11

169 4 0
                                    

Pagkauwing pagkauwi ay agad na pumasok si Ella sa kaniyang kwarto hindi niya alam ang nangyayari. Ang akala ng lahat ngayon sa school ay siya ang Mommy ni Hazel. Sigurado ring lagot siya kay Ashton pag-uwi nito mamaya. Hindi niya alam na nandoon si Ashton.

"Oh nandito kana pala. Kamusta ang paghatid mo kay Hazel sa school?" tanong ni Lovely sa akin.

"Okay naman. Hmmf andoon pala si Sir.Ashton sa school?" hindi ko na napigilang magtanong kay lovely.

"Ah oo. Every week ay nagpupunta talaga siya doon. Pinupunduhan niya yong school na yon. Sabi nila hindi daw ganoon kaganda ang school na iyon dati" kwento pa niya.

Alam ni Ella na hindi talaga ganoon kaganda ang school na iyon dati dahil doon siya nag-aral mas lumaki ito at talagang mas dumami ang palapag. Halatang alagang alaga ito hindi kagaya noon na ang mga classroom ay hindi sementado.

Nagpaalam na si Lovely na lumabas para tulungan si Manang Beth sa paghahanda ng hapunan.

Hindi naman mapigilan ni Ella ang isipin ang nakaraan.

Maulan ang araw na yon. Ang sabi sa radio ay mayroon daw bagyo pero pumasok pa rin si Ella at Ash. Silang dalawa ang laging nangunguna sa klase kaya sila rin ang pinagkakatiwalaan ng mga guro nila.

Absent ang kanilang adviser noong araw na iyon dahil nagkasakit kaya naman silang dalawa ang naiwang mag bantay sa mga cleaners. Huli na silang lumabas ng classroom wala ng ulan pero maputik ang daan dahil hindi sementado ang kanilang school.

Habang naglalakad ay hindi namalayan ni Ella namay matatapakan siyang lupa na lumambot dahil sa ulan kaya naman siya ay natisod at tuluyang bumagsak sa lupa. Dahil sa sakit ay tuluyan na siyang umiyak pinatahan naman siya ng batang si Ash at humiga din ito sa lupa para madumihan. Natawa naman si Ella dahil sa Itsura ni Ash kaya nagtawanan nalang sila.

Dahil sa makirot pa rin ang kaniyang tuhod na walang humpay sa pag agos ng dugo ay agad na tinanggal ni Ashton ang mahaba niyang medyas at itinali sa sugat ni Ella.

"Wag ka nang umiyak ah. Mamaya mawawala na rin yang dugo. Hayaan mo kapag lumaki na ako ipapasemento ko tong paaralan natin. Pagagandahin ko pagkatapos lalagyan ko ng playground" sabay tawa nito.

Napangiti si Ella ng maalala ang mga pangyayaring yon. Kung kaya niya lang ibalik ang panahon na iyon.

"Ahhhhhhhh" biglang sumakit ang kaniyang ulo.

"AHHHHHH ang sakit" namamaluktot siya sa mga sandaling yon dahil sa nararamdamang sakit.

Bigla niyang naalala na hindi pala soundproof ang kwarto nila kaya agad siyang kumuha ng unan at natumba sa sahig.

Tinakpan niya ang bibig niya atsaka sumigawww

"Ammmf Ahhh ang sakit" hindi na niya napigilang mapaiyak at dahan dahang nakatulog.

"Nasaan ako?" tanong ni Ella sa kaniyang sarili.

Magsasalita pa sana siya ng bigla siyang nakarinig ng mga boses.

"Ano? Bakit gusto mong ibigay sa kaniya ang pagiging Valedectorian. Nahihibang kana ba talaga Ashton?" turan ni Rona ang kaniyang kaibigan.

"Rona, Kaibigan mo din si Ella dapat nga matuwa kappa sa magiging desisyon ko e. Deserve niya yon kaya lang naman nila ginustong maging veledectorian ako dahil sa mga naging ambag ng pamilya ko sa bayan na ito" mahabang paliwanag niya.

"Nababaliw kana sa babaeng yon Ashton" galit na sigaw ni Rona.

"Rona kaibigan kaba talaga ni Ella ha?" pagalit na ding turan ni Rona kay Ashton.

"Simula ng inagaw ka niya sa akin hindi ko na siya kaibigan. Tandaan mo yan" akmang aalis na si Rona ng bigla siyang hawakan ni Ashton sa balikat.

"NABABALIW KANA" galit na sigaw ni Ashton.

Ngunit hinalikan siya ni Rona. Nanghina na lang si Ella ng ginantihan niya ng halik ang babae. Naghahalikan ang dalawang importanteng tao sa buhay niya.

BESTFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon