7

171 6 1
                                    

ASHTON POV

Kakatapos ko lang tapusin ang mga reports na kakailanganin ko bukas. Agad kong kinuha ang beer sa mini Ref ko na nakalagay dito sa Office para hindi na ako bumaba pa.

Lagi ko tong ginagawa kapag hindi ako makatulog. Simula ng iwan niya ako hindi na naging maganda ang tulog at gising ko.

Agad akong pumasok sa kwarto ko. Gustuhin ko mang bumaba para tingnan siya kung nakatulog na ba siya ay hindi ko na ginawa. Galit ako sa kaniya sa mga ginawa niya sa akin noon. Pero nong makita ko siya kaninang umaga parang nawala ang galit ko hibang na talaga ako.

Masayang naglalakad si Ashton habang papunta sa bahay nila Ella. Lagi siyang nagagawi doon kapag wala ang tatay nitong lasinggero. Tinutulungan niya itong maglaba at sa mga gawaing bahay. Sinabi nya na noon sa dalaga na oon nalang tumira sa kanila para naman hindi na siya apihin ng tatay niya pero ayaw naman nito.

"ELLAAAA, andito na ako" turan niya dito pero kahit anong hagilap niya sa babae ay wala ito.

Kabadong kabado siya sa mga oras na iyon. Hindi niya alam ang gagawin kapag nawala ito sa kaniya.

Ilang oras siyang nag antay bago nakita ang hinahanap. HaLos takbuhin niya ang pagitan nilang dalawa.

"Saan kaba nanggaling? Pinag alala mo ako" kabadong turan nito.

"Ano ka ba Ash. Nakalimutan mo na ba? Sa ilog ako naglalaba diba? Inantay kita doon pero hindi ka dumating. Mabuti nalang dumating itong si Noel at tinulungan ako" Ngiting ngiting turan nito kaya agad sumiklab ang galit ko habang nakatingin sa lalaki. Akmang sasapakin ko na ito ng biglang yakapin ako ni Ella.

"Halika na sa loob. Salamat Noel ah. Pasok na kami" Sabay hla nito sa akin papasok.

"Ash ano yon? Mananakit kana ng kapwa mo ha? " galit na tanlng nito sa akin bigla naman akong natuhan.

"Sorry Ella. Kinabahan lang naman ako kanina e. Hindi ko alam kong nasaan ka kanina. Kulang na lang ay itaktak ko tong bahay niyo para lang mahanap ka" nag aalalang turan ko hindi naman siya nagsalita kaya agad ko siyang niyakap.

"Please. Wag kang mawawala sa akin. Akin ka lang please" Kahit ako ay hindi ko maintindihan ang inakto ko sa kaniya ang gusto ko lang naman ay dito lang siya sa tabi ko at wag mawala.

"Hindi ako mawawala sayo" turan nito kaya naman napangiti ako at mahigpit siyang niyakap.

Bumalik siya sa nakaraan.

"Sinungaling siya. Hindi ako iiwan pero nong kailangan ko siya bigla na siyang nawala at hindi na nagparamdam" Natawa siya ng pagak. Hindi totoo ang mga sinasabi ng babae.

Ubos na ang Beer na iniinom niya kaya naman agad na siyang pumasok sa banyo at nag shower. Ito talaga ang routine para makatulog lang siya.

Kukuha na sana siya ng damit para makapag palit ng may makita siya na nakahandusay sa lapag kaya naman agad agad niya itong binuhat papunta sa kama.

"Ano kaba namang babae ka. Ngayong unti unti na kitang kakalimutan saka ka naman pumasok ulit sa buhay ko" bulong niya sa babaeng mahimbing ang tulog.

Agad siyang nagbihis at tinabihan ang babae sa higaan. Wala siyang balak matulog. Gusto niyang bantayan ang babae para hindi na ito ulit mawala sa kaniya.

"Gusto ko sanang itanong sayo bakit mo ako iniwan? Hindi pa ba ako sapat sayo ng mga panahon na yon. Kailangan mo pa ng Noel na yon para lang ipagtabuyan mo ako?" Malungkot na turan ng babae.

Hinaplos niya ang mukha nito. Pinakatitigan niya ang katawan nito. Mula noon hanggang ngayon gustong gusto niyang angkinin ang babae.

Hahalikan niya sana ang babae ng bigla niyang mapansin ang mga kamay nito. Puro sugat ito agad naman siyang nakaramdam ng awa sa babae. Kahit kailan talaga handa pa rin siyang magsakripisyo para sa ibang tao.

BESTFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon