Napapangiti pa si Ella habang inaalala ang nakaraan kung kailan sila nag kakilala ng batang si Ashton. Naging pangit man ang kanilang pagkakakilala noon ay unti unti ring naging maayos ang pagsasama nila.
Ilang araw ng nakaupo si Ella sa pinakadulo ng Classroom halos ilag sa kanya ang lahat ng kaniyang kaklase maliban sa kaniyang Bestfriend na si Rona.
"Oy bata" pangungulit ng batang si Ashton. Ilang ulit ko siyang iniiwasan dahil siya ang umagaw ng upuan niya noon kaya naman nasa pinaka dulo siya pinaupo.
"Oy bataaaa" pangangalabit pa nito. Kaya naman sinamaan ko nalang siya ng tingin.
"Alam ko na nahihirapan kang makita yong mga nakasulat sa blackboard kaya sige nap alit na tayo ng upuan" Turan nito na nagpatigil sa akin sa pagsusulat.
"Wagna. Mas gusto ka na nilang katabi ngayon e." sabi ko pa dito. Tumayo ito kaya inaasahan ko nalang na umalis na ito at bumalik na sa kaniyang upuan pero nagtaka pa ako ng makitang bitbit niya ang kaniyang bag at ang kaniyang upuan.
"Tatabihan na kita dito. Malinaw tong mata ko kaya ang susulatin ko sa notebook ko ay kopyahin mo nalang para hindi ka na mahirapan sa pagsipat sa blackboard" napatunganga naman ako sa sinabi niya. Kahit ang guro at mga kaklase namin ay nakatingin din sa kaniya. Akala ko ay mapapagalitan siya ng teacher namin ngunit hinayaan lang siya.
Iba talaga kapag isa kang VILLANUEVA.
"Inengg" yugyug sa akin ni Manang Luz kaya ang diwa ko ay bumalik sa realidad.
"po manang?" turan ko agad dito.
"Ano ka ba ineng. Nananaginip ka ng gising kanina pa kita tinatawag. Andito na tayo oh" Doon ko lang napagtanto na nakahinto na pala ang aming sinasakyan.
Naunang bumaba si Manang Luz at ang kaniyang asawa na si Manong toni. Dahan dahan naman akong bumaba at nagmasid sa mansiyon.
Napakatahimik naman dito. Walang pinagbago tunay pa rin itong malinis at maganda. Ilang taon na ang lumipas pero nananatili pa rin itong nakatayo at para bang hindi pinaglumaan ng panahon.
Sumunod lang si Ravella kay Manang Luz maraming bumabati sa kaniya na pare-parehas ang suot. Halatang ito ang mga kasambahay sa mansiyon.
Napahinto ang lahat sa paglalakad ng may isang lalaking pababa sa hagdan. Maski si Ravella ay napatulala dahil sa angkin nitong kakisigan.
Siya na..
Siya na ang Ashton na minahal niya noon. Ang Ashton na mahal na mahal niya pa rin ngayon. Mas tumikas ang pustura nito. Mas kumisig pa.
"Manang, Papuntahin siya sa Office ko." Baritong tunog nito na nagpagulat sa kaniya maski sa iba pang kasambahay.
Mas naging mas maawtoridad ang boses nito. Ang dating boses nito na kay Lambing pagdating sa kaniya ay ngayon ay mas malamig pa sa yelo.
Lumipas ang ilang taon.
Halos araw araw ng magkasama sina Ashton at Ravella noon. Kahit ang kaniyang Bff na si Rona ay nagtatampo na sa kanilang dalawa dahil hindi ito mapaghiwalay ng landas. Kahit noong mag Highschool kasi silang dalawa ay naging mag kaklase sila sa Section 1 samantalang si Rona ay nasa Section 2 kaya mas madalas silang magkasama.
"Ash, Sali tayo sa Choir. Dagdag points din yon sayang." Turan ni Ella sa binata.
"Ayuko ang pangitn ng boses ko baka umulan. Mas masaklap baka bumagyo" Biro nito. Nahampas naman ni Ella si Ash lagi kasi itong nagbibiro.
"Oh sige kung ayaw mo ako nalang." Sabay lakad nito sa Audition Hall. Ilang Segundo lang ang lumipas ay napangiti si Ella dahil nakasunod na sa kaniya ang binata. Alam niyang susunod talaga ito dahil takot itong lapitan siya ng mga babae. Madalas kasi ay kinukuyog siya ng mga ito dahil sa kaniya kagwapuhan.
"Sasama na ako sayo mag audition" sabay kuha nito sa kaniyang palad at tumakbo sa Audition Hall.
Ganon na lang ang pagkatulala ni Ella ng marinig ang boses ni Ashton. Napakaganda at masasabi mong nakaka-akit ang bawat pagbigkas niya ng mga salita.

BINABASA MO ANG
BESTFRIEND (COMPLETED)
RomanceUmalis siya ng walang paalam. Bumalik ng Biglaan. Tatanggapin mo pa ba ang taong sumira sayo noon? Para sirain ka ulit? - Ashton Kyle Villanueva __________________+++++ Namuhay ng malungkot. Nagpadala sa takot. Hihingi ng tawad sa lalaking pinakamam...