WALANG ENDING

260 7 1
                                    

Hawak hawak ng batang si Hazel ang bulaklak habang may mga nakasunod sa kaniya. Ngiting ngiti pa ito ng habang nakatingin sa harap ng altar.

Akala ng iba ay magtatapos ang kwento nina Ash at Ella sa Hospital na iyon pero pinatunayan nilang may ikalawang buhay sa mga taong nagmamahalan.

Patuloy sa pag-iyak si Hazel ng biglang tumunog ulit ang machine ni Ella kaya nabuhayan ng loo bang doctor. Ilang Segundo lang ay sumunod naman si Ash. Napuno ng palakpakan ang kwarto na iyon dahil himala na nabuhay ang mga ito.

Ilang araw lang din ay nagising silang dalawa at napag desisyunang magpakasal.

Nagpatuloy ang seremunyas. Lahat ng tao ay nagpalakpakan ng masabi ni Pader ang mga salitang

"Humayo kayong dalawa at magparami"

Malakas din na tawanan ang namayani sa simbahan.

Pagpunta sa reception ay nakita ni Ella ang kaibigan niyang si Kate. 

Nakilala niya ito sa Hospital nong bagong panganak palang ito sa triplets niyang mga lalaki.

"Kamusta Mrs. Villanueva?" turan ni Ivan ang asawa ni Kate. Kasosyo din ito sa business ng kaniyang asawa na si Ashton.

"Hahaha ito okay naman. Sana biyayaan din kami ng kambal" turan ni Ella habang nakatingin kay Kyle, Kalex at Kevin.

"Magkakaroon din yan" sabi ni Kate na tuwang tuwa.

Napansin ko naman na titig na titig si Hazel kay Kyle. Isang taon lang ang tanda ni Hazel dito kaya hindi ako magtataka kung maging magkaibigan sila.

"Anak okay kalang?" tanong niya kay Hazel. Lumapit naman ito at may ibinulong sa aking tenga.

"I Love him" matipid na turan nito. Sabay turo kay Kyle na tahimik na nakaupo at nakabusangot.

Bata pa siya kaya hindi ko muna inintertain ang pagkakagusto niya kay Kyle. Basta kapag lumaki na siya ay support ko siya sa lahat ng gusto niya.

Masayang masaya ang araw na iyon para sa kanila. Ang mga kaibigan nilang dalawa ni Ash ay nagkaroon ng Bonding dahil na din sa dinaos nilang kasal.

_________________________

Ilang taon lang ang lumipas ay biniyayaan ng kambal na anak si Ella at Ashton tuwang tuwa sila dahil hindi nila akalaing mabubuntis pa siya kaya naman ganon nalang ang kanilang tuwa. Akala niya noon ay mahihirapan pa siyang mabuntis dahil sa sakit niya. Akala niya ay naapektuhan ang ibang parte ng katawan niya dahil kumalat ang kanser noon. 

Kahit marami silang pagsubok na pinagdadaanan noon ay bumubuti na ang kanilang buhay ngayon.

Una buo na ang pamilya niya. Magaling na din ang sakit niya. Kahit medyo alangan dahil mula sa lahi niya ang sakit at baka mahawa ang mga anak niya ay sisiguraduhin niyang nasa tabi lang sina Ella at Ash para gabayan ang mga ito.

Nakita na din ni Ella ang kaniyang ina at nagkapatawaran na. May bago na itong pamilya at tinanggap naman ito ni Ella. Naintindihan na nito ang dahilan ng kaniyang ina kung bakit ito umalis noon. Dahil sa matinding pananakit ng kaniyang ama ay hindi ito nakapanlaban at hindi siya nito nakuha.

Si Rona naman ay nakulong na kaya hindi na sila natatakot dito. Mag-iibang bansa na din sila para malayo sa mga taong nanakit sa kanila. Kahit gustuhin man nilang manatili sa Pilipinas ay kailangan muna nilang makapag simula ng bagong buhay.

Si Gabriel naman ay may nililigawan na din na Kapwa Doctor niya at si Noel naman ay may boylet na. Kahit na ganon ang kaniyang pinsan ay nanaisin niya itong maging masaya.

Sina Manang Luz, Manang Beth, Manang Corazon, Manong Toni at Manong Rom ay hindi na namin masyadong pinakikilos dahil napamahal na sila samin at ayaw naming magkasakit sila.

Si Jing at Carlo naman ay mag-asawa na din. Sabi ko na nga e. Bagay talaga sila. Simula pa lang kasi noong una ay halata na ang pagiging malapit nila sa isat-isa.

Si Tina at Iyah naman ang mag-alaga sa kambal. Sa ngayon tumutulong muna sila sa gawaing bahay at inaalagaan si Hazel.

Si Levi at Leva naman ay umuwi sa probinsiya. Pero bago yon ay nagkaroon kami ng kapatawaran sa isat-isa.

Masayang masaya si Ella ngayon. Naiisip niya kung sumuko siguro siya dati ay hindi siya sasaya ng ganto ngayon.

Sobrang salamat kay Lord dahil ito ang nagbigay sa kaniya ng lakas at pagmamahal sa mga taong naging bahagi nang buhay niya.

Sa ngayon ang pamilya niya ang pinakamahalagang regalo ni Lord sa kaniya. Akala niya ay matatapos ang buhay niya na malungkot at nag iisa. Pero binago lahat yon ni Ashton mula noon naging katuwang ko siya sa mga pagsubok na kinakaharap ko. Isa lang ang masasabi ko sa lahat ng makakabasa ng aking Istorya. Si Ashton ang aking asawa na magmamahal sa akin at sa mga anak ko pero siya rin ang taong pagkakatiwalaan ko at ang aking nag iisang BESTFRIEND.

BESTFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon