Labing anim

8 1 0
                                    

Labing anim


"Sa pula ka, Haliya. Dito ako sa blue."  Excited ang boses ni Avah habang naglalagay ng sampung piso sa ibabaw ng lamesang may anim na kulay.

Tumango ako at naglagay na rin ng sampung piso sa kulay pula.

Pumalakpak pa ito at masayang masaya habang inaayos ng lalaki ang tatlong cubes na may nakapalibot na mga kulay na may kaparehong kulay na nasa lamesa. Hindi ko alam kung anong tawag sa taya-an na ito.

Kapag  maswerteng tatlo na magkakapareho ng kulay ang lumabas, at kulay iyon na napili mo ay magiging triple din ang mapapanalunan sa halaga ng taya na inilagay mo.

Kung sampu ang inilagay namin at maswerteng isa sa mga kulay na napili namin ni Avah ang lumabas. Isa sa aming dalawa ang mananalo ng trenta pesos.

Ngunit kung dalawa lang sa tatlo ang lumabas. Doble lang ang mapapanalunan. At kapag wala naman, ay uulit ulit sa pagpapadaus-dos ng mga cubes ang lalaki. Panibagong taya ulit ang gagawin.

"Ay sayang!" Napasigaw si Avah ng makita naming dalawa ang naging puti at isa lang ang pula.

Nakasimangot tuloy ito habang kinukuha na ng lalaki ang mga taya namin.

"Tara doon na nga lang tayo!" Sabay turo sa bingo-han. "Ay 'wag, hindi pa pala nagsisimula. Doon na lang, baka sakali kahit plato may makuha tayo." Sabay lihis ng lakad papunta sa direksyon kung nasaan ang "Jackpot game."

Naiiling ay nagpatangay na lang ako kung saan ang gusto niya. Singkwenta pa naman ang pera ko...makakasakay pa kami ng tricyle pauwi sa bahay.

Nasa peryahan kami ng Caingin dito sa may Bagong Kalsada. Kinabukasan pagkatapos ng Pasko ay biglaan ang pagpunta namin dito nila Mama. Dumating kasi kahapon ang asawa ng pamangkin niya na nagta-trabaho sa Riyadh bilang OFW.

Walang may alam na dadating ito. Hindi nagpasabi. Kung kaya naman biglaan talaga. At dahil gusto nitong makita si Mama ay umuwi kami. Sinundo kami sa bahay gamit ang taxi ni kuya Jun kung kaya hindi na kami nahirapan ni Mama. Lalo pa at kasama namin si Papa.

Babalik din naman kami bukas sa Baliwag. Naka-schedule kasi bukas ang pagtanggal sa cast namin ni Larkin.

Speaking of him....hindi na ako nakapagpaalam sa kanya. Tulog pa kasi ito nung umalis kami.

Ngunit pagkadating ko naman dito kahapon ay tumawag ako para ipaalam na wala ako sa bahay. Siya na nga ang nagdilig ng mga halaman ko sa lawn namin pati na rin ang mga halaman ni Grannie kasama na ang dalawang sunflower na kakatanim ko lang kahapon.

"Haliya may itatanong ako..."

Kinuha nito ang walang laman na supot sa kamay ko. Ito na ang nagtapon sa basurahan kapagkuwan ay gumilid kami. Humarap ito sa akin at pinakatitigan ako.

"Totoo ba na nililigawan ka na ni Larkin?"

Muntik ko ng maibuga ang soft drink na iniinom ko ng marinig ko ang tanong niya. 

Sunod sunod akong umubo. "A-ano?!"

Ito naman ay nakasimangot habang hinahagod ang likod ko. Sa gulat ko ay halos sa ilong ko na lumabas ang iniinom.

Sunod sunod pa rin ang pag ubo. "Bakit mo naman natanong?"

Nakasimangot pa rin. "Eh kasi! Hindi ka ba nagtu-twitter? o facebook man lang?"

Umiling ako. "Hindi..."

Inirapan niya ako at bago magsalita ulit ay may kinuha ito sa bag. Nang makita ko ay facial tissue iyon. Ibinigay niya sa akin. Ako naman ay humugot ng dalawa at nagpunas ng mukha.

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon