Lahat ng mga kasambahay ay kumain ng kaniyang nilutong champorado. Halos lahat ay masaya siyang binati dahil napakasarap daw niyang magluto.
"Salamat po sa inyong lahat" pagpapasalamat niya sa mga ito.
"Saan kabang natutong magluto?" tanong naman ni Tina.
"HMmf. Mula nong pagkabata ko po ako na ang nagluluto sa bahay. Iniwan po kasi ako ng mama ko sa tatay ko." Alangang sagot ko.
"Lumaki kang mabuting tao nak" turan ni Manang Luz sabay pag sang-ayon ni Manang Flor.
"Andadrama niyo naman, Eh hindi naman masarap tong niluto mo." pagtataray ni Levi habang kumakain ng champorado na niluto ko.
"Masarap kaya." Mahinang turan ni Leva ang kambal niya pero pinalakihan siya ng mga mata ng kaniyang kambal kaya nagbago ang tinuran nito.
"Hin-di pa-la masa-rap" mahinang turan nito sabay Hila sa kaniya ni Levi.
Sabay naman nagtawanan ang lahat dahil sa hindi pagkakasundo ng magkapatid.
Natigil lang kami sa pagtawa ng may naririnig kaming umiiyak.
"Ano yon, sino yon?" pare-parehas nilang tanong sa isat isa.
"Mommyyyyyyyyyy Huhuhu"
"Mommmmmyyyy huwag mo akong iwannnn huhuuhu"
Akmang lalabas na ako sa kusina ng biglang bumungad sa akin ang umiiyak na si Hazel.
"Hu-wag mo na akong ii-wan ulit *sobs*" paulit ulit na turan nito.
Nakatulala naman ang lahat habang nakatingin ang lahat sa amin.
"Naku Ella kanina pa umiiyak yan sa sakayan. Pinapabilis ako sa pagmamaneho. Halos liparin ko na nga ang daan papunta dito para lang sa batang yan" kakamot kamot na turan ni Carlo.
"Pshhh tahan na Baby. Andito ako oh. Hindi naman ako aalis e" mahinang turan ako. Nagsinungaling nanaman ako.
"Promise?" paninigurado nito pero hindi na ako nakasagot. Mabuti na lang nagsalita si Lovely.
"Hazel nilutuan ka ni Yaya Ella ng Champorado. Paborito mo to oh" paglalambing ni Lovely sa bata pero su,iksik lang sa akin si Hazel.
"Hindi ko siya Yaya. Mommy ko siya" sabay iyak nanaman nito.
Nagkatinginan ang lahat sa akin. Hindi ko rin alam ang isasagot kaya tumango tango nalang ako.
"Mommy kita diba?" sabi pa nito.
"Oo baby" mahinang turan ko. Alam kong mali pero ayuko siyang makitang malungkot.
"Halika na kumain na tayo. Nilutuan kita ng champorado oh" paglalambing ko sa kaniya.
Sama sama kaming kumain ngayon sa kusina kasama si Hazel. Masaya akong nakikitang nakikipag kulitan na siya sa mga tao roon.
"Napansin ko kanina hindi ka sumagot nong tinanong ka nang bata kong aalis kapa ba?" tanong ni Lovely.
Kami ngayon ay naghuhugas ng mga kinainan nila. Si Hazel naman ay naroon sa kanila Jing at Carlo.
"Ayuko ng mangako." Tipid na sagot ko.
"Alam mo ngayon ko lang napansin. May pagkakahawig kayo ni Hazel" Biglang turan nito na ikinabigla ko.
Tama! Nakikita ko ang sarili ko kay Hazel noong bata pa ako.
"Alam ko ang iniisip mo Lovely. Gustuhin ko mang maging tunay na anak si Hazel ay aakuin ko talaga pero imposible talaga e. Hinding hindi talaga ako ang nanay niya" malungkot na turan ni Ella habang tinitingnan ang bata na masayang nakikipaglaro kay Calrlo at Jing.
"Sana ako nalang ang Mommy mo" Turan ni Ella habang nakatingin sa bata.
Samantala ginabi na ng uwi si Ashton kaya naman nakapatay na ang ilaw sa mansiyon dahil tulog na din ang mga kasambahay. Gutom na gutom na siya dahil hindi niya namalayang anong oras na kanina.
Agad siyang nagbukas ng Ref at laking gulat niya ng makita ang mangkok na may lamang champorado. Agad niya itong nilantakan at sa kada pagsubo niya ay naiisip niya ang masayang pinagsamahan nila ni Ella habang kumakain ng paborito nilang pagkain noon.
"Ang sarap talaga ng Champorado" turan niya sabay ngiti.
Sa kabilang banda tuwang tuwa namang bumalik sa kwarto si Ella dahil kitang kita niya ang saya sa mukha ni Ash nong kinain nito ang niluto niyang champorado.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND (COMPLETED)
RomanceUmalis siya ng walang paalam. Bumalik ng Biglaan. Tatanggapin mo pa ba ang taong sumira sayo noon? Para sirain ka ulit? - Ashton Kyle Villanueva __________________+++++ Namuhay ng malungkot. Nagpadala sa takot. Hihingi ng tawad sa lalaking pinakamam...