Dalawampu't Dalawa

9 0 0
                                    


Dalawampu't dalawa

Pagkatapos ng tawag ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa hagdan para makaakyat papuntang itaas ng bahay nila Tita Belen.

Pagkaakyat ko doon ay nandoon na si Mama at si Papa. Minamasahe ni Mama ang mga binti ni Papa.

"Ma..." tawag ko sa dito.

Kaagad na tumingin sa akin si Mama. "Haliya halika dito...tara tulungan mo akong masahiin itong binti ni Papa mo. Namamanhid daw."

Lumapit naman ako at pumuwesto sa gilid ng isang binti ni Papa. Inabot sa akin ni Mama ang lotion. Kinuha ko iyon.

Naglagay ako sa palad ko kapagkuwan ay ipinahid na sa binti ni Papa.

"Anong sabi ni Grannie? Bakit napatawag?" tanong ni Mama. Hindi ito nakatingin dahil abala sa pagmamasahe kay binti.

"Ahm...wala naman po. Nasa Baliwag na po sila ngayon." From Papa's legs, Mama looked at me. "Iyon lang ang sinabi?" she asked.

"Ahm..iniimbitahan po ako ni Grannie sa kanila..." sabi ko habang minamasahe na rin si Papa.

"hmm..kailan daw?" rinig ko tanong ni Mama.

"Ngayon po. Wedding Anniversary kasi nila ngayon 'ma. Wala din naman daw pong bisita, kami kami lang. Kasama si Larkin." sagot ko.

Tumango tango si Mama. "Ah.."

"Puwede ba akong pumunta 'ma?" maingat na tanong ko.

Tiningnan ako ni Mama. "Papayagan kita pero si Kuya Ryan mo ang maghahatid at magsusundo sa'yo doon."

Kaagad akong napangiti. Tumango ako.  "Uuwi po ako kaagad." sabi ko din.

"Magtext ka sa akin. Okay?"

Tumango ulit ako. Tumayo na ako at humalik nasa pisngi ni Mama at Papa. Kaagad kong kinuha ang maliit kong bag.

"Teka..hindi ka ba man lang magbibihis?" tiningnan ni Mama ang suot ko.

Kaagad akong umiling. "Hindi na 'ma. Ang sabi naman ni Grannie, kahit anong damit okay lang daw. Atsaka kami kami lang naman." sagot ko.

Tumango tango si Mama. "Ganoon ba?  Eh di Suklayin mo man lang  ng maayos ang buhok mo."  Kinuha nito ang hair brush na nasa kutson din. "Halika dito, susuklayan kita ng buhok.."

Tututol na sana ako kaya lang ay naunahan na ako ni Mama. "Hindi ko na ito nagagawa sa'yo..." may kaunting tampo sa boses nito.

"Ay sus, ang mama ko talaga..." kaagad akong tumabi kay Mama. 

"Totoo naman. Nagpasko at Bagong Taon na...alam kong pareho tayong busy, anak. Ayoko lang na pati itong pagsusuklay ko ng buhok sa'yo..hindi ko na magawa pa." salita ni Mama.

Napapikit ako. Dahan dahan kasi ang ginagawang pagsuklay ni Mama sa buhok ko. Para akong minamasahe. "Ma...namiss kita, kayong dalawa ni Papa." nakapikit ay mahinang salita ko.

Oo, magkakasama kami sa iisang bahay. Laging nagkikita. Ngunit dahil na rin sa mga pinagkakaabalahan para lang maitawid  ni Mama ang isang araw na gagastusin, minsan wala na kaming ganitong klase ng bonding. And deep inside me, I really miss those time old times..na mas maraming oras pa kaming nagkakamustahan. Nag uusap sa hapag, o kaya ay ganito...yung sinusuklayan niya ako ng buhok.

Naramdaman ko ang paghinto sa pagsusuklay si Mama.

"Namiss ko yung ganito lang tayo...magkakatabi." dugtong ko pa.

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon