Agad akong tumakbo para harangin ang sasakyan. Ayuko kasing malungkot si Hazel dahil lang sa mag isa nanaman siya.
"Ano kaba Ella. Magpapakamatay kaba?" turan ni Carlo na nerbiyos na nerbiyos.
Pumasok ako sa sasakyan para naman humingi ng tawad kay Carlo at ihatid na din si Hazel sa school niya.
"Sorry Carlo. Nagbago kasi ang isip ko eh. Sasama sana ako sa paghatid kay Hazel. Pwede ba?" Tumango naman si Carlo. Tiningnan ko naman si Hazel at tuwang tuwa sya.
"Ella magpalit ka muna ng damit. Basa pa yang damit mo baka magkasakit ka may aircon pa naman dito" turan nito dahil malamig nga talaga at basa pa siya dahil sa pagpapaligo kay Hazel kanina.
Agad naman akong tumakbo papasok ng bahay. Kahit nananakit nanaman ang ulo ko ay nagmadali pa din ako para hindi ma late si Hazel sa school niya.
Pinahiram naman ako ni Lovely ng kaniyang damit. Ang balak ko sana ay Tshirt at maong pants lang ang susuotin ko kaso ipinilit nila sa akin ang dress na ito.
"Woww ang ganda mo naman Ella" turan ni Carlo kaya naman nagpasalamat ako,
Ilang minuto duin bago kami nakarating sa Eskwelahan ni Hazel. Namangha naman ako dahil halos gumanda na ang school namin. Akalain mo yon makakabalik papala ako sa school na ito.
Noon pangarap kong maging teacher ang kaso kulang kami sa pera. Pero ok naman ngayon dahil kahit papano ay nakabalik pa din ako sa BUENAVISTA ELEMENTARY SCHOOL.
Madaming ala-ala ang biglang pumasok sa isip ko. Bumalik lang ako sa sarili ko nong hinawakan ako ni Hazel.
"Sige na punta kana sa room mo, Susunduin kita mamaya pag uwian." Nakangiting turan ko sa kaniya ngunit ayaw pa rin nitong umalis kaya hinawakan ko ang kamay niya at sinamahan siyang pumunta sa kaniyang room.
Ngiting ngiti siya habang hawak ang kamay ko. Nagtataka man ay patuloy lang kami sa paglalakad. Halos lahat kasi ng estudyante ay nakatingin sa amin.
"Ravella Lastrella ikaw ba yan?" Tawag sa akin ng babaeng may katandaan na. Napangiti naman ako ng maalala kung sino siya.
"Ms.Ong ikaw po ba yan?'' ngiting turan ko dito. Ito ang adviser naming ni Ashton noon na lagi kaming pinagtatambal sa mga pageant dahil bagay na bagay daw kami.
"Oo naman. Tumanda lang ako pero maganda pa din." Sabay tawa nito.
"Ikaw pala ang mommy ni Hazel? Ikaw ah. Ang tagal mong hindi nagpakita. Akala ko tuloy iba ang napangasawa ni Ashton. Sabi ko sayo eh. Bagay talaga kayo" Gusto ko sanang magsalita kaso nagpaalam na din ito dahil may klase pa daw siya.
Patuloy naman kami sa paglalakad ni Hazel. Parang ang layo naman ata ng kaniyang room kaya hindi na ako nakatiis at tinanong na siya.
"Baby saan ang room mo? Baka late kana" turan ko sa kaniya. Sabay naman siyang tumuro na nasa baba pala ang room niya pero nasa 4rth floor na kami.
"Anong ginagawa natin dito?" akmang hihilain ko na siya pababa ng biglang may humawak sa kamay ko.
"Ella, anong ginagawa niyo dito?" napanganga naman ako dahil tinawag akong Ella ni Ashton.
"Ah eh ano kasi-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang magsalita ang katabi ni Ashton.
"Ohw, ikaw si Ms. Lastrella diba? Sino nga bang makakalimot sa isang masipag na mag-aaral ng BES. Kayo pala ang nagkatuluyan nitong si Ashton. So I guess Mrs.Villanueva inaasahan kong buo ang pamilya niyo sa Family day" sabay shake hands nito sa akin. Wala na akong nagawa kaya tumango tango naman ako.
Pagkapasok ng Classroom ni Hazel ay agad siyang sinalubong ng mga classmates niya. Aalis na sana ako ng marinig ko ang tinuran niya.
"Classmates, Andito na ang mommy ko." Sabay yakap sa akin. Alangan naman akong ngumiti at kumaway.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND (COMPLETED)
RomanceUmalis siya ng walang paalam. Bumalik ng Biglaan. Tatanggapin mo pa ba ang taong sumira sayo noon? Para sirain ka ulit? - Ashton Kyle Villanueva __________________+++++ Namuhay ng malungkot. Nagpadala sa takot. Hihingi ng tawad sa lalaking pinakamam...