Nagmamadaling umakyat si Ella sa kwarto ni Hazel dala dala ang mga paboritong pagkain nito. Hindi manlang siya pagbuksan ng pinto ni Hazel kaya napilitan siyang buksan ito sa pamamagitan ng susi.
"Ano baaa!! Hindi ba kayo makaintindi ayuko ngang kumaiiinnnnn" pagdadabog na turan nito.
Kahit makalat ang kwarto at sobrang dilim ay hindi niya binuksan ang ilaw. Ang alam niya kasi ay marami ng nasisanteng yaya ni Hazel dahil may pagka maldita daw ito.
"Kung ayaw mo kumain wag. Pero alam mo ba kapag pumasok ka mamaya sa school wag na wag kang magsasalita kasi maaamoy nila yang bibig mo na mabaho. Kasi kapag hindi daw tayo kumakain magiging amoy bulok daw yong hininga natin" pahabang paliwanag ko sa kaniya. Yon ang natatandaan kong turo ng scince and healh teacher ko.
"Are you sure?" Naniniguradong tanong niya sa akin.
"Yes Im sure. Mukha namang hindi ka nagsasalita sa school e. Siguro hindi ka active sa school." Pang aasar ko pa sa kaniya.
"No. Madami akong stars na nakukuha ko sa mga teachers ko." Sabay tayo nito sa higaan at halungkat sa kaniyang mga nakakalat na gamit.
"Look oh, Ang dami kong stars diba?" pagmamalaki nito.
"Wow ang talino mo naman. Oh sige na kumain kana kasi kapag walang laman ang tiyan mo wala ding laman ang brain mo. Tapos babaho pa yong breath mo yakkk" maarteng turan ko sa kaniya.
Agad naman niyang nilantakan ang mga pagkain na inihain ko sa kaniya. Nakakatuwa naman ang anak ni Ashton. Kamukhang kamukha niya ito. Hindi niya alam pero may naalala siya sa bata.
Kinuha na niya ang tray na naglalaman ng ubos na pagkain. Nakakatuwa dahil akala niya ay mahirap alagaan ang batang ito pero hindi naman pala. Mali ang mga paratang ng ibang tao sa batang si Hazel.
"Oh maligo kana ah. Pagdating ko dapat nakabihis kana" sabay tap ko sa ulo niya.
Pagkarating niya sa kusina ay agad silang naghiyawan na para bang may himalang nangyari.
"Wow napakain mo?" turan ni Jing na naging yaya din ni Hazel ngunit sumuko din.
"Oo, mabait naman pala siya" turan ko pa.
"Ikaw na talaga Ella" Turan naman ni Iyah na hindi rin makapaniwala.
"Kayo talaga. Sige na aakyat na ako baka kailangan ng tulong ni Hazel sa pagligo niya" Sabay paalam sa mga kasama niya.
"Oy kaya na niyang maligo mag isa"pahabol pa ni Jing. Tumango na lang ako.
Kumatok ulit ako. Mabuti nalang at hindi na naka lock dahil bababa na naman ako kung ganon. Madalas kasi mabilis na akong mapagod dahil sa sakit ko.
"Oh bakit hindi ka pa din naliligo?" tanong ko sa kaniya.
"Galit kaba? Sorry" naiiyak na turan nito. Agad naman akong lumuhod para magpantay kami.
"Psssh. Hindi ako galit. Mas gusto ko ngang ako ng magpaligo sayo eh" natutuwang turan ko kaya naman hinatid ko na siya sa banyo at sinimulan na siyang liguan.
Puro kami tawanan habang pinapaliguan ko siya. Kulang nalang din at maligo din ako kasama niya. Napakatalino niyang bata ngunit pansin ko talagang may pagkukulang ang kaniyang mga magulang para alagaan siya.
Hindi naman ako nagtanong kung sino ang mommy niya dahil masyado atang personal yon. Basta palagi ko nalang sinasabi sa kaniya na mahal siya ng daddy niya sadyang busy lang yon kaya hindi siya masyadong nabibigyan ng pansin.
Pagkatapos maligo ay agad ko na siyang binihisan. Inayos ko din ang mga gamit na dadalhin niya. Tinalian ko din ang buhok niya. Noong unang araw kasi na nakita ko siya ay naka head band lang siya. Ngayon ay tuwang tuwa siya dahil tinirentas ko ang buhok niya.
Pagkababa ay hinatid ko na siya agad sa kotse. Binati pa niya ang mga kasambahay tulad ko kaya napangiti din ako. Aandar na sana ang sasakyan ng makita kung sumimangot siya.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND (COMPLETED)
RomansaUmalis siya ng walang paalam. Bumalik ng Biglaan. Tatanggapin mo pa ba ang taong sumira sayo noon? Para sirain ka ulit? - Ashton Kyle Villanueva __________________+++++ Namuhay ng malungkot. Nagpadala sa takot. Hihingi ng tawad sa lalaking pinakamam...