Lumipas ang Ilang buwan nananatiling hindi nila pinag uusapan ang nangyari noong nandito si Rona. Kahit ngayon ay ilag si Ella na pag-usapan ang bagay na iyon.
Nakipag palitan na din si Ella kay Lovely sa pag aalaga kay Hazel. Hindi naman nagalit si Sir.Ashton kaya madalas ay nasa Laundry Area lang siya at hindi na lumalabas sa sala para lang hindi na niya makita si Hazel at si Rona.
5 Buwan ding nagtagal si Rona sa mansiyon samantalang si Ashton naman ay laging wala dahil sa business trip nito. Lagi na ring sumasakit ang ulo ko at madalas na isuka ang mga kinakain ko. Alam kong mas lumalala na ang sakit ko.
Kapag wala akong ginagawa ay nasa Buenavista Park ako. Lagi akong tumatambay sa puno na inukitan ni Ashton noon ng pangalan namin.
"Ella? Samahan mo naman akong mamalengke" turan ni Manang Luz kaya pumayag na din ako gusto ko ding makapag libot libot e.
"Antayin mo nalang ako sa kotse. Si Mang Toni ang mag Da-drive" Ginawa ko naman agad ang utos nito.
Habang naglalakad ay binuksan ko ang Cellphone ko. Nakita kung napakadami na nitong text na halos umabot sa 500 text.
"Ilang buwan na lang naman ay aalis na ako dito e " bulong niya sa kaniyang sarili.
Sadyang lumalala lang ang pakiramdam niya dahil hindi na siya nakakainom ng gamot dahil hindi naman siya napapagod dito sa mansiyon.
Sa ngayon ay magiging kasama muna siya ni Manang Luz sa pamamalengke dahil wala sina Levi at Leva dahil sumama ito kay Rona. Pagdating ko sa kotse ni Mang Toni ay wala ito dito kaya akmang papasok na ako ng biglang bumungad sa akin si Ashton. Akala ko ay nasa Business trip ulit ito.
Isasara ko na sana ulit ng biglang sumenyas ito na pumasok daw ako.
"Sir hindi na po. Baka mali lang ako ng pinasukang sasakyan. Sige po" aalis na ako ng hilain niya ang kamay ko.
Wala na akong magawa at pumasok na lang.
"Bakit ganyan ang suot mo? Mamamalengke ka lang diba?" Turan pa nito.
"Eh sir. Mas bagay daw po kapag ganto ang suot ko." Maikling turan ko sa kaniya.
Magsasalita pa sana ako ng bigla niya akong yakapin.
"I MISS YOU" mahinang turan niya pero may diin sa bawat pagkakabigkas.
"Sir, Hindi po ako si Rona" sabay tulak nito rito pero nananatili itong nakayakap sa kaniya.
Napahiwalay lang sila sa pagkakayakap ng makita nilang papasok na si Manang Luz at Manong Toni sa kotse.
Humingi pa ng pasensiya ang dalawa pero tumango lang si Sir.Ashton. Nakarating kami sa Palengke napakaraming tao.
"Dito ka lang Ella." Sabi pa ni Ash kaya agad akong lumapit sa kaniya. Kahit naka polo ay siya ang nagdadala ng mga pinamili namin.
"Hays. Sa susunod wag ka nang magsusuot ng ganyang damit dito. Tingnan mo oh. Lahat sila nakatingin sayo" pagalit na turan ni Ash. Gusto pang makipag-away kaya naman hinawakan ko nalang ang braso niya.
Matatapos na kami sa pamimili ng biglang may tumawag sa Cp ko.
"Hays hindi ko napatay ang cp ko" problemadong turan ko dahil kilalang kilala ko na kung sinong tumawag.
Hindi ko sinagot dahil baka mahablot dito sa palengke kaya hinayaan kolang.
"Ano ba. Sino ba yang tumatawag sayo ha?" Pagalit nanamang tanong ni Ash. Hindi ko alam kung meron ba to ngayon.
Wala na akong nagawa at sinagot ko na ang tawag.
"Bruha ka nasaan kana?!, Bumalik kana dito. Hindi ko na alam ang gaga---" hindi na natapos ng kabilang linya ang sinasabi nito ng biglang may humablot dito.
"AHHHHH CELLPHONE KOOOOOOO" sigaw ko. Hindi pwedeng hind ko yon makuha. Hindi ko kabisado ang mga nasa contacts ko.
Nakita kong tumakbo ng napakabilis si Ashton kaya tumakbo na din ako dahil baka mapaano siya sa kakahabol sa magnanakaw.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND (COMPLETED)
RomanceUmalis siya ng walang paalam. Bumalik ng Biglaan. Tatanggapin mo pa ba ang taong sumira sayo noon? Para sirain ka ulit? - Ashton Kyle Villanueva __________________+++++ Namuhay ng malungkot. Nagpadala sa takot. Hihingi ng tawad sa lalaking pinakamam...