20

168 4 1
                                    

ASHTON'S POV

Tumakbo ako sa labas at sinalubong ang malakas na bugso ng ulan.

"Hindi ko alam na ganon ang nangyari. Ang alam ko lang iniwan niya ako ng mga panahong yon" Turan niya sa sarili kahit na Pinagtitinginan na siya mga tao pero wala siyang paki-alam.

"Sorry mahal kong Ella. Hindi ko alam ang mga pinagdaanan mo" bulong niya sa sarili.

Nanatili lang siya doon habang basang basa sa lakas ng ulan. Naalala niya ang lahat ng mga pinagsamahan nila ni Ella.

"Happy birthday Ashton ko" Noong birthday ko.

"Ano ka ba kaibigan ko lang si Noel'' Noong nagseselos ako sa pinsan niyang si Noel.

"Wala to nabangga lang siguro kanina" Noong nakita kung may pasa siya.

"Ughhh ang sakit Ashton" Noong unang pagtatalik naming dalawa.

"Mahal na mahal kita. Ikaw lang at wala ng iba" Ang importanteng salita na nakalimutan ko ng umalis siya.

Iyak lang siya ng iyak. Hindi niya akalain na nilinlang lang siya ni Rona at ang mas masakit pa hindi niya pinaniwalaan si Ella noon.

"Ashtooonnnn" tawag ng isang pamilyar na boses.

Napatingin siya sa babaeng pinakamamahal niya simula pa lang noong una ngunit pinag dudahan niya ang pagmamahal nito.

Doon niya napansin ang pagbabago nito. Inis na inis siya sa sarili dahil pumapayat na pala ito at halatang may sakit pero hindi niya ito napansin nong una.

Napatayo siya ng biglang magsimula itong maglakad patungo sa kaniya. Napailing- iling siya.

"Wag kang pumunta dito umuulan" paliwanag nito ngunit patuloy lang ito sa paglakad.

"bat ka nagpapaulan?" malambing na tanong nito sa akin pero hindi ako makapagsalita kaya napaiyak nalang ako.

"Pshhh. Huwag kanang umiyak. Ang sakit kong Brain tumor ay namana ko sa tatay ko. Huwag mong sisihin ang sarili mo"sabay yakap nito sa kaniya.

Marami mang tao ang nakatingin at pinagkakaguluhan sila ay hindi na niya iniisip ang mga to. Basta ang alam niya lang ay mahal na mahal niya ang babaeng ito at hinding hindi na niya ito sasaktan pang muli.

RONA'S POV

Galit na galit si Rona na umalis sa Mansiyon ng mga Villanueva. Pinalayas kasi siya ni Ashton dahil nakita nitong sinasaktan niya si Hazel.

Ilang araw ang lumipas at lagi lang siyang nagkukulong sa kwarto habang pinagsisilbihan siya nina Levi at Leva na kasambahay noon sa bahay ng mga Villanueva. Sumama ito sa kaniya ayaw na daw nila sa mansiyon dahil agaw pansin daw doon si Ella.

"Kahit kailan talaga tinik ka sa buhay ko Ravella"Galit na galit na turan ni Rona habang pinupunit ang mga larawan nila noong bata pa sila.

Akala niya ay patay na ito noon kaya nga nabigla siya ng makita ito sa mansiyon ng mga Villanueva.

Malakas na katok ang pumukaw sa kaniya.

"Madam nasa Tv po si Sir Ashton" agad naman akong napatayo dahil sa narinig.

"Maganda gabi mga kabalita. Sikat na sikat ngayon si Mr. Ashton Kyle Villanueva at ang babaeng nag ngangalang Ravella Chel Lastrella dahil sa kanilang storyang pag-ibig. Childhood sweet hearth ang dalawa at ngayon lang muling nagkita" Turan ng reporter na mas ikinainis ko.

Agad ko nabato ang sapatos ko sa Tv kaya agad yong nabasag. Nagulat naman ang kambal pero wala na akong paki-alam kailangan nilang mamatay.

BESTFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon