Lakad takbo si Ravella para lang makatakas sa mga humahabol sa kaniya. Ang gusto lang naman niya ay ang humingi ng tawad sa mga taong kaniyang nasaktan.
Mula noong bata pa siya ay takot na takot siyang magkamali dahil alam niyang mapapagalitan siya ng kaniyang ama na palaging lasing dahil sa pagkawala ng kaniyang ina.
Ang alam niya ay iniwan siya nito noong limang taong gulang pa lang siya. Hindi kasi ito sanay sa hirap dahil laking mayaman ang kanyang ina.
Simula noon ay namulat na ako na walang kinagisnang ina at parang wala ding ama dahil wala na itong paki-alam sa akin dahil sinisisi ako nito kung bakit siya iniwan ni Nanay.
Bigla niyang naalala ang lahat ng mga nangyari sa kaniya.
Malupit na Ama.
Na kahit kailan ay hindi siya minahal at sinasaktan pa siya.
Pambubully ng kaniyang mga kapwa kamag-aral.
Galit ang lahat sa kaniya dahil naniniwala ito na ginayuma niya si Ashton
Pagtatraydor sa kaniya ng sariling Kaibigan.
Sa lahat ng kaniyang pinagkatiwalaan hindi niya alam na ang bff niya ang siyang manloloko sa kaniya.
Pagmamahal sa isang lalaking sinaktan niya lang.
Si Ashton na mahal na mahal niya.
At ang sakit niya.
Para siyang pinagbagsakan ng langit dahil sa mga dagok na dumating sa kaniyang buhay.
Bumalik siya sa realidad dahil sa isang malakas na sigaw at busina.
"Pffffttttttttt"
"Miss? " Ang tanging narinig niya bago siyatumilapon
![](https://img.wattpad.com/cover/281615237-288-k65310.jpg)
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND (COMPLETED)
RomanceUmalis siya ng walang paalam. Bumalik ng Biglaan. Tatanggapin mo pa ba ang taong sumira sayo noon? Para sirain ka ulit? - Ashton Kyle Villanueva __________________+++++ Namuhay ng malungkot. Nagpadala sa takot. Hihingi ng tawad sa lalaking pinakamam...