Hindi mapakali si Ravella habang nakaupo sa harap ng Table ni Ashton. Iniwan kasi siya ni Manang Luz dito. Kahit kabado ay pinilit na lang niyang maging kalmado.
Kaya mo to Ella huuuu. Pagpapagaan niya sa kaniyang pusong nag huhurementado.
"Nagbago na pala ang dating Library ng pamilya Villanueva ay naging Office na ni Ashton" naibulaslas niya.
"Madaming nagbabago Ms.Lastrella" napapitlag pa siya ng biglang may magsalita sa likuran niya kaya naman agad siyang napatayo.
"Take a sit. Don't worry. Gusto lang sana kitang makausap tungkol sa pagtatrabaho mo dito" nabigla pa ako sa tinuran nito. Hindi ko alam na magtatrabaho ako dito.
"Alam mo namang wala ng libre ngayon sa mundo Ms.Lastrella diba?" napatango nalang ako sa tinuran niya.
"Alam mo din naman na madami akong nagastos na pera para lang maipagamot ka sa hospital" turan nito na ikinasakit ng damdamin ko. Diba natural lang na ipa Hospital niya ako dahil sinagasaan niya ako. Atsaka alam ko din na barya lang yong pera na yon kumpara sa kinikita niya. Tumango na lang ako dahil hindi ko naman pwedeng isumbat yon sa kaniya.
"Mabuti naman naiintindihan mo. Simula ngayon magiging personal Maid na kita. Aalagaan mo din ang anak kong si Hazel" napatulala naman ako sa sinabi nito. May anak na pala sya. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Manang Luz na may fiancée nga pala ang amo niya. Papakasalan na nito ang Mommy ni Hazel.
"Ash, Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa mga nagawa ko-----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang niyang suntukin ang kaniyang table na gawa sa salamin.
Nagulat man sa kaniyang ginawa. Agad ko namang kinuha ang panyong dala dala ko para ipunas sa dumudugo niyang kamay ngunit binalya niya ito.
"Don't you dare to touch me again." Aalis na sana ito ng bigla itong huminto.
"At isa pa. Huwag na huwag mo akong tatawaging Ash. Ako si Ashton Kyle Villanueva. Can you call me Ashton or Kyle. Understand?" sabay patabog nitong sinara ang pinto.
Hindi ko mapigilang maiyak sa tinuran nito. Alam kung hindi madali ang mapatawad niya ako pero gagawin ko ang lahat.
Agad siyang napatakbo. Hindi niya alintana ang mga kasambahay na tumitingin sa kaniya. Agad siyang pumunta sa kwarto kung saan siya mananatili ng isang buong taon upang pag silbihan si Ashton.
Hindi niya mapigilang maalala ang nakaraan kung saan naimbento nilang dalawa ang pangalang Ash at Ella.
"Ravellaaaa" tawag ng isang pamilyar na tinig sa kaniya. Andito kasi siya sa puno ng mangga ngayon habang gumagawa ng Assignment sa Filipino.
Hingal na hingal si Ashton habang nakaupo sa tabi ni Ravella.
"Bat ka kasi Tumatakbo?" alangang tanong ni Ravella habang kinukuha ang lagayan niya ng tubig.
"Eh kasi bumibili ako sa tindahan kanina. Tinawag ako ng tindera na Ashton kaya ayon napatingin sa akin ang mga tao at pinaghahabol na naman ako" hingal pa ring turan nito.
Si Ashton kasi ay galling sa angkan ng mga Villanueva ang pinakamayan sa bayan ng buenavista. Madaming mga babae ang nahuhumaling sa kaniya paano ba naman kasi siya ang pinaka nag iisang anak at ang mag mamana ng lahat ng kayamanan ng kaniyang angkan. Samantala madami ding galit na mga kalalakihan sa kaniya dahil sa INGGIT.
"Sige ganto na lang. Simula ngayon ASH LASTRELLA na lang ang pakilala mo sa iba para naman hindi ka nila pagkaguluhan." Turan ko dito dahil sa marami ang naiinggit sa kaniya madalas ang mga palayaw ng mga lalaki dito sa bayan ay ASH. Kung ganoon din ang palayaw niya ay mababawasan ang mga taong makakakilala sa kaniya.
"Sige. Basta Ella na din ang tawag ko sayo ah." Tuwang tuwang turan nito.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND (COMPLETED)
RomanceUmalis siya ng walang paalam. Bumalik ng Biglaan. Tatanggapin mo pa ba ang taong sumira sayo noon? Para sirain ka ulit? - Ashton Kyle Villanueva __________________+++++ Namuhay ng malungkot. Nagpadala sa takot. Hihingi ng tawad sa lalaking pinakamam...
