Ilang araw ang lumipas at naging maganda naman ang pagsasama nila ni Ella at Ash masaya silang buong pamilya.
"Mommy mag play lang ako sa labas ah" paalam ni Hazel kaya naman agad na sumunod si Ella. Masaya silang naglalarong mag ina.
"Ändito ka lang pala. Akala ko iniwan muko" nakabusangot na turan ni Ash na nakapadjama pa at halatang nagmamadali.
"Hindi kita iiwan kaya dapat huwag mo rin akong iiwan" amo ni Ella kay Ashton.
Ilang oras silang naglalaro sa labas. Hindi nila napapansin ang isang babae na nakamasid lang sa kanilang dalawa.
Papasok na sila ng bahay ng biglang humarurot ang sasakyan at kamuntikan ng masagasaan si Ella. Huminto ito sa harap niya at tinutukan siya ng baril ng nagmamaneho nito.
Akala niya ay katapusan niya na ngunit tinulak siya ni Ash at ito ang natamaan ng bala.
"ASSSSHHHHHHH" sigaw niya na narinig ng mga tao sa loob ng bahay. Nataranta na si Ella kaya naman pilit niyang kinakausap si Ash.
" Huwag kang pipikit pleaseeee"pagmamakaawa niya dito pero wala na siyang ibang nagawa ng pumikit ito kaya nagsisigaw siya. Tinamaan ito sa dib-dib kaya ganon nalang ang kaniyang kaba dahil baka natamaan ito sa puso.
"TAWAGIN NIYO SI GABBBBB" sigaw niya habang yakap yakap si Ash.
Mabilis ang responde ng ambulansiya hindi alam ni Ella kung anong gagawin lagi kasing si Ash ang nag-aalaga sa kaniya mula noon hanggang ngayon hindi niya alam kung paano kumalma gayong alam niya na nasa bingit ito ng kamatayan.
"Please pagalingin niyo siya" mahinang turan ni Ella pagkatapos ay nawalan ng malay.
---
------------------
"Nasaan ako?" turan ni Ella habang naglalakad sa kagubatan.
"Ella?" tawag ng isang pamilyar na boses kaya naman sinundan niya ito.
Nakita niya si Ashton na umiiyak at hinahanap siya. Gusto niyang lapitan ito pero kahit anong takbo niya ay hindi siya makarating doon.
"Ella mahal na mahal kita, Kahit na mawala ako sayo sana isipin mong inaantay kita. Alagaan mo ang anak natin. Iparamdam mo sa kaniya ang pagmamahal na hindi ko naipadama noon." sabay lakad nito palayo.
Biglang sumakit ang ulo ko at naalala ang lahat lahat, Mga masasaya at pangit na tagpo sa buhay niya.
Lumiwanag ang kapaligiran at lumabas doon si Ashton na nakangiti.
"Halika na umalis na tayo?" aya ni Ash sa kaniya kaya kinuha niya ang kamay nito.
Sasama na sana siya dito ng may marinig siyang iyak.
"Mommy pleaseee wag niyo akong iwan ni dadddyyyyy. Hindi ko kayaaaa" iyak ng isang bata kaya napabitiw siya kay Ash.
---
Samantala nagkakagulo naman ang lahat dahil parehas na nag Flatline ang machine nina Ella at Ashton.
"Mommy pleaseee wag niyo akong iwan ni dadddyyyyy. Hindi ko kayaaaa" iyak ni Hazel habang kinakausap ang kaniyang mommy nito.
"Daddy ano ba? Gising na kayo malulungkot akooo" walang humpay na iyak ng batang si Hazel.
Ang mga kaibigan at mga nurse ay umiiyak na din dahil sa tagpong iyon. Kahit hindi nila ka ano-ano ang batang si Hazel ay nahahabag pa din sila sa nangyari dito.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND (COMPLETED)
RomansaUmalis siya ng walang paalam. Bumalik ng Biglaan. Tatanggapin mo pa ba ang taong sumira sayo noon? Para sirain ka ulit? - Ashton Kyle Villanueva __________________+++++ Namuhay ng malungkot. Nagpadala sa takot. Hihingi ng tawad sa lalaking pinakamam...
