Nagising si Ravella na parang may mabigat na nakadagan sa kaniyang katawan. Unti unti siyang dumilat at agad na natunghayan ang puro puting kisame at dingding.
Pinakatitigan niya ang matandang babae na natutulog sa kaniyang tabi. Halata sa mukha nito na pagod na pagod kaya naman hindi na niya ito ginising pa.
Ilang minuto rin siyang patuloy na nag oobserba sa kaniyang paligid. Naisip niya na nakatakas nga siya sa mga humahabol sa kaniya pero nasa Hospital nanaman siya.
"Yayaaaa Laaaa" tili ng isang bata na sa tingin ko ay anim na taon pa lang.
"Hiiii miss ganda" kaway pa sa akin ng bata. Mukhang bibong bibo talaga ito.
"Ako nga pala si Hazel Ravella. Ikaw anong name mo?" ngiting ngiting turan nito. Napangiti naman ako dahil parehas kami ng name.
"Ako naman si Ravella Chel Lastrella, nice to meet you Little Ravella" Ngiting ngiti kong turan sa kaniya.
Napansin ko naman ang pagbabago ng kaniyang ekspresyon. Nagtaka naman ako dahil namutla na ito ng tuluyan.
"Bakit namumutla ka?" akmang tatayo na ako dahil sa pag-aalala ng bigla na lang itong tumakbo.
Hindi ko alam kung may nasabi ba akong mali sa kaniya. Gusto ko mang habulin siya ay hindi ko magawa dahil sa maraming nakadikit sa aking mga swero.
Nanatili naman akong nagtataka habang inaalala ang aking mga nasabi sa bata.
"Sinabi ko lang naman ang pangalan ko ah. May mali ba don" kamot pa nito sa noon na para bang hindi alam ang gagawin.
"Iha gising kana pala" mahinang turan ng matanda na ikinangiti ko naman.
"Manang Salamat po sa pagtulong sa akin." Matipid na turan ko dito.
"Naku Hija, Hindi ka dapat sa akin magpasalamat." Turan nito kaya nagtaka naman ako.
"Oh gising kana pala." bungad ng doctor. Napansin ko naman na nagbago ang ekspresyon ng matanda.
"Anak, kumain kanaba?" biglang turan nito. Napatanga naman ako. Siguro ito ang nagligtas sa akin dahil anak ito ni Manang.
"Oo naman nay. Nay gusto ko sanang kausapin ang pasyente" turan nito sa kaniyang ina sabay baling sa akin.
Lumabas si Manang. Alam na siguro nito ang gagawin sa mga gantong eksena kaya naman hinayaan ko na din itong lumabas mukha namang mapag kakatiwalaan ang lalaki.
"Miss hindi na ako mag papaligoy ligoy pa. Alam mo naman ang kondisyon mo diba?" diretsong turan nito na ikinatango ko.
Alam ko namang malalaman niya agad yon dahil isa siyang doctor. Pero nagpapasalamat na din ako sa kaniya dahil hinayaan niyang lumabas muna si Manang bago niya ito itanong sa akin.
"Doc, Tanggap ko na kung anong meron ako at kung ano ang mangyayari sa akin. Sana Doc. Wala nang makaalam ng sakit ko. Ang gusto ko lang naman ay mahanap ang mga taong nagawan ko ng kasalanan para itama ang lahat ng ginawa ko. Sana lang ay umabot pa ako sa araw na yon" mahinang turan ko dahil baka marinig ni manang.
Napatango tango na lang ang doctor dahil wala na siyang magagawa sa kondisyon ni Ella. Buo na ang loob nito na hindi magpagamot. Kahit anong pilit niya dito ay hindi na ito pumapayag na magpagamot kahit ipag pilitan pa niyang sagutin ang lahat ng gastusin nito.
"Doc, salamat dahil ikaw ay isang mabuting tao at handang tumulong sa mga nangangailan pero salamat doc. Dahil alam kung hanggang dito na lang ako. Ito na po ang desisyon ko." Pinal na turan nito na hindi na nagawang sagutin ng doctor. Kilala niya ang babae pero hindi siya nito maalala dahil malaki na ang pagbabago niya. Ang dating gusgusin ay naging doktor na ngayon.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND (COMPLETED)
RomanceUmalis siya ng walang paalam. Bumalik ng Biglaan. Tatanggapin mo pa ba ang taong sumira sayo noon? Para sirain ka ulit? - Ashton Kyle Villanueva __________________+++++ Namuhay ng malungkot. Nagpadala sa takot. Hihingi ng tawad sa lalaking pinakamam...