Malakas na katok ang gumising kay Lovely at kay Ella. Kahit wala pang kahila-hilamos ay agad binuksan ni Ella ang pintuan.
"Ella gumising na kayo ni Lovely. Magbihis na din kayo ng Uniform natin. Andiyan na ang Bruhilda." Nagmamadaling turan ni Iyah na bihis na bihis at para bang takot na takot.
"Lovely gising." Yugyug ko sa kaniya. Maaga pa naman kasi talaga kaya siguro ayaw pa nitong tumayo.
"Lovely andiyan daw ang bruhilda sabi ni Iyah" mahinang turan ko na agad na nagpabangon dito.
"WHATTTT? Bilisan mo magbihis kana Ella bilis" pagmamadali nito. Kulng nalang ay malaglag to sa higaan sa pagmamadali.
Ilang minuto lang ay lumabas na kami at agad agad na pumila.
"Ha? Bat kayo nakapila?" tanong ko pa sa kanila na mukhang takot na takot.
"Bilisan mo na dito kana" sabay hila sa kaniya ni Tina sa pwesto nito.
Biglang may bumusina kaya agad na kumilos si Levi at Leva na may ngiting ngiti sa labi. Nagtaka man ay nakatitig lang ako sa malaking pintuan ng mansiyon.
Dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw ay hindi ko lubos na maaninag ang babaeng nakatayo sa pintuan. Ilang Segundo pa ang lumipas at naaninag ko na ang mukha niya.
"Ro-na" utal na turan ko.
Laging mag-isa at walang kaibigan noon si Ravella. Paano ba naman kasi kilala ang tatay niya sa pagiging lasenggero at pala-away kaya lahat ay takot sa kaniya.
Siya ang laging nangunguna sa klase kaya naman galit din ang mga kaklase niya sa kaniya.
"Hi" turan ng isang bata. Kilala niya ito. Siya ang pangalawa sa klase nila. Matalino, Maganda at higit sa Lahat Mayaman.
"Hi din" turan niya dito.
"Lagi nalang kitang nakikitang nag-iisa dito. Kaya siguro sobrang talino mo dahil lagi kang nagbabasa dito HAHAHAHA" tawa nito pero hindi naman ako natawa.
"Ay sorry, Na offend kaba? Sorry talaga" pag-hingi nito ng pasensiya.
Ngumiti naman ako sa kaniya. Sadyang hindi lang ako makapaniwala na may pumansin sa akin at ang isa pa sa pinakamayaman sa school.
"Maganda ka pala kapag nakangiti e" turan pa nito.
"Salamat" nahihiyang turan niya
"Ako nga pala si Rona, Friends?" turan nito na ikinangiti ko.
"Friends. Ako nga pala si Ravella" sabay tanggap nito sa kamay niya.
Iyon ang araw na nagkaroon siya ng Kaibigan. Tumagal ang kanilang pagkakaibigan hanggang sa maging BESTFRIEND silang dalawa.
"Ikaw bago ka dito?" tanong nito sa kaniya.
"Oo" sambit niya. Bigla niyang naalala ang pagtatraydor nito sa kaniya.
Kitang kita niya ang pagkagulat sa mukha ng kaniyang BESTFRIEND kuno.
"RA-VEL-LA?" Malakas na tanong nito.
"Ako nga Bestfriend" Rinig na rinig niya ang bulungan ng kaniyang mga kasamahan. Kahit siya ay hindi aakalain na ito ang darating ngayon.
"Bakit ka nan-dito?" Pautal pang tanong nito. Hindi siguro ito makapaniwala na nandito siya sa mansiyon ngayon o hindi niya akalain na buhay pa siya HAHAHAH
"Bakit masama bang bumalik ako sa brgy. Buenavista?" pabalang na sagot ko.
"Hindi naman. Nakakabigla lang. Bat kapa bumalik kung ninais mo namang iwanan lahat?" mataray na sagot nito.
"Nakalimutan mo na ba? May nagpaalis kasi sakin e." sabay ngisi ko. Namutla naman siya sa tinuran ko. Tandang tanda ko pa ang nangyari nong gabing yon.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND (COMPLETED)
RomansaUmalis siya ng walang paalam. Bumalik ng Biglaan. Tatanggapin mo pa ba ang taong sumira sayo noon? Para sirain ka ulit? - Ashton Kyle Villanueva __________________+++++ Namuhay ng malungkot. Nagpadala sa takot. Hihingi ng tawad sa lalaking pinakamam...