Hinatid namin sila Tiya Sally at Jen sa abangan ng bus na paluwas ng Maynila.

"Opo ma." sagot ko.

"Ah gano' n ba?" sabi ni Mama. "Gusto mo ba na mauna ka ng umuwi sa bahay?" tanong nito.

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon