NOEL'S POV
Naiwan ako sa pagbabantay kat Ella hindi ko mapigilang maiyak dahil kitang kita ang pagbabago sa mukha nito. Tumakas ito sa bahay namin kung saan siya may personal doctor. Gusto niya daw makita si Ashton at humingi ng tawad dito. Kahit may sakit ito ay iniisip pa din niya ang ibang tao.
Naramdaman kong pumasok si Ashton kasabay ng Doctor na tumitingin sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ayaw sabihin ng doctor na ito ang totoong kalagayan ng pinsan ko.
"Doctor ka diba? Bakit hindi mo sabihin ang totoo kay Ashton." Hindi ko mapigilang ituran sa kaniya.
"Nangako ako kay Ella" maikling sagot nito.
"Pwes kung ayaw mong sabihin sa akin ako ang magsasabi ng lahat lahat" sabay tayo ko.
"Sa bayan ng Buenavista naninirahan si Ella. Masayang pamilya sila noon ang kaso umalis ang mama ni Ella dahil sa pagmamaltrato ng tatay nito." Panimula ni Noel.
"Ako si Noel Lastrella pinsan ni Ella sa side ng mama niya. Pumunta ako sa buenavista dahil gusto ng mama ko na isama si Ella sa amin dahil nalaman namin na binubugbog siya ng kaniyang tatay. Ang kaso ayaw umalis ni Ella dahil nandoon ka Ashton. Mahal na mahal ka niya na kahit gawin siyang alalay at punching bag ng tatay niya ay hindi siya umalis sa lugar na iyon." nakita ni Noel ang pagbabago ng ekspresyon ni Ashton. Para itong binuhasan ng tubig dahil naalala niya bigla ang mga pasang nakita niya sa katawan ng dalaga noong araw na nagtalik sila.
Kakatapos lang ng klase ni Ella ng araw na iyon ganon nalang ang pagtataka niya ng hindi pumasok si Ashton ng araw na iyon. Isa pa sa pinagtaka niya dahil wala rin si Rona kaya naman hinanap niya ang pinsan niya.
"Noel nakita mo ba si Ashton at Rona?" tanong niya dito.
"Keber ko naman sa dalawang yon. Atsaka layuan mo na yang si Rona alam mo namang ahas yang gaga na yan" turan nito. Sa totoo lang ay siya lang ang nakaka alam na bakla ito.
Magsasalita pa sana siya ng biglang tumunog ang kaniyang Cellphone.
"Hello bes, Pumunta ka mamaya sa bakanteg lote may surpresa ako sayo" turan ni Rona sa kabilang linya kaya naman excited na nagpaalam si Ella kay Noel.
Wala ng nagawa si Noel at napangiti na lang dahil sa wakas ay masaya ang kaniyang pinsan kahit maraming pagsubok ang kinakaharap nito. Pumasok na siya sa kaniyang classroom at inalala ang susunod na subject.
Nag-aalala si Noel ng hindi niya makontak ang kaniyang pinsan kaya dali-dali siyang pumunta sa bakanteng lote kung saan pinapapunta ni Rona ang kaniyang pinsang si Ella.
"Rona? Bakit mo ginagawa to. Akala ko kaibigan kita." Turan ni Ella habang umiiyak. Lalapit na sana si Noel ng biglang itulak ni Rona si Ella kaya tuluyan itong bumagsak sa lupa at hindi na gumalaw.
Natakot naman si Noel sa nakita kaya bumalik siya sa pinagtataguan. Kahit madilim na ay kitang kita ni Noel kung paano kalikutin ni Rona ang Cellphone ni Ella saka pinag tatapakan ito hanggang sa mawasak.
"Akin lang si Ashton. Inagaw mo na nga ang pagiging top 1 sa klase pati ba naman ang lalaking mahal ko. Mamatay kanang babae ka" turan pa nito bago iwanan ang si Ella na nakahandusay.
"Noong araw na iyon hindi ko alam kung anong gagawin ko mabuti nalang ay may tumulong sa akin. Nang malapatan siya ng pangunang lunas hinintay ko ang Mama ko at isinama namin siya sa London. Hindi siya nakabalik Ashton dahil anim na taon siyang comatose" turan ko na nagpaiyak ng tuluyan sa lalaki.
"Mayroon pa akong hindi sinasabi kay Ella at alam kong alam mo na ito Ashton. Si Hazel ay tunay na anak ni Ella. Oo buntis siya ng gabing yon. Salamat sa diyos dahil hindi siya nakunan. Cesarian ang ginawa sa kaniya dahil Comatose siya tanging Machine lang ang bumubuhay sa kaniya pero nilaban niya ang anak niya. Ako mismo ang nagdala sa pilipinas ng bata at andoon ako ng makita mo ang bata sa harap ng mansiyon Ashton." Turan pa niya.
Hindi nila alam na gising na si Ella at nakikinig kay Noel. Nakaramdam siya ng saya at lungkot dahil may sakit siya at saya naman dahil totoong anak niya talaga si Hazel.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND (COMPLETED)
Roman d'amourUmalis siya ng walang paalam. Bumalik ng Biglaan. Tatanggapin mo pa ba ang taong sumira sayo noon? Para sirain ka ulit? - Ashton Kyle Villanueva __________________+++++ Namuhay ng malungkot. Nagpadala sa takot. Hihingi ng tawad sa lalaking pinakamam...