8

165 5 0
                                    

RAVELLA'S POV

Nagising si Ella dahil sa lamig na nararamdaman. Agad siyang naghanap ng kumot pero wala siyang makapa. Kaya agad siyang napamulat at hinanap ang kumot. Napansin niya ang kumot sa baba ng kama kaya agad niya itong kinuha hindi niya namalayang mataas pala ang kama kaya nalaglag siya rito.

"Arayyyyy" ungol niya sa sakit dahil sa pagbagsak niya. Doon niya napagtanto na wala siya sa Hospital kung saan siya namamalagi. Naalala niyang nasa mansiyon nga pala siya ni Ashton at bakit iba ang higaan niya.

"Masarap bang matulog sa higaan ko Ms.Lastrella" Mapang-asar na turan nito. Kahit masakit ang katawan ko dahil sa pagkakahulog ay agad agad pa rin akong tumayo.

"Sorry Ash. Ah-h I mean Ashton" kabadong turan ko kaya agad agad akong lumabas agad sa kwarto niya. Masyadong maaga pa siguro kaya tulog pa ang ibang kasambahay.

Mabilis akong bumaba sa hagdan. Nagulat pa ako ng makasalubong ang isang babae.

"Bakit ka lumabas sa kwarto ni Sir. Ashton don kaba natulog ha?" mataray na turan nito. Hindi naman agad ako nakapag salita. Hindi niya kayang magsinungaling.

"Ah Eh, O-" hindi na niya natuloy ang pagsasalita ng marinig niya ang boses ni Ashton sa Likuran.

"Salamat sa Kape Ms. Lastrella" agad na turan nito bago umalis at may hawak hawak na bag.

Hindi ko maiwasang mapatulala habang nakatitig kay Ashton napaka gwapo nito habang suot ang pormal na kasuotan.

"Hoy babae wag mong subukang landiin si Sir.Ashton isusumbong kita kay Madam ang Fiance ni Sir." Mataray na turan nito kaya agad na akong bumaba at pumunta sa kwarto ko para maligo.

Pagkatapos ko maligo ay ginising ko na din si Lovely para sabay na kaming mag umagahan. Inantay ko lang siyang matapos maligo at pumunta na kami sa kusina. Doon ko lang napagtanto na marami pala kaming mga kasambahay sa mansiyon ni Ashton.

Mga 15 kami at mapapansin na kakaunti lang kaming mga nasa edad 30 pababa.

Ang pinakamatanda ay si Manang Luz. Siya ang nagluluto sa amin kasama nina Levi yong masungit na nakasalubong ko sa hagdan at ang kaniyang kambal na si Leva.

Si Manang Corazon at Manang Beth naman ang siyang nag aasikaso sa Hardin ng mga Villanueva.

Sina Manang Flor, Iyah, Tina, Leah at Jing ang naglilinis sa buong mansiyon.

Sina Manong Toni, Manong Rom at Carlo naman ang tatlong driver sa mansiyon.

Si Lovely ang taga-Laba. Siya lang kasi ang pinagkakatiwalaan ni Sir.Ashton sa mga bagay na yon.

At ako naman ang magiging personal Maid ni Sir.Ashton at Hazel.

"Oh pagbutihan mo ang First day mo Ella" tuwang tuwang turan ni Manang Luz.

"Naku kayang kaya po yan ni Ella. Napakasipag po nito e." Saad naman ni Leah.

"Hindi lang yon. Napkabait pa niyan" Pagmamalaki naman sa akin ni Manang Flor. Kaedad ni Manang Luz at halos kasabayan lang din nito sina Mang Toni at Manang Luz na nagtrabaho dito.

"Oo nga mabait talaga si Ella dahil nong may sakit si Lovely kahapon siya na ang umako sa mga Gawain nito." Turan naman ni Manang Corazon.

"Huwag nga kayong maingay" Biglang tumahimik ang lahat ng magsalita si Levi na bagong dating kasama niya ang kakambal na si Leva.

"Mga ignorante ba kayo? Parang ngayon lang kayo nakakita ng hayop HAHAHA" Turan naman ni Leva.

"Mga walang galang. Wala kayong karapatan na tawagin silang ignorante at tawagin akong Hayop. Akala ko nga kanina Clown kayo" insulto ko rin sa kanila na nagpahalakhak sa mga kasama ko.

Akmang sasampalin niya ako ng hawakan ito ni Carlo at salagin ang nagbabadyang palad na lalapat sa mukha ko.

BESTFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon