17

159 5 0
                                        


Pagkababa sa Kotse ay agad na bumungad ang mga benderetas na nagsisilbeng palamuti sa school. May banner din na nagsasabing:

FAMILY DAY

BUENAVISTA ELEMENTARY SCHOOL

Ilang araw din siyang nagpagaling sa mansiyon nila Ashton pagkauwing pagkauwi niya galing sa Hospital. Mabuti nalang ay sinabi ni Gabriel na pagod lang daw ang dahilan kung bakit ako nahimatay.

Hindi naman nagduda si Ashton at ang ibang kasambahay dahil si Gabriel ay pinagkakatiwalaan ng mga Villanueva.

"Mommy, punta tayo sa mga classmates ko" hila sa akin ni Hazel. Akala ko noon ay galit siya sa akin. Pero nong bisitahin niya ako sa Hospital ay nag sorry siya sa akin. Magagalit daw kasi si Rona kapag may tinawag siyang ibang mommy.

Ang malditang yon sinasaktan pala si Hazel. Kapag nakita ko ulit yon masasabunutan ko talaga.

"Mrs. Villanueva andito kana pala. Nasaan si Ashton?" turan ng former principal ng school.

"Nasa kotse po may kinukuha lang" turan ko pa nag-usap pa kami tungkol sa performance ni Hazel sa school ng biglang dumating si Ashton.

Marami ang mga taong nagpunta sa nasabing Family day. Akala ko ay uupo lang kami buong araw pero nagkamali ako.

Sobrang dami ng games na sinalihan namin. Maski ang para sa mga bata ay Go kami ni Ashton parang bumalik kami sa pagkabata ng mga oras na iyon.

Maingay at maraming nagsasaya ng araw na iyon sa School kung saan nag-aaral sina Ash at Ella. Family day ng araw na iyon kaya naman masaya ang lahat maliban kay Ella na nakaupo at sumisilip sa pinag dadausan ng programa.

Hindi siya makapasok dahil una sa lahat, hindi siya bayad sa entrance fee at pangalawa wala naman siyang magulang na maisama.

Akmang tatayo na at aalis ng biglang sumulpot si Ash kasama si Manong Rom. Iba na ang driver niya dahil nalipat na ito ng destinasyon. Ang ama na kasi ni Ash ang pinag dadrive nito kaya si Manong Rom na ang lagi nilang kasama.

"Saan ka pupunta Ella?" turan ni Ash na napansin ang pagkalungkot ng babae.

"Uuwi. Wala naman akong parents na aattend. Ikaw wala rin kaya umuwi kana" turan nito. Tama wala din ang parents ni Ash dahil busy ito sa kanilang business trip.

Hindi naman nagpa apekto si Ash kung wala ang kaniyang parents kaya niya nga sinama si Manong Rom para may tatayong tatay sa kanila e. Hinila ni Ash si Ella at binayaran ang Entrance Fee. Gulat na gulat man ay naging masaya naman araw ni Ella at Ash kahit wala silang magulang ng mga panahong iyon.

Laking pasalamat nila kay Manong Rom dahil sa pagsama nito sa kanilang dalawa.

Bumalik naman ang diwa ni Ella ng batuhin siya ng Marshmallow ni Ash.

"Ella wala pa tayong score. Saluhin mo" turan ni Ash na competitive sa laro. Kanina pa kami nananalo dahil sa kaniya HHAHAHA.

Naalala niyang nilaro din nila ito dati. Kaya naman inulit nila ang strategy nila noon. Sa bawat hagis ni Ash ng Marshmallow ay sinasalo naman ng bibig ni Ella.

Napatalon ang pamilya Villanueva ng Manalo nanaman sila. Napaupo siya sa sahig dahil sa hilong naramdaman.

"Ella ok kalang?" tanong ni Lovely. Pinasama ito ni Ash kanina para naman may makatulong ako sa pagbabantay ka Hazel. Tumango na lang ako bilang sagot kahit nahihilo na ako.

"Magpalit ka muna ng damit. Basang basa kana ng pawis" Turan nito kaya sinamahan niya ako sa Cr.

Habang nagpapalit ay biglang nagsalita si Lovely na ikina-kunot ng noo ko.

"Ella nanganak kana ba?" tanong nito sa akin.

"Ha? Hindi. Bakit mo naman naisip yan?" kunot na tanong ko rin sa kaniya.

"Tingnan mo ang tiyan mo oh. May tahi. Nakita kona ang ate kong may ganyang tahi. Cesarian kasi siya noon sa only Child niyang anak kaya may tahi siyang ganyan na ganyan." Turan nito.

Nilapitan pa siya nito at hinawakan ang tahi niya kuno. Inalala niyang mabuti kung saan niya nakuha ito pero hindi niya talaga maalala.

"Tok tok tok." Nagulat kami ng biglang may malakas na katok sa pinto ng Cr kung saan kami naroroon.

"Ella andiyan ba kayo ni Lovely?" tanong ni Ashton sa labas kaya agad agad akong kumilos at lumabas ng Cr.

Akala ko ay tapos na ang palaro ng biglang sumali nanaman sila sa palarong sako. Kailangan nilang tatlong pumasok sa sako at sabay sabay na tatalon hanggang sa makarating sa Finish line.

Gusto niya sanang umayaw sa laro kaso kitang kita niya ang ngiti nina Ash at Hazel kaya kahit nakakaramdam ng sakit ng ulo at hilo ay nagpatuloy pa rin siya.

Talon lang siya ng talon. Parang lumabo ang paningin niya ng oras na iyon. Ang mga naghihiyawan na mga audience ay hindi na niya naririnig.

BESTFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon