Gustuhin mang hindi sumama ni Ella kay Manang ay hindi na siya nakatanggi. Amo raw kasi nito ang siyang nagligtas sa kaniya.
"Huwag kang mag-alala mabait ung amo ko. Ung fiancée niya lang ang bruhilda." Natawa naman ako sa sinabi ni Manang.
Siya pala si Manang Luz. Matagal na siyang naninirahan sa mansiyon ng amo niya. Ito raw ang nag paaral sa kaniyang anak na si Gabriel.
Si Gabriel ang doctor na gumamot sa kaniya kanina. Personal doctor din ito ngayon ng kaniyang amo. Halatang pinagmamalaki ni Manang ang kaniyang anak. Pero kahit ganoon daw hindi niya kayang iwanan ang kaniyang mga amo kahit may ipon na sila ng kaniyang anak. Nagulat pa ako dahil si Gabriel pala ang lalaking kalaro ko noon sa ilog bago ko nakilala si Ashton ang lalaking minahal ko.
Masasabi kong napakabait ng amo ni Manang dahil sa magandang pag trato nila sa kanilang mga kasambahay.
"Nga pala manang nasaan na po si Hazel?" tanong niya. Simula noong tumakbo ito sa hindi malamang dahilan ay hindi na niya ito nakita pa.
"Ah iyong batang yon. Siguro nag kukulong nanaman sa kwarto niya. Mailap yon sa mga tao. Himala nga na sumama yon sa akin nong sinugod ka sa Hospital e." turan niya dito.
Nagtaka naman siya dito kasi parang ibang iba ang Hazel na nakita niya nong araw na nagising siya. Para itong masayahing bata na magiliw sa mga kalaro.
Marami pa silang napag kwentuhan ni Manang sa biyahe. Naging kasundo niya rin si Manong Toni na asawa ni Manang Luz.
Literal na lumaki ang mata ni Ravella ng makita ang isang mansiyon na pamilyar sa kaniyang mga mata. Nasa Brgy. Buenavista pala sila. Ang dating lugar kung saan siya tumira ng napakatagal na panahon.
Hindi mapigilang mamawis ang kaniyang kamay. Alam niya sa buong Brgy ng Buenavista ay iisa lang ang may mansiyon at pinakamayaman sa lugar na iyon.
ANG PAMILYA NG MGA VILLANUEVA
"Manang, anong apelyido ng amo mo?" dali dali niyang tanong. Abot langit ang pagdarasal niya na hindi Villanueva ang sabihin nito ngunit tuluyan ng hindi mapakali ang kaniyang mga mata at kamay ng sabihin nito ang mga salitang yon.
"Eh ano ka ba ineng. Isa lang naman ang mayaman sa Brgy ng Buenavista ang Pamilya ng mga Villanueva." Diretsong turan nito.
Juskolord! Gusto ko po talagang makausap si Ashton at bumawi sa kaniya pero hindi naman ganto kabilis huhuhu.
"Ineng namumutla ka. Masama nanaman ba ang pakiramdam mo?" nag aalalang turan nito pero pumikit na lang ako.
Inalala ang nakaraan...
Matagal na akong naninirahan noon sa Brgy. Buenavista. Halos lahat sa eskwelahan ay kilala ko na dahil pare-parehas lang naman kaming nag-aaral sa Buenavista Elementary School.
"Oy Bestfriend, Alam mo bang may bagong transfer sa school natin at ang balita galling siya sa manila." Excited na turan nito.
"Eh ano namang pakialam ko diyan. Saang subject ba tayo may quiz ngayon?" tanong ko nalang dito habang patuloy pa rin sa paglalakad.
"Wala tayong quiz" tipid na lang na turan nito.
Nakarating ako sa room. Uupo na sana ako ng bigla akong hinarang ng isang batang lalaki.
"Umalis ka sa upuan ko" turan ng isang lalaki na masasabi kung gwapo pero mukhang spoiled sa magulang.
"Excuse me. Ako ang nakaupo dito simula pa noon." Pagtataray ko dito.
Kung nakakamatay lang ang tingin ay parehas na kaming nakahandusay sa sahig.
"Bestfriend sorry, Nong nagkaroon ka ng bulutong. Pinaupo siya ni Teacher diyan. Di pa kasi kami nagkakabulong lahat dito sa row natin kaya pinalipat ka ni Teacher doon" sabay turo sa pinaka huling bahagi ng classroom.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND (COMPLETED)
RomanceUmalis siya ng walang paalam. Bumalik ng Biglaan. Tatanggapin mo pa ba ang taong sumira sayo noon? Para sirain ka ulit? - Ashton Kyle Villanueva __________________+++++ Namuhay ng malungkot. Nagpadala sa takot. Hihingi ng tawad sa lalaking pinakamam...