Labing apat

7 0 0
                                    

Labing apat

"Merry Christmas!" masaya kaming nagbatian ng pumatak na ang alas dose ng gabi. Humalik ako sa pisngi ni Mama at Papa pati na rin kay Tita Yolly. Habang si Larkin ay nagmano sa magulang ko at humalik din sa mommy nito.

Kaninang alas otso ng gabi ay nandito na si Tita. Habang si Larkin ay hindi na muna sumama.

"May ginagawa pa. Ang sabi ko sumunod na lang siya dito kapag okay na." sagot ni Tita Yolly ng tanungin siya ni Mama.

Ako naman ay pasimpleng pumunta sa kusina. Sa dining table namin na ngayon ay puno ng pagkain dahil sa mga dinala ni tita at sa niluto namin ni Mama buong maghapon.

Hinawi ko ang kurtina at mula sa bintana ay sinilip ko ang bahay nila Larkin. "Ano pa kayang ginagawa niya?"  bulong ko habang pasilip silip.

Kanina nang makauwi kami ay nakita kong naligo lang at nagpalit ng damit si Larkin pagkatapos ay sumama na kay Tita sa SM. Narinig ko kasi ang pagbukas ng malaking gate nila ng umakyat ako sa kuwarto para magbihis din dahil pupunta kami sa palengke ni Mama para doon mamili.




"Hey...."

Mabilis akong lumingon kay Larkin. "How's the taste?" he asked. He is referring to his homemade icecream.

Iyon pala ang rason niya kanina kung bakit nahuli siyang pumunta dito sa bahay. Gumawa ito ng ice cream. Kailangan pa kasi nitong hintayin ang oras para ma-perfect daw nito ang tamang tigas ng ice cream mula sa freezer.

Nakalagay iyon sa malaki at malalim na lalagyan. Hugis parihaba at lahat ng sinuggest kong flavor kanina ay nandoon lahat. Pang-family size ang datingan!

Sunod sunod akong tumango. "Super!" masayang sagot ko. Nakita ko ang malaking ngiti na kaagad sumilay sa labi niya. "I didn't know, marunong ka palang gumawa ng ice cream." sabi ko pa. Habang kumukuha ng maliit na dalawang bowl. Kukuha ulit ako ng ice cream para sa aming dalawa.

"My Aunt who's in Australia, taught me how. Ice cream shop is her business there and when I was seventeen and a rebel, I used to live with her. And making ice cream was my both past time and work there." sagot nito. Tumango tango ako habang kinukuha ko mula sa ref ang ice cream at inilagay sa gilid ng sink para doon sumandok.

Tatlong scoop ng rocky road ang akin habang ang kanya ay cookies and cream.

"Thank you..." sabi nito habang kinukuha ang maliit na bowl.

Sumandok ako ng isang kutsara at kumain. "You're welcome.."

"Gusto mong  pag usapan natin?" Maya maya ay tanong ko.

Kumunot ang noo nito. "Pag usapan ang?"

"Yung pagtira mo sa Australia. Naging malungkot kasi ang mga mata mo habang nagku-kwento ka kanina..."

Ngunit umiwas ito ng tingin at umiling. Kumain ulit ng ice cream. "Hindi naman 'yon importante..." sabi lang nito.

Ngunit hindi iyon ang sinasabi ng mga mata niya habang tinitingnan ko siya. Gusto ko mang magtanong pa ay mas minabuti ko na lang na irespesto ang pagsasara nito sa topic na iyon.

Tahimik kaming kumakain ng may maisip ako. "Gusto mo doon tayo sa may lawn?" 

"Sure!"

Sa may back door kami dumaan at naglakad sa gilid ng bahay patungo sa harapan. Naglagay kami ni Mama kanina ng malalaking bulb lights na magkakadugtong. Inilawan namin ang porch at lawn.

Malamig ang gabi kaya nagsuot ako ng kulay yellow na cardigan. Naka-hoodie jacket naman na kulay pula si Larkin. Wala itong suot na beanie at facemask ngayon. Naka-levi jeans at onitsuka na sapatos.

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon